Kabanata 17

468 23 6
                                    


"Anak?"

Nilingon ko agad si Inang matapos niyang sambitin ang salitang 'yon na parang ngayon ko lang uli narinig nang personal.

"Anak!" Hindi siya magkandaugaga sa paglapit sa akin.

Punong puno ng emosyon ang mga mata niya at nangingilid ang mga luha.

"Axelle, anak ko..." Mahigpit siyang yumakap sa akin.

Hindi agad ako nakaganti dahil namamangha ako sa paraan niya ng pagkakayapos sa akin. Na para bang isang himala na nakikita niya ako ngayon. Mula sa pagkagulat ay napalitan ng magaang ngiti ang mga labi ko at gumanti ng yakap.

"Inang," bulong ko.

The moment I spoke those words, she cried on my shoulders. She was like a bomb that exploded when I pulled the pin. Pumikit ako nang nakangiti at paulit ulit na hinahaplos ang likod niya para patahanin. My mother didn't change a bit. She's still emotional when it comes to me.

"Inang tahan na." Lumapit na rin si Brea para patahanin si Inang.

Sumisinghot siyang kumalas sa akin, pinapahid ang sariling luha.

"Pasensya ka na, ha? Masaya lang akong makita ka ulit. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at nakita ulit kita, anak." Maluha luha siyang nag angat ng tingin sa akin.

Ngumiti ako at tinulungan ko siyang palisin ang tigmak na luha sa kanyang mga pisngi.

"Masaya rin ho akong makita kayo ulit, Inang." Iginala ko ang kabuuan ng aming bahay. "Wala pa si amang?"

"Nandoon siya sa likod-bahay, namamahinga," sisinghot-singhot na sagot ni Inang. "Kanina pa niya inerereklamo ang rayuma niya kaya hayun at hindi makatayo," natatawang dagdag niya.

Napangiti ako bagaman nag aalala. Nang dumalas kasi ang rayuma niya ay pinagretire ko na siya. Hindi na rin siya umangal dahil katawan na rin niya mismo ang pumipigil.

"Sige ho, pupuntahan ko siya." Hinaplos ko ang magkahalong puti at itim nang buhok ni Inang.

Ngayon ko lang siya napagmasdan nang maiigi. Halos dumoble na ang tanda ng hitsura niya. Lumalaylay na ang eyebags niya at mga pisngi. Maging ang balat niya ay hindi na rin ganoon kabinat. Parang mas lumiit din siya dahil sa bahagyang pagkuba ng kanyang katawan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait. Tumatanda na sila. At ayokong isipin ang magiging kasunod no'n.

Iginagala ko ang paningin sa kabuuan ng malaki nang bahay habang papunta sa likod na patio. I can't help but smile, while my eyes wander to the fruit of my success. Isang simpleng regalo para sa mga magulang ko. Hindi ko kailanman inisip na kabayaran ito sa lahat ng sakripisyo nila sa akin dahil para sa akin, walang katumbas 'yon. Ang pagmamahal ng magulang ay hindi kayang tumbasan ng kahit ano'ng materyal na bagay sa mundo. Tanging pagmamahal lang mula sa anak ang makakapantay no'n.

Isang mahinang klasikong musika na nagmumula sa isang maliit na radyo ang naulinigan ko habang papalapit sa patio. Napangiti ako bagaman nangingilid ang luha nang makita ang aking ama na prenteng nakaupo sa kanyang tumba-tumba. Huminto ako saglit upang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Hindi na ako nagulat sa bilis ng pagbabago ng hitsura ni amang.

Hindi na ako nagtaka nang makitang mas doble pa ang itinanda nito kay Inang. Mas marami na ang puti niyang buhok sa napapanot na ulo. Bagaman malusog siyang tignan dahil sa laki ng katawan at tiyan ay hindi makakatas sa panigin ang pagkakakalaylay ng kanyang balat sa mga braso. Istrikto pa rin siyang tignan kahit nakapikit. Magkalapat ang mga labi at bahagyang nakakunot noo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kanyang mga tumutubong balbas at bigoteng may mangilan ngilang puting buhok na rin dahilan upang lalo akong pangiliran ng luha.

Bound for EvilWhere stories live. Discover now