IX.

14 12 1
                                    

Kira was hospitalized dahil sa car accident. Buti nalang at ligtas siya. She was in a coma for three months. Hindi pa rin siya gumising at bumibisita rin kami pagkatapos ng class namin.

"Saan tayo ngayon" katatapos lang namin na bumisita kay Kira. De, Maverick and Favi we're now looking at me. "Why?" I asked.

"Wala lang glowing ka lang mare haha" tawang-tawa si Favi na kasalukuyan ay pinagtritripan na naman ako.

"Una na ako. May aasikasuhin pa ako. Chat nalang sa gc" I bid my farewell goodbyes to them.

Wala na akong pakialam kung saan mang lupalop sila pupunta. Nagcommute nalang ako pauwi dahil iba naman ang pupuntahan nila. Next week na rin ang kaarawan ko. Magiging legal na ako. Wala akong balak na maghanda dahil magiging busy ako that day. Marami pa namang naidagdag na requirements namin.

"Nikaile nakauwi na si kuya Khalid?" tumango lang siya at itinuro sa itaas kung saan ang silid niya. Iniwan ko nalang siya sa sala dahil gumagawa siya ng homework niya.

Naglalaro lang mag-isa si Khalix. I just kiss him on his cheeks at umakyat na sa taas. Agad akong naligo dahil nagiging malagkit na naman ang katawan ko. Agad namang pumasok si kuya nang matapos akong maligo.

"Can we talk Vin?" agad naman akong umupo sa tabi ni kuya. "What do you want on your birthday? Habilin kasi ni Dad noon na wala ni isa sa atin ang hindi pwedeng maghanda sa kaarawan natin. It will be your 18th birthday Vin"

I just shrugged. "Kung ano ang meron nalang. Hindi naman ako magpapaparty na kung saan napakaraming gastusin at saka magiging busy ako next week"

"Okay but magsabi ka lang sa akin Vin. Kahit anong gusto mo, we'll do it for you" hinalikan ako sa noo si kuya bago umalis.

I was staring at the calendar. Bumalik sa aking ala-ala lahat ng ginagawa namin ni Dad every birthday ko.

"Havin bilisan mo para marami pa tayong oras para sa birthday mo" mabilis akong nagprepare para sa aking sarili. Nadatnan ko lang si Dad na hinihintay ako sa baba. Yumakap ako sa kanya at lumabas na kami.

Sumakay kami sa kotse ng tita ko. Hiniram muna daw ni Dad ito para sa aking kaarawan.

"Havin magseatbelt ka for safety purposes and I want you to enjoy your day" sinunod ko naman ang sinabi ni Dad at wala akong inisip kung hindi ang mangyayari ngayon.

"Dad saan tayo?" tanong ko habang nasa daan ang mata ni Dad. Pabalik-balik lang ang tingin ni Dad sa akin at sa daan.

"Don't ask. I know you'll love and enjoy sa pupuntahan natin. Relax ka lang" patawa-tawa pa si Dad at nagfocus lang ako sa daan.

Umidlip muna ako dahil 3 am palang ng madaling araw ay ginising na ako ni Dad. Gusto lang daw niyang marami kaming oras ngayon kesa sa nakaraang kaarawan ko.

"Havin gising na. Kain muna tayo dito" niyuyog ako ni Dad upang gumising ako. I was just amazed of the nature that surrounds the restaurant. "Let's eat first bago tayo pumunta sa pupuntahan natin"

Pumasok na kami sa restaurant at si Dad na ang pumili ng kakainin namin. Dati na ring driver si Dad ng iba't ibang sasakyan na pumupunta sa ibang lugar. Palagi niya akong sinasama kapag bibiyahe siya sa ibang lugar.

Steak at sisig yung kinuha para sa akin ni Dad habang sa kanya naman ay puro gulay lang.

"Havin dinala mo ba yung phone mo or yung camera mo? Baka hiramin mo na naman ang phone ko" paalala niya sa akin kahit nasa bag ko lang yung camera at nasa pocket ko ang phone ko.

"Yes Dad! Always ready" masayang sabi ko habang patawa-tawa ako. Hindi na rin kami nagsalita muli ay itinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko.

I always love traveling. Yun ang pinakaimportante ngayon sa akin. Wala na akong hihilingin pa dahil kumpleto kaming magkakapamilya at wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng pamilya.

Embrace the Rain | Barkada Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon