Chapter 1

6.2K 210 29
                                    

Arranged Marriage

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Arranged Marriage

"Welcome to Camila Luisa," masayang sambit ni Miss Ara, manager ng isang sikat na beauty care line.

"P-Po?" Utal kong tanong. Hindi sa hindi ko marinig. Sadyang hindi ko lang ma-proseso iyong mga nangyayari. Paano ba naman kase, hindi pa umaabot ng fifteen minutes ang interview niya sa akin ay heto kaagad ang sinabi niya.

"I said, you're hired," aniya.

"P-Pero nag i-introduce pa lang po—"

"Ayaw mo ba?" Putol niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro?

"N-No, Miss Ara. I mean, it's kinda unfair to other applicant if you . . ." Huminto ako sa pagsasalita nang ma-realize na nawawalan na naman ng preno ang bibig ko. The hell of it! Palagi na lang akong napapahamak. Nagda-dalawang isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko o hindi.

"What?" Tumaas ang kilay niya habang pinalalaruan ang ballpen sa kanyang daliri.

Sa puntong ito ay kinakabahan na ako. She looks like my professor in marketing management who's very strict and nambabagsak ng estudyante without giving her student a chance to pass her subs. Kaya naman ay hindi ko na nagawa pang buksan at igalaw ang labi ko.

"Is it because I interviewed and hired you on the spot?" Matagal siyang tumingin sa akin. Tila ba'y binabasa pa ang isip ko.

Napalunok ako sa aking kinauupuan. "I-I'm sorry if I offended you, Ma'am," mahina kong sabi.

"How did you say I hired you easily, Miss Hernaso?"

Napakagat ako ng labi bago nagsalita. "K-Kase po, you. . . you just ask for my information that is also indicated in my resume. You didn't ask me po kung paano ko magagawa 'yong responsibility ko as a beauty consultant. You didn't even challenge me on how to do a demonstration of the product that I am going to sell."

"Oh, is that so?" Tinitigan niya ako nang maigi. Tila ba kakainin niya na ako sa kinauupuan ko.

Shet! Feeling ko na-offend ko talaga siya. Bakit ba naman kase walang tigil itong bibig ko?

Hanggang sa makita ko ang pag-ngiti ng kanyang labi. "Well, to tell you the truth, Miss Hernaso. Your education background is so impressive. You finished the course, Business Management from a famous university here in the Philippines. You can even take over my position as a manager nga, 'eh. When it comes on demonstration the product naman . . ." Tumayo ito at pumunta sa likuran ko. Pagkatapos ay hinawakan ang balikat ko. ". . . You don't need to worry. Lahat naman ay nagsisimula sa wala. Syempre, we're going to teach you. That's why you started as a trainee. Since you're a graduate of business management, I expect that you are familiar with how it works. So, that's not really a problem."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mga ngiti ni Miss Ara. Ang buong akala ko ay hindi na ako makakalabas sa office niya nang buhay. Nag explain lang siya nang kaunti patungkol sa magiging uniporme ko at estimated date ng first day ko. All I have to do for now is to follow up the remaining documents needed.

Beyond His Warmth (Soon To Be Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon