Chap 0 5 2

4.8K 192 10
                                    

AUGUST

Bumangon na'ko bago pa man tumunog ang alarm na sinet ko sa telepono ko kanina. Nata-tangahan din ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong 'yun eh alam ko namang mas mauuna pa'kong magising dahil sa letcheng insomnia na meron ako.

Ki-nancel ko na ito bago pa man ito mag-ingay na kinaiirita ko ng sobra. Alas cinco pa ng umaga. Normal na gising ko na ang oras na 'yan sa umaga at dahil sa hindi na'ko inaantok ay bumangon nalang ako at pumasok sa banyo pagkatapos ayusin ang higaan.

Paglabas ko ng banyo ay sakto namang tumunog ang telepono ko, senyales na may nagpadala ng mensahe.

Tinanggal ko ang tuwalya na nasa leeg ko at tinignan ito.

From: Rei

'Nagawa ko na gusto mo. I-text mo nalang ako o puntahan kung gusto mo na 'tong makuha.'

Isang ngisi ang pumorma sa labi ko ng mabasa ang mensahe nya. Hindi na'ko nagtipa pa ng mensahe at nilagay nalang ang telepono sa kama.

Maasahan talaga ang taong 'yun. Parang nung isang araw lang nung sinabihan ko sya na may gusto akong ipagawa sa kanya at kahapon naman nung nangamusta ako sa daloy ng pinapagawa ko at ngayon, nagawa na nga nya. Parang hindi man lang sya nahirapan. Ang bilis nyang mag-trabaho.

Syempre may kapalit ang serbisyo nya. Kahit pa sabihing kaibigan ko 'yun ay hindi na libre ang lahat. Maski nga buhay ng tao nadadaan nalang sa pera.

*ting!*

Kinuha ko ang telepono ko at bahagyang napabuntong-hininga ng makita kung sino ang nagpadala ng mensahe. Tss. Sya na naman.

From: Heartley❤️

'Hey! Alam kong gising ka na sa mga oras na'to. I just want to greet you a  good morning!🤗 Hindi na kita matatawagan ngayon kahit gustuhin ko pa kasi kailangan ko ng umalis. May sunod-sunod kaming meetings today eh.🙄🙁

But still, ayos lang kasi alam ko namang matatapos din ang busy day na'to. Will you greet me a have a nice day??😳☹️'

Napa-iling nalang ako sa pinaggagagawa ng babaeng 'to at nagtipa ng sagot.

'Ang dami mong sinasabi. Maghanda ka na para umalis, nay meetings ka pa diba?'

'Yes! But, where's my good morning?🙁'

'Magandang umaga sa'yo. Umalis ka na. Kailangan ko na 'ding lumabas.'

*send*

'Have a nice day.'

*send*

'Tss. Alam kong hindi nya'ko tatantanan hangga't hindi ko binibigay ang gusto nya kaya ginawa ko nalang.'

*ting!*

'Ayiiiee! Nag-greet back sya.😜 Crush mo na'ko noh?🤭 Hihi! Anyways, have a nice day too!😘'

Iling na nilagay ko nalang ito sa lamesa pagkatapos mabasa ang mensahe nya. Sinipat ko muli ang sarili ko. Ang ligalig talaga ng babaeng 'yun. Parang bata. Ang babaw ng kasiyahan.

Lumabas ako ng kwarto pero agad ding napatigil ng unang sumalubong sa'kin sa labas mismo ng pinto ang babaeng may malaking ngiti at napaka-aliwalas na mukha.

"Problemo mo?" kunot-noo kong tanong. Ang aga-aga pa nandito na sya. May kailangan siguro 'to.

Bigla naman syang sumimangot. "Wala man lang bang good morning dyan?"

Loving A Her (Intersex) CompletedWhere stories live. Discover now