CHAPTER TWENTY: Rebound

191 13 8
                                    

CHAPTER TWENTYRebound

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER TWENTY
Rebound

--

Pagsapit ng lunes, mas maagang nagising si Taehyung kumpara sa normal na oras ng gising niya tuwing may klase. Agad siyang naligo at nag-asikaso saka dumiretso sa kusina kung nasaan naabutan niya ang ina na nagluluto ng almusal.

"Good morning, ma!" bati niya rito bago hinalikan si Taeyeon sa pisngi.

"Good morning, Taetae!" nakangiting bati naman nito pabalik. "Maaga ka yatang nagising ngayon? Ngayon ba magsisimula ang club festival niyo?"

"Opo, mama. Kailangan naming pumunta sa school nang maaga para ma-set up po namin ang booth."

"Ganoon ba? Sige, ilalagay ko na lang sa tupperware itong almusal mo at dadagdagan ko na rin para may almusal si Jin at ang club members niyo."

"Thank you, ma. You're the best!"

"Umagang umaga nambobola ka na naman, Kim Taehyung." natatawa at umiiling-iling na kumento ni Taeyeon bago nagpatuloy sa pagluluto habang si Taehyung naman ay nag-prisinta na tutulungan siya ngunit tumanggi lang si Taeyeon at sinabing manood na lang ito.

Nang makuha na ni Taehyung ang baon niya ay saktong kabababa lang ng ama niya mula sa kwarto kaya nagpaalam na siya sa mga magulang niya bago dumiretso sa kotse niya at nagmaneho papunta sa eskwelahan.

"Taehyung!" pagtawag ni Jin na mukhang kararating lang din. "Nagsimula na raw mag-set up sina Yeonjun."

"Sobrang aga naman nila, hindi halatang excited." natatawang sambit ni Taehyung bago nagsimulang maglakad papunta sa pwesto ng booth nila kasama si Jin.

Hindi gaya ng inaasahan ni Taehyung, mukhang maya-maya pa mag-se-set up ng booths ang ibang club dahil kakaunti pa lang ang mga estudyante na nakikita niya.

Ilang hakbang na lang ang layo nila mula sa booth nang bigla nilang nakitang lumabas mula roon si Yeonjun at palinga-linga. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita si Taehyung at Jin bago kumaripas ng takbo papunta sa kanila.

"Kuya Tae! Kuya Tae!" sigaw pa nito habang tumatakbo kaya hingal na hingal ito nang huminto siya sa harap noong dalawa.

"Oh. Huminga ka muna, Yeonjun. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." kumento ni Jin na sinang-ayunan naman ni Taehyung.

Sinunod naman iyon ni Yeonjun at nang makahinga na siya nang maluwag ay tumayo na ito nang tuwid. "kuya Jin, kuya Tae, nabalitaan ko na magpe-perform daw si kuya Yoongi sa huling araw ng club festival! Totoo po ba?"

Awtomatikong napalingon si Jin sa pinsan niya upang makita ang reaksyon nito. Tila nanigas si Taehyung sa kinatatayuan niya at halos maghugis-puso ang mga mata.

"Talaga? Mag-pe-perform si Yoongi?"

"Ayon po sa iba, opo. Hindi po ba nabanggit ni kuya Jungkook sa'yo?" inosenteng tanong ni Yeonjun na isa ring fan ni Yoongi. Nang mapansin niya ang hitsura ni Taehyung ay napakamot na lang ito sa batok. "Mukhang hindi niyo rin po alam. Ikukumpirma ko pa po sana sa inyo dahil mag-bestfriend naman si kuya Jungkook at kuya Yoongi."

Strawberries and Cigarettes | TaeKookWhere stories live. Discover now