Seventeen

1.1K 28 3
                                    

Chapter 17.

Gusto.






"Bakit napakatahimik ninyong dalawa ni Kuya Dash, Ate Vaeda?" muntik ko nang malunok nang diretso ang hotdog sa biglaang pagtanong ni Vaiden. "Did something happened that I did not know?" inosenteng dagdag niya.








Panira! Tumahimik ka nalang kang kulangot ka!










"Hindi naman kami masyadong tahimik ah? Pinagsasabi mo 'dyan?" mataray na tugon ko, napangiwi siya.












"Did something happened, Kuya Dash?" bumaling na siya kay Kailean na tahimik nang kumakain ng spaghetti niya, sinulyapan niya pa ako bago tumikhim.









"Nothing happened, Vaiden. You're just being paranoid." narinig ko ang pagpigil ni Kathlyn sa pagtawa sa tabi ko. Buti nga sa kaniya! Haha!








Sumabat bigla si Daddy. "Continue eating Vaiden, huwag ka nang magsalita 'dyan. Focus on your food para maubos na," kitang- kita ko pa ang pagnguso ng kapatid ko at pinili nalang na tumahimik. "Kailean." tawag niya bigla sa katabi ko.







"Yes Tito?" attentive na pagkakasagot ni Kailean.









"Are you sure you're really fine now?" seryusong tanong ng ama ko, 'di ko alam pero ako lang bah? Ang nakakaramdam ng tensyon sa pagitan nila?!









Huwag naman sana... maayos naman ang relasyon nilang dalawa nung nakaraan kaya sana hindi totoo 'tong naiisip ko.







"I am fine now, Tito. Your daughter took care of me very nicely and comfortably kaya napadali ang paggaling ko." nang- init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumikhim si Daddy at pinagkatitigan ako nang maayos.








"Is that so?" kunot ang noong tanong niya pero sa akin nakatingin.











"Yes Tito," hindi niya bah nararamdaman na mukhang galit si Daddy sa aming dalawa?! Bakit napaka- casual niya pa rin magsalita?!








Makahulugang ngumiti ang ama ko. "Hmmm... that's good for the both of you, mas nakakabuti kung nagiging malapit kayo para mapapadaling makumbinse ang mga tao na maayos ang relasyon ninyo bago ang engagement." napasulyap ako sa kaliwang kamay ni Kailean, kumuyom 'yon.








Kinakabahan ko siyang tiningnan, nagulat ako nang tumango siya. "I will make sure of that, Tito..." nahihirapan pa siya nung sabihin niya 'yon.








"Dadd--" 'di ko na naituloy ang pagtawag kay Daddy nang mahigpit na hinawakan ni Kailean ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, nagtataka ko siyang tiningnan pero patago lang niya akong inilingan.







Ano?! Kailangan kong magsalita!








Tumawa nang mahina si Kathlyn pero sarkastiko 'yon para sa akin.









"Hindi naman mahirap kay Kuya na maging malapit sila ni Yza, Tito. Mapili si Kuya sa mga babae pero sa nakikita ko sa anak ninyo, pasadong- pasado na sa taste ni Kuya." nginisihan niya ako at pinagpatuloy ang pagsubo.








Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya na ako pinansin. "I agree with that, Ate Danity! If Ate was more mature now, maybe papakasalan kaagad siya ni Kuya Dash!" sumabat na naman ang asungot kong kapatid. Kagat- kagat na ni Lyn ang pang- ibabang labi niya, halatang nagpipigil na sa pagtawa.







You Are Mine (Mine Series #1) Where stories live. Discover now