Kabanata 9

398 20 4
                                    

"Hindi ka mag be-bake ngayon?" tanong ni Manang Nora nang mapansin ang pagtulong ko sa kanya sa kusina.

Imbes kasi na desserts ang ginagawa ko, tinutulungan ko siya sa paghahanda ng lunch.

"Ayaw na po si Sanjay, manang. Nagbigay na siya ng pera sa akin," mahinang sambit ko.

Tumingin siya sa akin.

"Bakit daw?"

Umiling ako nang maala ang naging usapan namin.

"Ayaw niya raw ho akong napapagod," pagsisinungaling ko.

Ayaw kong magsinungaling kay manang pero nakakahiya kasi sa kanya na 'yung pamangkin niya ang dahilan. Nahihiya ako sa kanila sa totoo lang. Pinaratangan agad ni Sanjay si Jensen na manliligaw ko kahit hindi naman 'yon totoo. Nahihiya ako kay manang dahil kakasimula pa lang magtrabaho no'ng tao, nawalan na agad.

"E 'di hindi ka na magbebenta niyan?"

Tumango ako, hindi makatingin sa kanya. Bumuntong hininga siya.

"Mabuti na rin. Kung sakali, mahihirapan tayong maghanap ng bagong delivery boy."

Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagtaka.

"Bakit manang? Nasaan si Jensen?"

"Ayun nasa hospital. Nabugbog daw kagabi."

Napaawang ang bibig ko. Nagkatinginan kami.

"B-Bakit daw ho nabugbog?" nag aalalang tanong ko kahit may ideya na ako.

"Inabangan doon sa kanto malapit sa kanila. Dalawang lalaki raw na nakamotor. Nagbanta raw sila na tigil tigilan na ang pagparito sa mansyon. At siguro alam mo na kung bakit." Sinulyapan niya ako sa gilid ng kanyang mata.

Napalunok ako at napatungo.

"Si Sanjay po ba?" mahinang tanong ko.

Bumuntong hininga siya.

"Mukhang nagalit mo 'yung asawa mo. Alam mo wala pa nga 'yan e. Matindi talaga kung magalit 'yan. Kayang kaya niyang pumatay ng tao kung tutuusin kahit ganyang bata pa siya."

Tinitigan ko si manang. Natakot ako bigla sa sinabi nuya.

"Mabuti nga at hindi pinatay 'yung pamangkin ko." Umiling iling siya. "Kawawa naman 'yung bata 'pag nagkataon. Nagtatrabaho lang naman siya."

"Sorry, manang..." nagi-guilty'ng anas ko.

Sinulyapan niya ako.

"Ano ka ba. Wala kang kasalanan. Seloso lang talaga 'yung asawa mo." Tumawa siya nang bahagya.

Nagselos ba talaga si Sanjay kaya niya ginawa 'yon? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi. Imposible kahit sa panaginip. Ayaw niya lang siguro ng issue lalo na't asawa niya ako sa paningin ng mga tao.

"P'wede ko po ba siyang dalawin?" alanganing tanong ko.

"Naku baka matuluyan na siya." Tumawa siya. "Pero 'wag kang mag alala 'pag nadalaw ako do'n sasabibin kung kinukumusta mo siya."

Napatango na lang ako. Oo nga naman. Delikado nga naman kapag nalaman ni Sanjay na dinalaw ko pa siya sa ospital. Baka lalo lang siyang magduda at magalit sa akin. Tama si manang, baka nga mapatay na niya 'yung tao.

"Sayang talaga. Alam mo dumarami na ang mga suki mo sa FB e. Sayang at hindi ka na magbebenta. Ang sasarap pa naman ng mga gawa mo."

"Pasensya ka na talaga, manang. Ayaw na talaga ni Sanjay."

"E kung sabagay mas mabuti nga naman 'yon para hindi ka masiyadong napapagod." Sumulyap siya sa akin.

"Okay lang naman sana sa akin, manang."

Bound for EvilWhere stories live. Discover now