Thirty- One

1K 22 0
                                    

Chapter 31.

Still.

Laying in my bed makes me want to crush all the pillow I might touch. Alas onse na ng gabi at naputol na ang beauty rest routine ko kada gabi hanggang umaga! Just because of that deal me and my father tackled earlier?! Nagiging ganito kaagad ako!

Sa Biyernes ko gagawin ang misyon and I don't think makakapag- focus ako lalo na at hindi ko pa nga nasisimulan, distracted na ang utak ko!

Who would have thought na ganoon ang papasok sa ulo ni Daddy kapag papayag ako?

Damn it!

I really need to succeed the mission! The woodcarved statue deserved to be return to the real owner and that is the great grandaughter of Agoro Ivanov! Paano nga ako makakapag- focus?!

Lutang na ako ngayon!

Sa tagal ko rito ay 'di na ako nag- abalang matutunan ang lengwaheng German, halos lahat naman kasi ng mga kakilala ko ay english language ang ginagamit. Spanish lang talaga ang natutuhan ko, minsan ay French para mapagkamalan na pinoy na French hahahaha just joking.

Minsan na akong nakapunta sa France at parang mahihimatay ako sa tuwa no'n dahil sa wakas, nakita ko na ang lugar kung saan nagsho- shooting sila Adrien sa series nila. Hindi pa ako nakamove-on sa kaniya ano!

Para na akong tangang ginugulo ang sariling kama dahil panay ang kilos ko bawat gilid. Nahulog na nga ang ilang mga unan ko sa sahig at wala naman akong pakialam. I just want to sleep! Hindi ako makatulog at 'di ko alam kung ano ang gagawin ko! Dahil hindi nga makatulog, marahas akong napabangon at lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ay dumiretso ako pababa para magtungo sa kusina. Wala na akong nadatnan na mga maids, malapit nang maghating- gabi, ano pa bang inaasahan ko?

Dumiretso ako sa malaking fridge namin at kinuha ang hindi pa nabuksan na box ng fresh milk. Agad ko 'yong tinungga habang nakaupo sa kitchen counter. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nagbabalak uminom ng mga beer o kung ano pang drinks na connected sa alcohol.

Pinagsabihan kasi ako ni Ate Zella na huwag uminom, nakakasama raw sa atay. Wala rin naman sa plano ko ang uminom pero minsan... curious ako kung ano ang lasa ng alak. Marahan ko nalang na iniling ang sariling ulo at pinagpatuloy ang pag- inom ng fresh milk.

Gusto ko lang talagang matulog!

"You're still awake, thinking of something?" 'di na ako nagulat nang biglaang sumulpot si Kuya Cohen na hawak ang laptop niya.

"Ano pa bang bago, Kuya?" tanong ko pabalik, bumuntong-hininga siya at umupo sa countertop. Doon niya binuksan ang laptop at nagsimulang magtipa. Hindi na naman namamansin.

Last year lang siya napunta dito dahil sa project ng company ni Daddy so at the same time, nagiging hacker rin siya para makatulong. Tamad ko siyang tiningnan. Sa mga nagdaang panahon, mas lalong gumagwapo ang pinsan ko. Mukhang may girlfriend na nga eh, 'di pa lang niya ipinapakilala. Nawalan na ako ng contact kina Kuya Mon pagkatapos mangyari ang 20th birthday ni...

I sighed. Hindi ko pa rin mabanggit ang pangalan niya, hay... nako Vaeda.

"Pansinin mo nga 'ko, why are you ignoring me?" ngusong tanong ko kay Kuya Cohen. For 6 years, naging close kaming dalawa. I don't know pero nangyari lang 'yon bigla.

"I am doing something, can't you see?" sarkastikong saad niya. Tinungga ko ulit ang fresh milk saka lumapit na sa kaniya.

"What is that?" nagtatakang ani ko nang makita kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa laptop.

You Are Mine (Mine Series #1) Where stories live. Discover now