CHAPTER 7

950 38 0
                                    

Pumunta ako sa mall kung saan kami mag kikita. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay napaka seryoso niyang kausap ka gabi, siguro nga ay mabigat ang pag aaway nila ngayon.

Nag hintay ako sa isang cafe shop.

"Hi? Kanina ka pa ba?" pormal niyang tanong

Naninibago ako sa paraan ng pakikipag usap niya sa akin.

"Hindi naman, kakadating ko lang. So ano? May problema nanaman ba kayo ni Princess."

"Hmm," malungkot siyang tumango. "Janna," pag tawag niya, para siyang balisa.

"Why?" pilit akong ngumiti."You know naman Luke,lagi lang akong nandito for you. Ano ba ang sasabihin mo? Tell me ano nanaman ba ang problema?"

"Janna, gusto niyang lumayo na ako sa iyo."

"What?" pasigaw kong tanong. Napatingin ang mga ilan dito sa shop sa gawi namin.

"Ang totoo kasi ay ikaw lagi ang dahilan ng pag aaway namin," napayuko siya. "Sorry Janna. But I love her . So I have to distance myself from you. Simula ngayon, kelangan na kitang iwasan. Isipin mo nalang na hindi tayo nag kakilala."

Bawat pag banggit niya ng mga huling salita halos pakiramdam ko ay sinasaksak ako ng paulit ulit, hindi ko matanggap.

Tumayo ako at tumalikod, tumakbo ako palabas ng shop hanggang sa makalabas ako ng mall. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko, wala kong pakeelam sa mga nakatingin sa akin. Ang importante dito ay ang nararamdaman ko.

"Janna, please intindihin mo naman ako." seyoso niyang paki usap.

Sinampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Luke! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Talagang kaya mo akong kalimutan at mag panggap na hindi tayo nag kakilala?" Gusto ko siyang sapakin para naman kahit papaano maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon,pero hindi iyon sapat. "Ha!" kunyaring natatawang ani ko. "Apat na taon tayong mag kasama! Apat na taon na tayong mag kakilala! Halos sobrang kilala na natin ang isa't isa. Apat na taon yun Luke! Apat na taon." napahagulgol na ko sa sakit. "Apat na taon yun eh, tapos kaya mong kalimutan lahat ng pinag samahan natin dahil lang sa babaing sandali mo pa lang nakilala." Halos bumagsak na ko sa kinatatayuan ko pero sadyang kinakaya ko pa ang sakit. "Luke, ako ang takbuhan mo sa tuwing hindi kayo okay ni Princess, ako yung laging nandiyan kapag may problema kayo at wala kang masabihan, dahil diba bestfriend mo ako? Lagi kong tinatanong kung okay na ba kayo? Kung okay ka lang ba? Kung bati at ayos na kayo. Pero ako ba naisip mong tanungin kung okay pa ba ako? Kung ayos pa ba ako?"

"J-Janah, I'm sorry."

"Okay," malumay na kong nagsalita. "Kung ayun ang gusto mo. Sorry Luke ito lang kasi ako." mapait akong ngumiti. "Salamat, simula ngayon hindi na kita kilala. Paalam."

Tuluyan na kong tumalikod sa kanya. Sapo ang mukha habang nag lalakad walang pakeelam sa mga nakaka bangga. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa gusto kong maalis na ang masakit na pakiramdam na ito.

"What the!?" isang galit na babae ang nabangga ko."Oww hi Janna." Peke siyang ngumiti.

Kasama ang mga kaybigan niya, nag bubulungan sila habang naka tingin sa akin.

"What happen? Bakit ka umiiyak?" nakikita ko sa mukha niya ang pang aasar.

Hindi ako sumagot. Pinahidan ko ang luha ko.

"Siguro?" Kunyari pa siyang nag iisip. "Nag kausap na kayo ni Luke. Well, ako ang pinili niya hindi ba? Bestfriend!" may diin sa huling salita. Sabay tumawa silang mag kakaybigan.

Naiirita ako sa pag mumukha niya. Sinadya niya pang banggain ang braso ko, bago sila makalagpas ay hinila ko ang buhok niya. Kaya naman napaharap siya sa akin. Agad ko din naman binitawan ito.

"Napaka plastick mong tao Princess! Nakakasuka ang ugali mo. Pwe! Ikaw dapat ang inaalis sa buhay ni Luke hindi ako!"

Pero tumawa lang siya at nang aasar.

"Pero?" lumapit siya at bumulong sa tenga ko. "Ako ang pinili hindi ba? Kaya manahimik kana dahil bestfriend ka lang at girlfriend ako!"

Sabay alis.

Maaaring tama nga siya.

Tumalikod ako at naglakad patungo sa sakayan ng trysicle para makauwi na, pakiramdam ko ay hinang hina ako at kaonti nalang ay babagsak na.

LUKE'S POV

Tatlong buwan ang nakalipas simula ng huli kaming nag kausap ni Janna, hindi ko siya pinuntahan sa bahay, ni hindi ko siya tinatawagan man lang o itext. Talagang simula ng araw na iyon ay umiwas na ako sa kanya.

Si Nyka na kaybigan niya ay hindi kona rin nakikita.

Nag bago na rin ang pakikitungo ni Mom, bigla siyang nagiging malungkutin. Minsan ay nasisigawan niya ako kahit sa maliit na bagay. Naririnig ko rin siyang umiiyak sa kwarto at inaalo nalang ni Dad. Nalungkot siya simula ng sinabi ko sa kanya ang nangyari ng araw na iyon sa pagitan namin ni Janna. Naiintindihan ko naman si Mom dahil naging malapit sila sa isa't isa, halos anak na nga ang turing niya kay Janna.

Naging maayos ang relasyon namin ni Princess ng dalawang buwan, hindi na kami nag aaway at sobrang naging malambing siya sa akin. Pero isang araw natuklasan kona niloloko niya ako, may iba siyang karelasyong kina tatagpo. Kaya naman nag hiwalay rin kami.

Lagi tuloy sumasagi sa isip ko si Janna, paano kaya kung hindi nangyari ang araw na iyon? Hindi ko siya nilayuan. Sana ay hanggang ngayon ay may bestfriend pa rin akong nasasandalan. May bestfriend pa rin akong laging nandiyan.

Namimiss na kita Janna, nasaan ka na?

Tila lungkot ang bumabalot ngayon sa pagkatao ko, napaka tanga ng naging desisyon ko noon. Iniwasan at nilayuan ko ang isang taong walang ginawa kundi isipin at pahalagahan ako, isang tao na matagal ko ng kilala at nakasama. Isang taong importante sa buhay ko.

Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|Where stories live. Discover now