Chapter 11

28.4K 458 20
                                    

Chapter 11 "Give"

"Calla..." tawag muli ni Castle.

Dahil ba sa hangin kaya malamig? O baka naman dahil sa tubig? Dahil kasi kaliligo?

Mabilis akong napayuko nang mapansin ang matalim na tingin niya sa akin. Parang sinusunog niya iyong balat ko pero kabaliktaran ang nararamdaman ko, nanlalamig ako. I've been wearing two piece for so long. Hindi ako nahihiya sa katawan ko dahil alam ko namang walang mali pero sa klase ng tingin niya sa akin para tuloy nawala iyong confidence ko. Parang pumipiko dahil sa tingin niya.

Na kahit hindi siya magsalita ay para niya akong iniinsulto. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Hindi ba siya busy sa trabaho niya at madami siyang oras magbakasyon? Hindi ba siya hinahanap ng girlfriend niya o kaya magulang niya? Ng mga pinsan niya? Kapatid?

"Calla..." tawag muli ni Castle. Doon palang ako nakabawi. Mabilis akong umiwas ng tingin at kinuha ang damit ko. Habang sinusuot iyon ay nagsimula na akong maglakad. Gusto kong lumayo rito. Ayoko siyang makita. He's one of the reasons kung bakit ako tumakas tapus makikita ko siya rito?! Na walang pinagbago? Na parang sa itsura niya ayos lahat kahit na hindi!

Bakit ganun? Bakit pagdating sa akin hindi ayos? Bakit ang hirap magpanggap na ayos lang 'yon? Bakit ganun? Sa tuwing nakikita ko siya halos atakihin ako kasi natatakot ako na baka may makaalam ng nangyari kahit napakaimposible. Dalawa kaming may-alam lang nun at isang tao ang nagcoconclude palang. Para akong sinusunog sa impyerno tuwing malapit siya sa akin tapus makikita ko siyang ganun? Parang okay lang? Parang walang nangyari?

"Hindi ko alam na gusto mo palang gamitin ang damit ko."

Mabilis akong huminto at nilingon ang suot kong damit. I'm not wearing my dress. It was Castle's shirt. Kaya pala nanlalamig pa rin ang mga hita ko dahil walang nakatakip.

Napasinghap ako nang mapagtantong nakikita pa rin pala iyong underwear ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Castle.

Hindi ko siya sinagot. Kanina ko pa siya hindi sinasagot at sigurado akong napapansin niya iyon. I'm not really okay pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoo. Nahihiya ako. Alam ko namang nandiyan sila palagi para sa akin. Alam kong kokonsintihin nila iyong ginawa ko kasi kaibigan ko sila. Kaso kasi mali. Mali iyong ginawa ko. Ayokong sabihin nilang okay lahat kasi hindi.

"Sorry..." mahinang sabi ko at huhubarin na sana iyon ng pigilan niya ang mga kamay ko.

"It's okay, Calla. Just wear it." Naghintay pa ako ng sasabihin niya nang marinig ko siyang suminghap kaya binalik ko iyong tingin ko sa mga mata niya.

I can see questions all over his eyes pero hindi niya masabi.

"Let's eat?" tanong niya kaya tumango ako. Inakbayan niya lang ako.

Maglalakad na sana kami kaso nakita namin si Jaraza na mukhang nagmamadali.

"Your dad's coming." Turo niya kay Castle.

"What?!" -Castle.

Napataas ako ng kilay nang siyasatin ni Jaraza ang mga binti kong kitang-kita. Kita ang pagsasalubong ng kilay niya kaya inunahan ko na.

"Hindi ako pwedeng magdress habang nagswiswimming." Paliwanag ko. Alam kong iyon naman talaga ang problema nila sa akin. Kaya nga sa tuwing nagswiswimming ako si Schiff ang gusto kong kasama e, wala siyang pakeelam sa damit ko. May pagkamanyak din kasi ang isang iyon. Although susuntukin ko siya pag nalaman kong ginagawa niya sa akin iyon. Takot niya lang!

"Can you at least wear some cotton shorts?" inis na ani niya. I rolled my eyes and huffed.

Hindi ko alam kung ikapapasalamat ko ba dahil nakuha ng iba ang atensyon niya o maiinis dahil iyong taong nakagawa nun ay ang pinakahuli sa mga expectations ko.

The Forbidden Affair (SSB#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon