06

48 3 2
                                    

Kararating ko lang dito sa bahay. Nakakapagod. Nadatnan ko ang kapatid ko na nanonood ng TV. Tumabi ako sa kanya. Hawak ko pa rin ang chocolate na bigay ni, San.

"Vinci, akin na lang yung isang chocolate." Bibigay ko ba? Hindi naman sa nagdadamot o ano.

"Kakain na, pumunta na kayo dito!" Sigaw ni mama, mula sa kusina. Itinago ko na ang chocolate sa bag ko.

"Nandyan na po." Hindi naman na ako binwisit ng kapatid ko.

Nang matapos na kaming kumain, naglakad-lakad muna ako dito sa loob ng bahay para bumaba ang kinain ko.

Bigla kong naisip, ako lang kaya ang binigyan nya ng chocolates? Ako lang kaya ang nginitian nya? Naramdaman din kaya nya yung kuryente nung nagkadikit ang mga braso namin? Bakit ko ba iniisip yon?

Ayokong mag-isip ng mga bagay na makaka-distract sa pag-aaral ko. Pumanhik na ako sa kwarto ko. Habang nakahiga sa kama ay may tumawag sa akin.

"Hello?" Si, Green. Gabing-gabi na, tumatawag pa. Sigurado ako mangbwi-bwisit na naman 'to.

"Mare, hindi ako maka-move on sa performance nyong dalawa ni, San. Ahhh!!" Inilayo kong bigla ang cellphone sa tenga ko nang sumigaw sya.

"Alam mo, shuta ka. Itulog mo na lang yan." Pinatay ko na ang tawag. Kakasabi ko lang kanina, hangga't maaari ayoko ng distraction sa pag-aaral. Mga ganitong bagay, dapat ng kalimutan.

Maaga akong nagising. Friday ngayon at may performance kami sa P.E. Shuta, huwag naman sanang sayaw.

"Ma, alis na po ako." Kumuha ako ng pandesal sa lamesa at kinagatan yon. Ininom ko din ang gatas na nakatimpla para sa akin. Hindi ako umiinom ng kape.

"Sabay na kayo ng kapatid mo." Nasa Bulacan kasi si papa nagtra-trabaho bilang isang truck driver. Walang naghahatid sa amin pagpasok kaya commute na lang.

"Vincent! Bilisan mo!" Lumabas na ang kapatid ko. Gulo-gulo pa ang buhok nya.

"Hoy, bilisan mo! Late na ako." Nauna pa syang lumabas kaysa sa akin. Epal, kung hindi ko lang 'to kapatid baka sinapok sapok ko na 'to.

Nakarating na ako sa eskwelahan. P.E. ang unang subject namin ngayon. Kaliligo ko lang pag-papawisan na naman ako, mabuti na lang at nagdala ako ng extra shirt, pamalit.

Naabutan kong nagkakagulo sa loob ng room namin. Anong nangyayari?

"Hoy, ano meron?" Tanong ko sa kaklase ko. Grabe naman makatili yung mga kaklase kong babae.

"Si ano! Si yung - anak ni, Sir! Si, San. Shems, ang gwapo, pota!" Kailangan magmura? Binawal naman ni, Claire ang mga kaklase ko. Nasa harapan si, San at nakaupo sa upuan ni, Sir. Busy sya sa cellphone nya at wala yatang pakialam sa nagyayari sa paligid nya.

"Green," tawag ko sa kaibigan ko na nasa- What the pork?! Anong ginagawa nya doon? Malapit sya sa pwesto ni, San at titig na titig pa sya. Anong kaharutan na naman ba 'to?

Lumapit ako sa kanya at kinurot ang braso. Napa-sigaw naman sya sa ginawa ko. Nakuha ko pa ang atensyon ni, San.

"Pasensya na." Tumayo na sya sa inuupuan nya, ako naman hinila ko na si, Green.

"Green, tara-" Lumapit sa akin si, San. Nagulat ako nang bahagya syang yumukod malapit sa kanan kong tainga.

"Office. After your first class." Bulong nya sa akin. Shuta, ano yon? Lumabas na sya na parang walang nangyari. Kumalabog ang dibdib ko kaya napahawak ako roon.

"Ahhh!! Shuta ka, mare!! Hayaan nyo naman akong mabuhay! Shuta, wait lang! Ahhh!" Niyugyog ako ni, Green. May iilan sa mga kaklase ko na napatili. Syempre yung iba, bubuyog na.

"Pota! Ano yon?! Ngayon lang nag-sink in sa utak ko?!" Sigaw naman ni, Claire. Hinila ko na palabas si, Green. Ako din, hindi ko alam kung ano yon.

Habang lumalakad kami papunta sa Covered Court ay walang ginawa ang kasama ko kung hindi tumili. Hindi ba sya napapagod? Paos yan mamaya, panigurado.

"Shuta ka, mare. Naiingit na ako sayo. Pota! Ano amoy nya? Mabango ba? Amoy baby?" Binatukan ko nga. Hindi ko alam kung bakit nagkaka-ganito si, Green. Ganon ba kalakas ang tama nya kay, San?

"Alam mo, itigil mo na yang kakatili mo, naririndi na ako. Hindi ko sya naamoy, happy?" Parang bumulong lang naman eh. Anyways, may pagka-husky yung boses nya nung bumulong sya.

"Ahhh!! Ang swerte mo talaga!" Hinampas nya pa ako. Hindi ko na sya pinansin. Nakarating na kami sa Covered Court. Nandoon na ang teacher namin at ang iba kong kaklaseng lalaki.

Naghintay pa kami. Maya-maya lang ay nagsalita na si, Sir.

"Pumila na kayo. Zumba tayo ngayon." Yun lang. Zumba daw? Pilitin natin kahit hindi pwede.

Itinuro na sa amin ni, Sir ang sayaw. Nakailang practice pa kami, bago namin ma-perfect ang step non. Pawis na pawis na ako, shuta.

"Okay, pwede na kayong pumunta sa second subject nyo." Kinuha ko ang tubig sa bag ko at uminom.

"Hay, nakakapagod." Nagulat ako nang sumulpot sa gilid ko si, RJ. Escort namin.

"Pawis na pawis ka. Asdfghjk." Ano raw? Hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi.

"Ano yon?" Pinunasan ko ang pawis sa mukha at leeg ko. Pati na rin sa braso.

"Wala. Wala. Una na ko." Lumayo na sya sa akin. Nakita kong papalapit sa akin si, Green.

"Mare, palit na ta-" Biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si, San.

"Hello?" Sagot ko habang pinupunasan ang pawis ko. Inilagay ko ang tuwalya sa batok ko.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay dito." Ay oo nga pala, pinapapunta nga pala ako sa office.

"Papunta na ako-" Pinutol nya ang sasabihin ko at nagsalita.

"Magpalit ka ng damit, baka magkasakit ka." Binaba nya na ang tawag. Paano nya nalaman? Nandito ba sya kanina?

"Ikaw ah! Kayo na noh?!" Sinundot nya ang tagiliran ko. Hinampas ko naman ang kamay nya.

"Lumubay ka nga! Mauuna na ako." Kinuha ko na ang bag ko. Doon na lang ako magpapalit sa office ni Sir.

"Sir? Papasok na po-" Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni, San na wala man lang expression. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng mga mata nya. Kaya lang walang buhay ang mga yon.

"Wala pa si papa." Tumalikod na sya sa akin. Pumasok na ako sa loob. Shuta, ang lamig. Baka matuyuan ako ng pawis.

"Ahm... San. Pwedeng makigamit ng banyo? Magpapalit lang ako." He looked at me. I don't know but the way he looked at me is so damn sexy. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin? Umiwas naman ako ng tingin. I can't handle his deep stare.

"Go straight then turn right." Sinunod ko naman ang sinabi nya. Shuta, ang lamig dito sa office ni Sir.

Nagpalit na ako. Sinuot ko ang bigay sa akin ni, Green na t-shirt. Naghilamos ako at nagpabango. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na.

Rainfall Amidst The HorizonWhere stories live. Discover now