Kabanata II

0 0 0
                                    


"Talaga? Ikaw ang napiling exchange student?"
Magiliw na saad ni Kien habang tiningnan ang mga gamit sa loob ng kahon na ibinigay ni Ms. Yenes kanina.

Huminga ako ng malalim at pabagsak itong inilabas.

"Bakit mo pa ako hinintay?"
Tanong ko sa kaniya, nahinto naman siya sa kaniyang ginagawa.

"Alam ko kasing hindi ka magtatagal sa School's office kaya hinintay na kita dito."
Paliwanag niya habang tinutuloy ang paghalungkat niya sa kahon kung saan naroon ang bagong pares ng uniform ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa entrance ng silid aklatan. Habang naglalakad ako kanina sa hallway matapos lumabas sa school office ay nadatnan ko siyang naka upo dito sa bench na kinaroroonan namin ngayon.

"Ouh?"
Nagtataka siyang tumingin sa akin ng tumayo ako.

"Hindi ka pa nagugutom?"
Tanong ko, nakapamulsa.
"Ihahatid ko muna ang kahon sa kotse."
Dagdag ko. Mabilis niyang ibinalik ang mga gamit sa loob ng kahon at binitbit ito.
"Hehe ako na."
Alok niya at sumabay sa akin sa paglalakad.

Habang tinatahak namin ang parking area ay hindi ko maiwasang mapalingon sa kaniya.
"Bakit?"
Tanong niya.
"Ano bang meron sayo't kanina ka pa nakangiti?"

"Masaya ako na magkatabi na tayo ng silid."
Saad niya na nanatiling nakangiti.

"Tss. Yun lang ba talaga?"
Ngumisi ako at pinindot ang car key  ng makarating kami sa parking area dahilan upang tumunog ang kotse kung saan ito naroon. Binuksan ko ang backseat at inilapag  ang kahon na dala ni Kien.

"Isha."
Matapos isara ang pinto, napalingon ako sa aking tagiliran matapos marinig ang aking pangalan.

"Ouh! Dauve, kanina ka pa ba jan?"
Tanong ni Kien sa lalaking nakasandal sa kabilang kotse.

"Mmm."
Tango tangong sagot ng lalaki.

"Sa susunod wag mo na kaming hintayin."
Saad ko habang pinindot ang car key dahilan upang ma lock ang sasakyan.
"At isa pa, huwag mo kaming bantayan. Hindi na kami mga bata."
Dagdag ko bago matuling naglakad.

Yumuko si Kien bilang paalam kay Dauve bago nagmamdaling humabol sa akin sa paglalakad.

Sa tuwing kumakain kami ng snack o di kaya'y lunch ay hindi kami pumupunta sa school cafeteria. Naglalakad kami ng ilang minuto para marating ang restaurant, hindi kalayuan sa paaralan.

"Isha.."
Lumingon ako kay Kien ng magsalita siya.
"Try kaya nating kumain sa cafeteria."
Dagdag niya habang nasa harapan ang mga tingin.

"Pwede ka namang bumalik kung 'yan ang iyong nais."
Simpleng sagot ko sa kaniya.
Hindi naman siya kumibo.

"Good morning ladies!"
Masayang bati ng waitress ng makapasok kami.

"Magandang umaga din po."
Bati pabalik ni Kien.

"Medyo late kayo ngayon ah?"
Nakangiting tanong ng Waitress.
"Pinatawag pa po kasi si Isha sa school office."
Sagot ni Kien. Tango tango naman ang waitress.

Nakaupo na kami ngayon ni Kien sa aming pwesto habang hinihintay ang pagkaing lagi naming ini-order.

"Pasensya na kung medyo natagalan."
Saad ng waitress habang nilalapag ang aming pagkain.
"Isinabay ko kasi ang order niyo at order ng kabilang table."
Dagdag niya pa bago lumipat sa kabilang mesa.

Sabay naman kaming napalingun ni Kien.
Sa ganitong oras kasi ay kami lang ni Kien ang kumakain. Maraming katabing restaurant ang kinaroroonan namin ngayon kaya bihira lang ang mga customers.

DARK ACADEMYWhere stories live. Discover now