II.

28 14 7
                                    

I was busy printing all my requirements. Nakakapagod maging estudyante pero makikita rin naman sa grades yung paghihirap namin. Nasa likod kami ng aming room kung saan busy ako sa pagrerevise ng kanilang requirements. Minsan sa akin nila ipaparevise ang kanilang requirements dahil minsan ay napagalitan sila sa mga teachers namin. Marami kasi silang errors at minsan rin ay wala ring indent ang kanilang gawa.

"Vin tapos na lahat ng iyo. May tapos na ba diyan na pwede nang iprint?" turo ni De sa mga laptop na nasa table ko.

"Itong laptop ni Favi tapos ko ng irevise tapos ito ring sayo. May hindi ka natapos na essay kaya tinuloy ko nalang" kinuha niya ang laptop niya at ang laptop ni Favi para isunod na niyang iprint.

"Thanks Vin" ngiti nalang ang iginawad ko sa kanya at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Maraming mali sa equation ni Lai sa PreCal kaya inulit ko na naman.

Halos isang oras kong natapos lahat ng requirements namin. Nagsimula kami kaninang recess break namin at wala rin ang teachers namin sa huling dalawang period namin ng umaga.

Dalawa lang kami ni De ang umasikaso sa requirements namin at si Favi naman ay naghahanap ng players ng year level namin habang si Ruru ay siya na ang umasikaso sa isang requirement ko sa Oral Communication. Si Lai naman ay may klase siya ng after break namin.

"Tapos na ba lahat Vin?" tanong ni De habang inaayos niya lahat ng kalat namin.

"Oo De pero kailangan kong tulungan si Favi dahil kasama niya dapat ako na umasikaso sa mga players natin" tumango nalang siya at huli na ng tumalikod ako ay sakto rin na papasok si Favi habang kasama niya si Maverick.

"Tapos na lahat Vin. Don't worry tinulungan naman ako ni Maverick. Here's your snack. Alam kong pagod kayo sa pagaasikaso ng requirements natin." iniabot niya ang dalawang paper bag ng Jollibee. "Si Lai daw ang sasagot ng lunch natin" pahabol niyang sinabi at nagmeryenda na kami ni De.

"Favi gisingin mo nalang ako kapag lunch break na. Konti lang tulog ko kagabi" tumingin naman sa akin si Favi ngunit hindi ako inform na pati si Maverick ay titingin rin sa akin. Nagthumbs up naman sa akin si Favi para sa kanyang sagot.

Pumunta ako sa aking silya upang doon ihiga ang aking ulo. I close my eyes and start to sleep pero may naramdaman ako sa aking likod ngunit pinabayaan ko nalang upang makatulog ako.

——(*_•_*)——

"Vin lunch na" boses ni Favi iyon habang ako naman ay uunat pa lamang. Nandito silang lahat sa room namin kasama na rin si Lai at Ruru.

"Saan tayo kakain?" tanong ko ngunit ngumiti lang sila ng ituro nila sa labas ng bintana namin.

Agad akong sumilip doon at makitang may nakalatag nang picnic mat at mga pagkain. Ang nakakagulat lang ay ang nakatayong bulto roon. Hindi ko masyado makita ng masinsinan ngunit sa ngiti palang nila ay nararamdaman ko na kung sino iyon.

"Tara na gutom na si Favi" nakita ko naman na ngumuso si Favi dahil sa halaklak na iginawad ng aking mga kaibigan.

Naglakad kami pababa dahil hindi naman kalayo ang school grounds namin. Minsan rin ay dito karamihan kumakain ang mga estudyante pati na rin ang mga teachers minsan. Masarap kase ang simoy ng hangin at maraming puno ang nagsisilbing silong ng mga tao.

Naglapat ang tinginan namin ni Maverick pero agad din siyang umiwas. Lumakad na rin siya palayo dahil alam niyang hindi ako kumportable sa kanya.

"Mav saan ka pupunta?" tanong ni Favi ngunit alam kong dahil sa akin kung ganyan ang mga kilos ni Maverick.

"Okay lang ako" tipid na ngiti lang ang iginawad niya upang mas lalong hindi lumala ang usapan.

Embrace the Rain | Barkada Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon