Chapter 1

68.8K 804 19
                                    

Chapter 1 "Talk"

"Ang kwento sa akin malaki 'yong bahay nila. 'Yon daw ang pinakamalaki rito."

Sa yaman ba naman nila sinong hindi mag-iisip ng ganun, 'di ba?

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana gawa ng kaba. Ewan ko ba, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong masamang gagawin. Ibibigay ko lang naman 'yong papeles na pinapaabot ni ate sa boyfriend niya pero bakit sobra naman ata 'tong kabog ng dibdib ko?

May mali ba sa akin?

"Alam mo Calla mas mapapadali 'yong buhay natin kung tutulungan mo ako, 'no? Hindi 'yong nakatunganga ka lang diyan." Hasik ng kaibigan kong si Marga.

Wala namang kaso 'yon sa akin kaso sa tuwing naiisip kong mapapadpad ako sa bahay niya nang mas madaling panahon ay parang lumulutang iyong pwet ko dahil sa kaba. Para atang may mali talaga.

"Teka-- ito na ata 'yon."

Napapikit ako nang mariin nang makita ko sa gate ang simbolo ng pamilya nila. Ipinarke ni Marga ang sasakyan sa harap ng gate at doon ay sumabay ako sa kanyang bumaba, bitbit ang papeles na pinadala ng ate para sa kanya.

I can simply wish na wala akong madatnan na Peter Ynigo roon pero a slight wish... within me... saying that he should be there and meet me. Kasi nga walang saysay ang pagpunta ko dito kung hindi ko sa kanya mismo ibibigay ang mga papeles.Ayoko ko ng masigawan. Ayokong magalit ang ate sa akin nang paulit-ulit dahil sa hindi pagsunod ng instruction niya. Sawang-sawa na akong marinig iyan sa kanya.

Pumwesto ako sa likod ni Marga habang nagdodoorbell siya. Mas lalong bumigat 'yong dibdib ko.

Kahit na ilang beses na akong nakapunta dito kasama ang ate Reed sa tuwing dumadalaw siya'y hindi parin maalis ang paghanga sa akin sa kung paano niya naisip ang ganitong structure ng bahay. Ayon kasi sa ate, siya ang nagdisenyo nito. It was a modern type house. I can say that the exterior design was made perfectly. Pansing ginastusan ito ng malaki. I haven't seen how his room looks like or even the living room. Sa tuwing dumadalaw ang ate dito'y nananatili lang ako sa loob ng sasakyan niya at nagtatago because no one knew that we're sisters. Even the guy she loves...

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na napansing sinesenyasan na pala ako ni Marga na sumabay sa kanya papasok kasama ang sa tingin kong katulong ni Peyn dahil sa uniporme nito. Mas lalong humataw ang dibdib ko sa kaba. Nilingon ko ang mga bilog na marmol na apakan sa paa ko at doon ay humugot ako ng tapang sa bawat pagsara ko ng distansya sa kung sino ang dahilan kung bakit ako narito.

"Naroon po sila sa pool. Doon na lang daw po kayo tumuloy." Ani ng katulong. Hindi namin naiwasang mapalingon ni Marga sa isa't-isa dahil sa pagbanggit nito ng 'sila'.

Kung ganun ay hindi siya nag-iisa? Imposibleng kasama niya ang ate. She's on a meeting. Imposible namang unahan niya kami rito nang ganun kadali? Maybe his family? His friends?

"Sila?" hindi ko naiwasang hindi ibulalas, I'm just curious. 

"Kasama niya po iyong mga pinsan niya." Sagot ng katulong at doon palang ay halos umatras ang takong ko sa gulat.

"Pi-- pinsan?" pagkasabi ko gawa ng gulat.

"Opo. Anim po silang naroon."

"Anim?!" sabay naming sigaw ni Marga.

Malimit lang naming naririnig na kasama nito ang mga babaeng pinsan niya kaya imposibleng sila ang madadatnan namin dito ngayon.

Habang papalapit kami nang papalapit sa pool na tinutukoy ay mas nagiging klaro ang tawanan ng mga kalalakihan and everytime I took a step closer my feelings got worse and my body's... damn it.

The Forbidden Affair (SSB#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon