Chapter 26

47 9 0
                                    

Chapter 26

Will you be my girlfriend?

Umakyat ang tingin ko sa kanya nang prumoseso sa isip ko ang nakalagay. Napalunok ako ng dumaan ang tingin ko sa namumulang labi niya papunta sa kanyang matang kumikinang. Suddenly, I just found myself grabbing his nape and met his lips. I closed my eyes when he kissed me back. Pumulupot ang kanyang kamay sa aking baywang habang malapit na akong mapaupo sa kanyang kandungan.

Sa tagal nang pag-aaway ng aming dila at labi ay humiwalay din nang hindi na kami makahinga ng maayos. Both of us are panting. I stayed my eyes on his lips that became more reddish while I can feel his intense gaze on my eyes.

Nang napagtanto ang nangyari ay doon lang ako dinalaw ng hiya. I cursed myself on my mind from my aggressive response. Unti-unti naging lantang gulay ang aking kamay na nasa balikat niya na ngayon.

Uupo na sana ako sa front seat nang mabilis niyang hinila ang katawan ko paupo sa kanyang kandungan. 

"Gano'n lang? My brows furrowed from his question. What does he mean?

He chuckled when he seems to notice my expression. "I need words," napalunok ako ng pinadasahan ng kanyang daliri ang pisngi at panga ko bago hinawakan ang panga.

"Ikaw rin... walang salita." Umiwas ako ng tingin.

I pursed my lips before I glanced at him. Malaki ang kanyang ngiti habang hinahawi ang buhok kong nagulo ng kaunti. He tucked them.

"Okay, okay. Sorry." He cleared his throat and stopped fixing my hair.

Parang pinagsisihan ko ang sinabi dahil hindi ko nanaman nakayanan ang intensidad ng kanyang titig. Na kahit hindi naman ako nahahawakan ng kanyang mata ay nakukuryente pa rin.

"Iona Alexander Eno... will you be my girlfriend?" Dahan-dahan niyang binigkas kaya dahan-dahan din akong tumango. Sinusubukan harapin ang kanyang tingin.

Nagpapasalamat ako sa biglang paghila niya sa'kin upang yakapin dahil pakiramdam ko ay sobrang namumula na ang pisngi ko. Doon ko linabas ang ngiti sa harap ng kanyang dibdib. Ilang beses ko rin naramdaman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"Gosh, after how many years... Mahal talaga kita, shit!" Natawa ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.

Hindi ko mabilang kung ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon. Huli ko na naramdaman na nangangalay ang paa ko. Bumalik ako sa front seat at siya naman ang humilig sa'kin.

"Thank you for the flowers." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya ngumiti na lang ako.

Hinawi ko ang kamay niya ng tumawa ulit siya sabay kurot ng pisngi ko.

Hawak kamay kami nang umakyat sa kanyang condo. Pareho hindi mawala ang ngiti at saya sa aming mukha. This is the first time he held my hand like this. Nakakapanibago.

He opened his door after he entered his passcode and turn on the lights. Sumunod ako sa kanya. Dumiretso ako ng sala, ngunit saglit na natigilan ng makita ang gitara na nasa gilid ng TV.

 "Marunong ka pala mag-gitara?"

Tumayo siya pagkatapos alisin ang sapatos at tumingin sa gitara. I was quite surprsied when he shook his head.

"H-Hindi... magpapaturo sana ako sa'yo. I want it if you're free."

"I'm free!" Kinuha ko ang gitara at bumalik sa sofa.

"Hindi ka pagod?" Tanong niya nang palapit sa'kin. Umiling ako.

I thought he is going to sit beside me, pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod. Akala ko kung ano na ang ginawa niya, ngunit tinanggal lang pala ang sapatos. "Ako na," sambit ko. He shook his head.

TSSS 1: Dancing With Your GhostWhere stories live. Discover now