Kabanata 1

700 26 19
                                    

Tulala ako nang umuwi sa maliit kong apartment. Pakiramdam ko wala na akong lakas. Ni paghinga ay nahihirapan na ako. Ni luha ay tumigil na rin sa pag agos dahil wala na. Wala na. Ubos na ubos na ako.

Fiancé?

Kailan pa siya nagkaroon ng fiance? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi sa akin noong una pa lang? Bakit kung kailan huli na saka ko pa lang malalaman? Kung hindi pa ba ako nabuntis ay hindi ko pa malalaman?

Bakit Sanjay?

Ano'ng nagawa ko para saktan mo ako nang ganito?

Muli akong napahikbi at napatakip sa mukha. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Napahinto ako nang mag ring ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Suminghot ako at nagkusot ng ilong bago abutin yon. Tumatawag si Inang. Muli na naman akong napaiyak. Hindi ko alam kung kaya ko silang harapin. Hindi ko alam kung paano gayong mag isa na lang ako. Hindi ko na kailangang linawin kay Sanjay kung kami pa dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi niyang hindi niya ako mahal. Hindi niya ako minahal.

Pero gayunpaman, gusto niya raw akong tulungan sa pagpapalaki sa bata. Nag offer siya na magbibigay ng sustento mula sa pagbubuntis at panganganak ko. He'll take responsibility, he assured me that. Pero hanggang doon lang 'yon. Hindi niya ako pakakasalan dahil naipangako na siya sa iba. At sinabi niya ring walang dapat makaalam na magkakaanak kami. Ang sakit. Sobrang sakit pero wala akong magawa. Wala akong magawa dahil hindi niya ako mahal.

Namatay ang tawag pero agad din itong tumunog ulit. Inayos ko ang sarili at huminga nang malalim. Kailangang harapin ko ito kahit pa nilulunod ako ng takot. Hindi ko naman kasi habang buhay na maitatago ito sa kanila.

"H-Hello Inang," mahinang sambit ko.

"Hello? Axelle?"

"Inang."

"Hay mabuti naman at sinagot mo. Bakit abala ka ba?"

Nakagat ko ang labi ko.

"Hindi po uhm...kakauwi ko lang po."

"Oh ba't ganyan ang tono ng boses mo? Parang ang lungkot mo at parang may sakit ka. Ayos ka lang ba? May problema ba?"

Kinagat kong muli ang labi ko para pigilang maiyak. Gusto kong magsumbong. Gusto kong maglabas ng sakit pero hindi ko magawa. Ayokong saktan ang ina ko.

"W-Wala ho." Umiling ako. "Pagod lang ho ako. Kumusta ka na po kayo, Inang?" pinilit kong pasiglahan ang boses ko para hindi niya mahalata.

"Hay, eto nakakaraos naman. Ikaw kumusta ka d'yan?"

"Mabuti naman ho," matagal bago ko nasabi 'yon.

"Mabuti naman kung ganoon. Ay, oo magpapadala ako ng pera panustos mo d'yan bukas ha? Sumuweldo na kasi ang amang mo at nagsabi siyang magpadala sa'yo agad. Dinagdag ko na 'yung iniipon ko mula sa pagtitinda ng kakanin kaya mas malaki ang ipapadala ko ngayon. Kumusta ang pag aaral mo?"

Tahimik kong pinunasan ang lumandas na luha ko.

"Mabuti naman, Inang. Salamat po," mahinang sambit ko.

"Oh galingan mo, ha? Teka, kailan ka ba uuwi? Makakauwi ka ba sa linggo? Namimiss ka na namin e!" ramdam ko ang pagkasabik sa boses ni Inang.

Hindi ako nakasagot agad kaya tinawag niya ako.

"Axelle."

"Uh, opo, Inang. U-Uuwi po ako sa linggo." Sa huli ay nagdesisyon ako.

Umaasa na matatanggap pa rin nila ako dahil pamilya ko sila. Sana lang ay matanggap pa nila ako.

Bound for EvilWhere stories live. Discover now