Chapter 1

9 1 0
                                    

-

Grade 12

Payapa lang akong kumain ng paborito kong carbonara nang may sumulpot na mga animal sa harapan ko habang nakapamaywang.

Anong problema ng mga 'to? Tinitingnan ko lang sila ng masama at tamad na binaba ang kubyertos.

"Anong problema niyo?"

"Is it true? Hindi ka pinayagan ng boyfriend mo, Shali?" reklamo ni Jessica at saka padabog na umupo sa tabi ko sabay kuha ng milkshake na in-order ko, "ang KJ."

Napaisimid ako ng makitang nangalahati ang milkshake ko pagkababa niya.

"Parang night swimming lang ayaw pang payagan. Pala-desisyon? Buhay niya?" Sabi naman ni Vince sabay kuha ng tinidor sa plato ko. "Patikim, ha..." dagdag niya.

Umismid ulit ako dahil hindi ako naniniwala sa tingim niya.

"Sa'yo na. Hampas lupa ka," saad ko sabay irap sa hangin ng halos mangalahati niya ang carbonara na tira ko.

"Aray, ha! Sobra ka na."

PG amp...

"You inform Tita Relani?" Tanong ni Jade na nasa harap ko at pinagkrus ang braso.

Hindi pa ako nakakapag paalam kaya umiling lang ako at iniwas ang tingin sa kaniya at halos mapatalon ako sa upuan ng may marinig na kalabog sa lamesa kaya't naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyanteng nandito rin sa loob ng canteen.

"Ano ba?!" Sigaw ko kay Clark habang nakahawak sa dibdib dahil sa gulat. "Parang gago, Clark!"

"That---"

"Manipulative dickhead!" Naputol ang sasabihin sana ni Clark nang biglang sumigaw si Jessica at kinalabog ulit ang lamesa gaya ng ginawa ni Clark.

"Huy, Je! Easy lang," sabi ni Vince na umiinom na ng tubig pagtingin ko sa plato ay ubos na kaya sadyang binatukan siya.

Wala trip ko lang. Pera ko pinang bili roon, e.

"E, kung...isama na lang kaya natin boyfriend niya?" Suhestiyon ni Sawyer at saka umupo siya pabaliktad sa upuan. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa sandalan ng upuan.

Katulad nila Vince ay sinamaan namin siya ng tingin.

"Jowa is not allowed nga 'di ba..." nagpipigil na sagot ni Jessica at sabay hinilot ang sentido.

Napalingon kami kay Jade dahil sa buntong hininga niya.

"Ang lalim no'n, Pres!" Biro ni Sawyer sa tabi niya. Kaya hindi namin mapigikang tumawa dahil sa pangiinis ni Sawyer at natahimik kami ng tumikhim siya.

"I allowed jowa then but not fling," maikling sabi niya at saka namulsang tinalikuran kami.

"Bawal daw mga kalandian, Sawyer! Kawawa ka naman!" Biro ko kay Sawyer.

"Sa dinami-rami ng kalandian mo, walang naging jowa ni-isa. Ano 'yon sumpa?" Dagdag ni Vince sa nangiinis na tono.

"Unfair 'yon! Wala akong madadala!" Sigaw ni Clark at humabol kay Jade.

"Gago, i-bag mo si Jessica! Para tawag do'n ex baggage, " Biro ni Vince at nagtatakbong sumunod kila Clark dahil masama na ang tingin sa kanya ng katabi ko at handa nang patayin si Vince.

"Ex baggage!" Natatawang sigaw ni Sawyer.

"Ang ma-mature niyo!" Puna ko. Hindi mawala ang ngiti ko dahil hindi nila ako kayang iwan.

Hindi itutuloy ang plano kung may isang hindi makakasama.

And yes, they don't like my boyfriend dahil napaka-manipulative raw.

The Trail Towards You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon