PROLOGUE

8.4K 315 213
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

"I will not marry a stranger." Lumingon ako sa lalaking nagdidilim na ang mga matang nakatingin sa akin. "Ayokong matulad sa 'yo, Dad. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal," diin ko.

Mabigat ang mga paa kong humakbang palabas sa silid. Kasabay niyon ang pag-iwan ko sa kung ano ang namamagitang dugo sa amin ni Dad. Because this will be the last time that I will step in this building. Dito ko na puputulin ang ugnayan naming dalawa bilang mag-ama. I know, Mama will gonna understand me.

Paglabas ko ay pipigilan pa sana ako ni Miss Gel, pero dire-diretso lang akong naglalakad patungong elevator. Pinindot ko ang button para mag open ito. Mabilis din naman itong bumukas dahil exclusive elevator lang naman ito for CEO. Wala akong sinayang na oras, pumasok ako at pinindot ang button na letter G. Magsasara na sana ito nang biglang may humarang na kamay roon dahilan para automatic itong bumukas.

Kumunot ang noo ko.

Nang bumukas ay doon ko nakita ang rebulto ng nagngangalang Russel. He stepped into the elevator and immediately pressed the button to close it. He then turned to face me.

Russel quickly pushed me into a corner and kissed me.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Itutulak ko sana siya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paglapat ng kamay ko sa taas ng ulo ko. Mas siniilan niya pa lalo ang paghalik sa akin. Dahilan para ako ay manghina sa ginawa niya.

Halos maluha-luha ako nong kagatin niya ang labi ko. Doon ay mas nagpumiglas ako. Kasabay din niyon ang pagtunog ng elevator hikayat na magbubukas na ito. Nong binitawan niya na ako ay marahas ko siyang tinulak at sinampal dahil sa inis.

Hinawakan ko ang labi ko at hindi nga ako nagkakamali. Dumudugo nga ito dahil sa ginawa ng lalaking ito.
"I just marked what's mine," he stated.

Hingal na hingal akong tintigan siya nang masama. "Let me remind you Mr. Fontello, hindi mo ako pag-aari. Hindi mo mabibili ang pagkatao ko. Kahit ikaw," dinuro ko siya sa mukha, ". . . pa ang pinakamayaman sa lahat. Alam mo? Maghanap ka na lang ng iba, dahil hindi ako gano'ng klaseng babae," gigil kong sambit.

Hinawakan niya ang namumula niyang pisngi kung saan ay iniinda ang sakit ng pagkakasampal ko sa kanya. "You said that you would not marry someone you didn't love. I'll take that as a challenge, Ms. Hernaso." Ngumisi siyang tumingin sa mga mata ko, "And I'll do everything to make you mine."

"You wish," diin kong sambit. Pagkatapos ay nag-walk out na ako. Pagkalabas ko sa elevator ay doon ko lang na-realize na pinapanood na pala kami ng mga empleyado. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad na umalis sa lugar na iyon.

Beyond His Warmth (Soon To Be Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon