Chapter 1

10 0 0
                                    

Hello,

It's good to have you here and please bear with me in every update and join me all through the end.

Hoping that you will enjoy reading this story.

Fireflicker13

*****

Summer's POV

NAGULAT ako ng may kumatok sa office door ko, it's Beth, my executive assistant. Masyado akong tutok sa tinitignan kong sales report sa laptop, hindi ko man lang narinig na may kumakatok pala.

“Ma'am Trina called a while ago, pinapasabi n'ya po na kanina pa daw ito tumatawag sa cellphone n'yo." Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko napansin na may tumatawag pala sa akin.

Nagsalita ako habang hinahanap kung saan ko nalagay ang cellphone ko. 

“What's my schedule for today?"

Napangiwi ako ng makita ang twenty missed calls ni Trina. I was about to open the message ng magsalita si Beth.

“Lunch meeting with Ma'am Trina in The Woodlands." 

Nagkibit balikat lang si Beth ng mapatingin ako sa kanya.

I rolled my eyes as I close the laptop. I forgot, monthly meeting pala namin ni Trina, it's about Proud Magazine.

Pinasadahan ko ng mga palad ko ang suot kong suit at tumayo na. I grab my bag and stormed out of my office.

“Beth, call me if something came up." Agad kong sabi kay Beth ng makita ko ito sa table n'ya.

Tumango naman ito. “Alright, ingat po kayo ma'am.”

Hindi ko na ito sinagot at dumiretso na sa private lift.

It's been almost five hard years simula ng maging acting CEO ako ng The Altamira, Inc. My Dad is not capable of doing his duties as a CEO of this company. He's been in and out of the hospital for years at bawal itong ma-stress and this company is total stress.

Napahugot ako ng malalim na hininga ng maisip ko ang kalagayan ng Ama ko. I need to be tough para mapamunuan ko ng husto ang kompanya ng pamilya ko. Alam ko na marami ang gustong pumalit sa pwesto ni Dad lalo na ngayong incompetent itong pamunuan ang kompanyang ito.

I will never allow that to happen. This is my family's company, our company. Marami silang umangal ng maging acting CEO ako dahil hindi pa daw sapat ang kakayahan ko, but I will never let them handle our company. Kung kinakailangan kong makipagbuno para sa pamilya ko ay gagawin ko.

Tumunog ang lift at bumukas ng marating ko ang lobby.

“Ma'am.." May mga bumati sa akin ng lumabas ako pero deri-deritso lang ang lakad ko palabas ng building.

Mga ilang dipa pa lang ang layo ko sa bungad ay may bumangga sa akin, kaya inis ko itong sininghalan.

“Hey, watch where you're going!"

Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaki na sa unang tingin ko pa lang ay applicant. Magulo ang buhok nito at tumabingi ang suot nitong salamin. Hindi rin ito magkanda-ugaga sa pag pulot ng mga nahulog na dokumento.

Tumayo ito at inayos ang suot na salamin bago mag salita sa harap ko. Nagulat naman ako ng tumingin ito sa mga mata ko ng diretso kaya napaatras ako.

“Pasensya na po ma'am, nagmamadali po kasi ako at magpapasa ako ng requirements.”

Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Ang mata ginagamit para makakita hindi deni-desplay lang sa pagmu-mukha."

Napayuko naman ito.“Pasensya na po talaga."

“Apat na nga ‘yang mata mo hindi mo pa rin makita ang dinadaanan mo. Sa susunod maghanda ka ng mabuti para hindi ka magkanda-ugaga sa pagmamadali." At nilagpasan ko na ito.

Dapat ay palagi kang handa, kasi hindi lahat ng oras ay naayon sa kagustohan mo. Tsk, nagmamadali itong magpasa ng requirements. Swerto s'ya kasi natanggap na ito sa kompanya ko, pero ang ikinamalas n'ya ay nabunggo n'ya ako. Anytime pwedeng magbago ang kapalaran ng isang tao, kaya dapat palaging handa.

“Welcome to The Woodlands, ma'am. Do you have any reservation?" Bungad na tanong sa aking ng door attendant.

“I'm with Trinity Natividad-Valdez." Sagot ko.

The lady scan her tablet and smiles before saying.

“Miss Summer Altamira follow me please, your table is right this way." At nauna na itong maglakad.

Nakita ko si Trina na hawak ang cellphone nito at may tinatawagan. Napangisi naman ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag na dala ko.

“Where on earth have you been? Kanina pa ako tawag nang tawag sa number mo at sa opisina mo." Inis nitong asik ng makaupo ako sa tapat ng inuupuan nito.

Napangisi naman ako dahil sa inis na nakikita ko sa pagmumukha n'ya.

“I been in hell, having a small talk with a cup of coffee together with the devil.”  sagot ko na mas lalong nagpalukot ng mukha nito.

“Ayusin mo nga ‘yang sagot mo lalo na't naiinis ako sa'yo! I been waiting here for an hour already. Our lunch meeting is eleven in the morning at heto ka at pa VIP dahil anong oras ka ng dumating."

Mabuti na lang at nasa private room kami ng The Woodlands, dahil kung hindi ay nakakahiyang makita how this woman rant.

“I forgot about our lunch meeting at pinaalala lang ni Beth sa akin. Stop ranting, I'm here already."

Napapikit naman ito at kalaunay bumuntong hininga.

“Your getting worst, kung hindi lang talaga kita kilala.  Parang hindi na ikaw ang Summer na kilala ko... "

Pinutol ko naman agad ang dapat pa nitong sasabihin.

“Don't go there!" Ayaw kong marinig ang sasabihin nito lalo na at may kinalaman sa nakaraan ko.

Laglag ang balikat nitong tumingin sa akin bago magsalitang muli.

“I know, nami-miss ko lang ang dating ikaw." May bahid ng lungkot nitong sabi.

Kunot-noo ko itong sinagot. “That naive woman is long been gone, Trina. Hindi na ito babalik pa muli... Let's order.”

Tinawag ko ang waiter na kanina pa naghihintay para sa order namin.

Trina started to discuss pagkatapos naming kumain.

“Well, about the featured bachelor on this month issue... " I cut her off.

“I trust you on this Trina, you're my editor in chief kaya mas alam mo ang mga bagay tungkol sa Proud." At tinignan ko s'ya sa mata matapos kong uminom ng tubig.

“It's just that, you need to know about him. We have no room for complications, alam mo ‘yan."

I am reaching my bag as I speak. “I know, at alam mo namang wala akong panahon para pagtuunan ng oras ang pag kilala sa mga nagiging feature ng Proud. In fact, nandyan ka naman. I count on you Trina, ikaw na ang bahala." At tumayo na ako.

“B-But... ” magpo-protesta pa sana ito, pero nagpaalam na ako.

“Kailangan ko ng bumalik ng opisina, paki-kamusta nalang ako kay Miggy at pasabi kay Carlo na dadalawin s'ya ni ninang sa sabado." Sabi ko at humalik na sa pisngi ni Trina at umalis na.

Trina and Miggy got married seven years ago and they have a five year old son named Johan Carlo at inaanak ko ito.

I was about to enter my car ng may humaharurot na sasakyang dumaan sa likuran ko. It was a black Lamborghini Huracan Evo, napatirik ko ang mga mata ko ng wala sa oras. Bigla naman ay bumukas ang pinto nito pero hindi ko na pinag-aksayahan ng oras para tignan ang walang hiyang driver ng sasakyan.

“Tsk, what a show off!" Inis kong usal at padabog na sinarado ang pintuan ng puti kong Audi.

The Bastard's PropertyWhere stories live. Discover now