Chapter 4

3 1 0
                                    

Behind the rocks

After lunch, nag paalam na rin si Rohan na uuwi dahil maya't maya ang ring ng phone niya habang kumakain kami.

Kaya hindi ako nakakain mabuti.

Magkakatabi kaming nakaupo sa mababaw na parte ng dagat, lagpas bukong bukong lang.

"Saan si Jess?" Tanong ko sa kanila nang mapansing hindi namin kasama si Jess.

Nagkibit balikat lang si Jade. Ngumisi si Sawyer habang nakatayong kumukuha ng litrato.

Napatango na lang ako nang mapansing wala rin si Clark.

Ah.

Ang fishy.

"Baka sumisid sila ni Clark," makahulugang sagot ni Vince at binigyan ako ng multong ngiti.

"Ang baboy mo, Vince!" Reklamo ko sabay hagis sa mukha niya ng tubig.

Rinig ko ang tawa nila Sawyer at Jade sa likod.

"Ewan ko sa inyo!"

Umahon na lang ako para magpunta sa cottage. May naging zombie na ata. May nakagat na at may infected na.

"Aren't you bored?"

"Ay, zombie!" Bulalas ko dahil sa gulat at nahulog rin ang hawak kong takip kaldero.

"Hinay-hinay lang kasi sa kape!" biro niya.

"Bakit ba?"

"I'm bored."

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig.

"Seryoso ka, Sawyer? Mukha ba akong intertainer?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Silly. Sinabi ni Jade kakilala niya 'yong kasama nating nagrent nito 'di ba?"

Pinagkrus ko lang ang braso ko habang nakikinig sa paliwanag niya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin nang bigla siyang ngumisi.

"Are you in?"

Bigla akong kinabahan hindi dahil sa takot kundi sa excitement. Pansamantalang nawala sa isip ko ang bigat ng nararamdaman.

It's adventure time! Come along with me~

Huminto kami sa pagtakbo at nakahawak sa tuhod habang hinahabol ang hininga dahil sa layo ng tinakbo.

"What the hell was that?!" Pahayag ni Sawyer sa gitna ng hininga niya.

"Bakit may nag a-acapella pa yata do'n?" Sabi ko rin dahil habang papunta kami rito ay may narinig kaming hindi kaaya-aya sa pandinig, kaya nagtatakbo kami papalayo sa cottage na iyon.

Grabehan, tanghaling tapat, ha!

Nang makabawi kami ay naglakad na kami patungo sa kumpol ng mga tao. Hindi naman kami mahahalata nito dahil sa naglipana ang mga tao.

Pumila kami ni Sawyer sa buffet at mukhang reunion dahil mga naka t-shirt sila by color. Corny.

Mabuti na lang may ka-kukay ng shirt namin.

"Sawyer... mauubos mo ba 'yan?!" Kinakabahan bulong ko sa kaniya dahil punong puno ang plato niya at kompleto pati dessert.

Nang makuntento kami sa kinuhang pagkain ni Sawyer ay nagdiretso kami sa pinakadulong table. Wala rin naman naka-upo kaya kami na lang ang uupo.

"Act normal," bilin niya.

"Gago! Ikaw nga mukhang abnormal. Sinong normal ang naka shade habang kumakain?" Reklamo ko sabay kagat ng shanghai.

The Trail Towards You Where stories live. Discover now