Chapter 2

9 0 0
                                    

Hello,

Dahil nandito ka, sana magustuhan mo ang chapter na ito. Maraming salamat at naligaw ka dito at sana magkasama pa rin tayo sa mga susunod pa na mga chapters.

Love,

Fireflicker13

*****

Summer's POV.

TUMUNOG ang elevator ludyat na narating ko na ang palapag ng opisina ko dito sa The Altamira Inc. It is eight in the morning at kailangan kong agahan ang pagpasok, marami akong projects na nire-review at may mga dokumentong kailangang permahan.

"Good Morning, Ma'am. Coffee?" Nakangiting bati sa akin ni Beth.

Tinanguan ko naman ito. "Yes, please.. " at papasok na sana sa loob ng opisina ko ng lingunin ko ulit si Beth.

"Bring all the documents that I need to review."

"I already put it on your table, Ma'am. Same with the documents that need to be signed." Pagbibigay alam nito.

This is the thing I like the most about Beth, she is so dedicated towards her job. Alam nito ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.

"Okay, pakidala nalang ng kape ko sa loob."

Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang trabahong sinalo ko. I admire my Dad so much,  lalo na at kaya nitong gampanan ang trabaho at pagiging padre de pamilya sa amin.

Speaking of Dad, uuwi silang Pilipinas next week. After six months of staying sa America para sa operasyon nito. This time I am hoping for a better result para kay Dad.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko kaya tinignan ko agad kung sino ang tumatawag.

It's Trina. "Hey.. "

"Summer... N-Nasa ospital kami ngayon."

Napakunot ang noo ko dahil umiiyak ito at hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin.

"What? Hindi kita maintindihan. "

Suminghot naman ito bago magsalitang muli.

"Nasa emergency room kami ngayon, we rush Carlo in JMV hospital."

Napatayo naman ako sa swivel chair ko at kinuha ang bag ko.

"Pupunta ako d'yan. " I ended the call at nagmadaling lumabas.

Bumungad sa akin si Beth na dala-dala ang kapeng pinagawa ko sa kanya. 

"Beth, cancel all my appointments. Ikaw na ang bahala dito, you can have the coffee. "

Nagtataka man ay mabilis itong tumango.

"Okay Ma'am, ako na po ang bahala. "

Mabilis akong nagmaniho papuntang JMV Hospital. Agad akong nagtungo sa emergency room ng ospital pagkarating ko.

"Trina, Miggy, what happened?" Bungad kong tanong sa kanila.

"S-Summer... " Umiiyak na niyakap ako ni Trina at tinanguan naman ako ni Miggy.

The Bastard's PropertyWhere stories live. Discover now