CHAPTER TWENTY-SEVEN: Secret Admirer

188 14 15
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVENSecret Admirer

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

CHAPTER TWENTY-SEVEN
Secret Admirer

--

Halos mapamura si Jungkook matapos maramdaman ang matinding pananakit ng ulo sa oras na minulat niya ang mga mata niya at natagpuan ang sarili na nasa loob ng kwarto niya.

"Fvck." agad siyang napapikit at napahawak ulo niya matapos muling maramdaman ang pagkirot nito.

Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa bahay lalo na't ang huling natatandaan niya lang ay umiinom siya sa isang sikat na bar habang kausap niya ang bartender.

"How the fvck did I get here?" tanong niya sa sarili bago dahan-dahang bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.

Sa loob ng ilang minuto na nasa loob ng banyo ay walang ibang umiikot sa isipan niya kung hindi ang katanungan kung paano siya nakauwi sa bahay nila at kung galit pa rin ba si Jimin sa ginawa niya kahapon.

Jimin.

Halos masuntok na ni Jungkook ang pader nang maalala niya ang nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit nagawa niyang magpakalunod sa alak at masabihan ng kung ano-ano si Taehyung. Hindi mawala sa isipan niya kung paano siya tinulak palayo ni Jimin noong umamba siyang susuntukin ang lalaking kahalikan nito sa pag-aakala na binabastos niya si Jimin ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig nito.

"Fvck off, Jungkook. He's my boyfriend!"

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig kasabay ng unti-unting pagguho ng mundo niya. Pinipigilan niya ang sariling suntukin sa mukha ang lalaki na may malapad na ngisi habang nakatingin sa kaniya dahil ang nakakuha lang ng atensyon niya ay walang iba kung hindi si Jimin.

Si Jimin na hindi magawang ibalik ang tingin sa kaniya.

Bago pa man mapuruhan ang kamao niya ay binilisan niya ang pagkilos at nagbihis saka tumungo sa dining area kung saan naabutan niya si Taehyun na pangiti-ngiti habang sumusubo ng paborito nitong cereal.

"Good morning kuya." masiglang bati pa nito dahilan para tumaas ang kilay ni Jungkook sa pagtataka. Tila maganda ang gising ngayon ng kapatid niya imbes na pagsabihan siya nito gaya ng madalas nitong ginagawa tuwing umuuwi siyang lasing.

"Hindi pa puwede, masyado ka pang bata sabi nina Mama." pangunguna ni Jungkook nang makaupo na ito sa pwesto niya at nagsimulang kumuha ng pagkain. Sandali namang natigilan si Taehyun at inangat ang tingin sa kaniya.

"Alin ang hindi puwede, kuya?" tanong pa nito.

"Hindi ka pa puwedeng manligaw dahil bata ka pa." seryosong tugon ni Jungkook nang hindi binabalik ang tingin sa kapatid niya.

Ilang segundo lang ang lumipas bago napahagalpak ng tawa si Taehyun na may kasamang mahinang paghampas sa lamesa. Napatigil tuloy sa pagsubo si Jungkook at tinapunan ito ng tingin.

Strawberries and Cigarettes | TaeKookDonde viven las historias. Descúbrelo ahora