Chapter 5

3 1 0
                                    

Warmest

"Anong ginawa mo d'yan?"

"Ako agad, Je? Mukha bang ako gumawa n'yan? Judger ka."

"Oo, demonyo ka, e..."

Hindi ko na pinansin sina Jessica at Vince at naglakad na lang papunta kila Clark at Sawyer na iniipin ang kahoy na napulot.

Gagawa yata silang bonfire.

"You good?" Tanong ni Sawyer sa tabi ko.

"Oo naman. Sa ganda kong 'to, bakit hindi?" Deretsang sagot ko na kinatawa niya ng malutong bago umupo sa buhangin. Hanggang sa pagdating kasi nang gabi ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil pagkatapos ng nangyaring 'yon sa rock formation ay hindi na kumalma ang puso ko at isang tanong lang ang nasa isip ko.

Bakit niya ako hinalikan?

Ang kapal ng mukha niya. Dapat tinulak ko siya baka sakaling malunod.

"Top 2 ka ba talaga? Kailangan pa ng gasolina diyan, bobo!" Sigaw sa kaniya ni Clark bago pumunta sa cottage para siguro kumuha ng gasolina.

"Mas bobo ka kasi top 4 ka!" Ganti ni Sawyer.

"Sawyer..."

Kailangan ko na talaga ng expert-- expert sa pambababae. Siya lang may alam nito dahil dakilang malandi siya ng taon-I mean, taon-taon.

Kunot noo siyang lumingon sa 'kin habang sinusubukang ulit paliyabin ang mga kahoy.

Seriously, top 2 ba talaga 'to?

"Kapag ba hinalikan mo 'yung babae, anong iniisip mo?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatunganga sa katangahang pinag-gagawa niya.

Ramdam ko ang pagkadigil niya saglit pero napalitan din agad ito nang ngisi. Umupo muna siya sa buhangin gaya ko at pinatong ang dalawang braso sa tuhod bago sumagot.

"You really want to know?"

"Bilis na!" Naiinip na sagot ko sa kanya.

"Walang sisihan," maikling sabi niya tsaka  pinag laro ang dalawa kilay.

Nandidiring tinignan ko siya. Pilit kong pinipigilan ang sarili na batuhin siya ng tsinelas ko.

"Ang dugyot! Wag na nga! Bakit nga ba sa'yo ako nagtanong," pabalang na sagot ko.

Narinig ko ang tawa niya kaya masama ko siyang tinignan. Lalo akong nainis nang makita ang mukha niyang nang-iinis.

"Should I continue?"

"Wag na! Isaksak mo na lang 'yan sa baga mo. Sira ulo ka!"

Bumuntong hininga na lang ako at umirap sa kawalan.

Kailangan ko ng matinong sagot, hindi katarantaduhan. Sabagay, pa'no ako makakakuha ng matinong sagot sa tarantado.

"Ang selan. Ganito kasi 'yan p're..." panimula niya at lumapit ng kaunti sa 'kin. Hindi man ako nakatingin, handa naman ang tenga kong makinig.

"Makinig ka!" Reklamo niya.

"Oo, nakikinig ako!" Inip na sigaw ko. Ang kupad magkwento, kanina pa 'ko naghihintay.

"When I kiss a girl, it's either I'm attracted to her or just I want to measure her lips if it were fit to mine..." malokong sabi niya.

Nagsisi agad ako bigla dahil nagpauto na naman ako kaya umasim ang mukha ko at binatukan siya.

"Gago, 'wag mo 'kong kausapin."

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko, hindi ko alam kung dahil ba sa ininom ko kaninag beer o dahil sa sinabing kalokohan ni Sawyer.

The Trail Towards You Where stories live. Discover now