Chapter 15

9.5K 214 3
                                    

Pagkatapos naming mag-breakfast sa isang restaurant nanatili muna kami sa loob. Ang ganda kasi ng ambiance it's like lifting up the mood of a person. Actually mostly is kahoy lang naman ang gawa and glass.

His arms are on my waist and chin placed above my shoulders. Niyayakap niya ako mula sa gilid.

"Kailan tayo uuwi, Eli?" he asked. I can smell his minty breath. I am loving it more.

Bigla akong napaisip. Mag-isang linggo pa lang naman kami dito, "Hmmm...Hindi ko alam, mas gusto ko pang mag-stay dito, eh. Dito kasi malaya akong nakakalabas," sagot ko sa kaniya. Kapag nandoon ako sa bahay, iikotin ko lang naman ang buong lugar ng paulit-ulit.

Tumango siya, "Right!"

Bigla akong napalingon sa kaniya, "Bakit gusto mo ng umuwi?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, "Hindi, kasi hindi kita mayayakap ng ganito kung nasa bahay niyo tayo," sabi niya at hinalikan ako sa balikat.

Biglang uminit ang pisngi ko, "Talaga? So, gusto mo akong kayakap palagi?" I asked, pouting my lips. My cheeks remains burning.

He smiled sweetly, "Yeah, Eli. As much as possible, yayakapin kita lagi hanggang sa mabaliw ka sa'kin." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Bakit 'yan ang laging sinasabi niya?

Baliw na nga ata ako sa kaniya, baka sa mental na ako pulutin niyan.

"Ewan ko sa'yo, Hector! Parang ewan 'to," umikot ang mga mata ko at sinabit ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko. I nibbled my lips.

"Pero mukhang mauuna yata akong mabaliw sa'yo, Eli," bulong niya sa'kin. Napantig ang tenga ko. Hindi ko mapigilang matulala. Huli na nang ma-realize ko na hinihila na niya pala ako palabas ng restaurant.

Paglabas ay agad niyang pinadausdos ang palad niya mula sa balikat ko hanggang sa beywang pababa ng balakang malapit sa maumbok kong puwetan. Napalunok ako.

"Let's show them what's mine, Eli. Because from now on...No one can touch you, go near you, ako lang," matigas niyang sambit.

Territorial

Hindi ba dapat ay magalit ako? Pero kinikilig ako kapag nagiging territorial siya. Natutuwa ako sa ganiyang ugali niya. I can feel him, his feelings.

Dahil nga maganda ang katawan at sobrang gwapo ni Hector, hindi maiwasang makita at mapansin ito ng iba. Nalalaglag ang mga panga nila sa lakas ng dating nito.

While we are walking hindi ko mapigilan ang sariling magsalita, "Uhmmm...Hector, tumitingin sila sa'yo," bulong ko sa tenga niya. Naasiwa ako. Parang nagagalit sila sa'kin.

Mahigpit niyang hinapit ang balakang ko papalapit sa kaniya, "Let them, Eli. Na sa'yo na ako," sagot niya sa'kin.

Dumeretso na kami sa room namin. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Napapalunok ako ng wala sa oras.

Siya ang bumukas ng pinto namin kaya nauna akong pumasok sa kaniya. Dederetso na sana ako kwarto ko ng bigla niya ako hinila at pinasandal sa likod ng pintuan.

I frozen for a moment when I  feel his breath in my left ear. Nabigla ako at nakaramdam ng excitement. Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko at nilagay sa beywang niya.

He cupped my face. Deretso siyang tumingin sa mga mata ko, namumungay ang mga mata niya na tila ay hinihigop ako. Nakakaramdam na naman ako ng kakaibang sensasyon.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya at dumampi kaagad ang malambot niyang labi sa labi ko.

When he started to move, I kissed him back passionately. Bigla niya akong binuhat kaya napatili ako na hindi pinuputol ang halik. Pumulupot ang mga binti ko sa beywang niyang para hindi mahulog at andoon naman ang dalawang kamay niya para umalalay.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Where stories live. Discover now