Forty- Nine

1K 27 0
                                    

Chapter 49.

Still Want.


"Act normal, huwag kayong mangamba. Naiintindihan ninyo?" 'di ko tinugonan ang sinabi ni Felix sa earpiece na suot namin. Bumuntong-hininga ako at hinayaan si Kailean na hawakan nang mahigpit ang aking beywang.


He is wearing a gray tux with a white necktie. Umakto kami ng normal habang binigay ko ang invitation card naming dalawa sa gaurd na nag- aabang. I gave him a wide smile pero inirapan lang ako. Dahan-dahan kaming pumasok sa hall at tiningnan ang magkabilang gilid. Napairap ako nang makitang ang daming CCTV sa kabi-kabilang gilid.


"Masyadong maraming bantay, kakayanin bah nating makuha ang dapat nating kunin?" bulong ko. Abala na sa pakikipag-usap ang kasama ko sa kakilala niya.


"Yeah, I can see that but don't worry Yzabelle. Hacked na lahat ng CCTV?" boses pa rin ni Felix ang naririnig ko.


Our mission today is to get the silver diamond necklace na galing England. We just need to return it to the real maiden who deserve to wear it lalo na at malapit na itong mag-debut. Si Kuya Cohen na ang naghack sa mga security cameras at hindi ko alam kung sino ang kumikilos sa mga gwardiya na nagbabantay sa silid kung saan nandoon ang necklace.


I held the necklace what I am wearing at wala sa sariling napangiti nang makita si Kathlyn at Felix na pekeng nagtatawanan sa isa't-isa. Sila ang main character sa mission na 'to dahil close raw si Felix sa nagnakaw ng kwintas. Natatawa ko silang tiningnan at kumuha ng drinks sa waiter na dumaan sa akin.


"They looked like an idiot," komento ni Kailean na walang emosyon na tiningnan ang kapatid niya.


"Alam naman nila ang ginagawa nila so what's with that look?" ngiting tanong ko. He sighed and looked at me, mas nilapad ko ang ngiti ko para naman magamit ko ang charm.


"They are taking this mission seriously, I don't want to see the result." tinaasan ko siya ng kilay. "What? I am telling what I want to tell," nguso niya.


"Ang sabihin mo, ayaw mo lang si Felix para kay Kathlyn. Sige i-deny mo," hamon ko at malalim nga siyang napabuntong-hininga. "See? You don't like Felix but Kathlyn likes him." his eyes widened of what I said.


"No that's not true, hindi mahuhulog si Kathlyn sa isang kutong-lupa. Oh please, Vaeda... don't try to trip around," nagkibit-balikat lang ako at naghanap ng makakain. I saw a rectangular long table na may mga cute foods na nakahain. I went there to get some tuna with biscuits at kinain 'yon.


"I'm not fooling you, Kailean. Why don't you ask your sister kung gusto niya bah si Felix? You don't know your sister too well," sabi ko nang maramdaman siya sa gilid.


"Tsk! Still! I don't want that boy for my sister," parang bata na saad niya.


"Well, hindi ka naman si Kathlyn para sabihin 'yan." tipid na sabi ko at iniwan na ang wine glass sa lamesa saka sinakbit ang braso sa braso niya. "Now, let's distract the thieves para makakilos na sila sa misyon nila," sambit ko at hinila na papunta kila Felix.


Confident akong naglakad pero para naman akong humihila ng kalabaw dahil sa bigat ng paglalakad ni Kailean. Sinamaan ko siya ng tingin at naintindihan niya naman kaagad ang sinabi ko. We have a deal at kapag titigasan niya ang ulo niya, walang pagdadalawang-isip kong puputolin ang deal namin.


"Ohh... Mr. And Mrs. Suladay, this is my brother together with his soon be fianceé." malaki ang ngiting tiningnan kami nung matatanda kaya peke akong ngumiti.


You Are Mine (Mine Series #1) Where stories live. Discover now