Kabanata I

2 1 0
                                    

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway, napahinto ako sa aking paglalakad matapos magsalita ang lalaking yumuko upang pulutin ang kaniyang earphones sa sahig.

Bahagya akong napatingin sa kaniya, abala siya sa pakikinig ng kaniyang sinaksak sa tenga kaya nasisiguro kong wala sa daan ang atensyun niya kanina.

"Tss."
Ngisi ko bago inalis ang tingin sa kaniya.
Pinasadahan pa muna niya ako ng tingin bago inalis ang nakasaksak sa tenga.

"You're not even from this building."
Saad niya matapos makita ang nakasulat sa aking coat uniform bago matuling naglakad paalis.

"Okay, ka lang ba ha? Isha?"
Nagmamadaling lumapit si Kien tila nag-aalala.
"May masakit ba? May sugat? Sugat sa loob?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sugat sa labas?"
Dagdag niya habang chine-check ang aking braso pati sa ulo.

"Ano ba?"
Naiirita na asik ko sa kaniya.

"Just trying to make sure Isha."
Ngumiti siya, umayos sa pagkakatindig at matuling sumabay sa akin sa paglalakad.

"Pagpasensyahan mo na't mataray talaga mga tao dito sa building namin."
Panimula niya nanatili paring nakangiti.
"Lalo na yung lalaki kanina."
"Kahit wala kang ginawa, magugulat ka nalang kung bakit mainit dugo sayo."
Pagpapatuloy niya.

"Mabuti nalang talaga't nasa kabilang building ako."
Pagmamayabang ko.

"Kanina ka lang ba dito sa building?"
Huminto kami sa paglalakad ng magtanong siya.

Tumango ako bago nagsalita.
"May hinatid lang sa teachers office."

"Mmm, balita ko may exchange student daw sa class A." Saad ni Kien.
"Kaklase daw ni korean."
Napatingin ako sa kaniya matapos sabihin ang huling salita.

"Korean?"
Takang tanong ko.

"Mmmm."
Tango tango niyang tugon.
"Yung lalaki kanina, singkit ang mga mata kaya korean."
Walang ganang dagdag niya.

"Tss. gumagawa ka na naman ng palayaw."
"Sige na't kita nalang tayo mamaya."
Wika ko ng nasa tapat na kami ng kaniyang silid.

"Hehe sgeh."
Kumaway siya muna bago naglakad papasok sa loob.

Nasa kabilang building ang room ko kaya hindi na ako nagtagal pa't nagpatuloy sa paglalakad.

~

"Pay attention! Ngayon ako pipili ng student na siyang magiging exhange student sa class A."Anunsiyo ng schoolmistress matapos ang mahigit dalawang oras na discussions.

"Exchange student?"
Tanong pa ng isa sa mga estudyante.

"Yes kailangan ko pa bang ulitin?"
Mataray na saad ng schoolmistress.

"Pero, we're not informed about this."

"Well ngayon you are fully informed!"
Malakas na hinampas ng schoolmistress ang center table kaya walang nagawa ang ibat' tumahimik.

"I know you guys are not ready for this so kung sinong pangalan ang mababanggit ko ay malinaw na lilipat sa kabilang building. Am I clear?"

"Crystal schoolmistress Yenes!"
Sagot naming lahat.

"Paano yan? Nakapag insayo na lahat tayo ng waltz."
Rinig ko pang bulong ng babae sa aking harapan.
"Ano ka ba Pan baka marinig ka ng schoolmistress."

"May sinasabi kayo Ms. Pan and company at the back?"
Napayuko ang dalawang estudyante matapos magsalita ang guro.

"Okay! I don't wanna hear any complains and grumbles!"

Nasa likuran ang aking puwesto kaya bukod sa pakikinig ng kung anong nais ianunsiyo ng schoolmistress ay yumuko ako at sumandal sa aking braso.

Tumingin ako sa bintana, maganda ang panahon at magiliw ang mga ibong humuhuni sa puno. Maganda din ang ihip ng hangin.

Ipinatong ko ang aking baba sa kamay at nakapikit na ninanamnam ang sinag ng araw na tumama sa aking mesa.

"Ms. Hayes."
"Ms. Hayes!"
Umayos ako sa pagkakaupo ng banggitin ng schoolmistress ang aking pangalan.

"You're not paying attention!"
Pasigaw'ng dagdag niya na nakatingin sa akin.
"Meet me at the school office."
Anunsyo niya bago niligpit ang kaniyan gamit.
"Ms. Pan and company!"
Nahinto ang lahat ng taasan niya ang kaniyang boses.
"School office A.S.A.P!"
Hulihang sabi niya, aligaga namang tumayo at lumabas papuntang office ang dalawang estudyanteng tinawag.

"Grabe talaga si Schoolmistress Yenes daig pa tigre kung magtaray."
Saad pa ng babae habang nagliligpit ng kaniyang gamit.

"ISHA!"
Napalingun ako sa pintuan ng tawagin ako ng aking kaibigan, kumakaway.

Naglakad ako palapit sa kaniya.
"Ouh?"

"Teka may pupuntahan ka pa?"
Takang tanong niya matapos makita ang hawak kong libro.

"Oo eh pinatawag ako ng schoolmistress."
"Mauna ka nang kumain at matatagalan ako."
Dagdag ko.

"Ganun ba, siguradong pababasahin ka na naman ng libro."
Malungkot na tugon niya.
"O di kaya'y papaluin gaya nung ginawa niya sa mga estudyanteng nagsuntukan."
Dagdag niya.

"Sige na't hinahanap na ako."
Paalam ko bago siya iniwan sa tapat ng pintuan.

Nasa ground floor ang school office kaya hindi na ako nagtagal pa. Nang makarating ako mismo sa lugar ay kapansin pansin ang dalawang estudyante na nakayuko na parang tutang pinagalitan.

"Ouh! Ms. Hayes."
Yumuko ako bilang pagbati ng tawagin ako ng schoolmistress.
"Here's your stuff."
Napatingin ako sa mesa ng ilapag niya ang puting kahon.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya.
Nagtaka siya matapos makita ang librong hawak ko at bahagyang ngumiti.
"Iniisip mo bang papagalitan kita o kaya'y papabasahin kaya ka pina tawag dito?"

Tumingin siya sa dalawang estudyanteng naupo at tumingin ulit sa akin.
"Ikaw ang napili kong exchange student sa Class A."

Napatitig ako sa kaniya matapos marinig ang kaniyang sinabi.
"Pero Ms. Yenes."
Reklamo ko.

"Ms. Hayes, hindi ka ba masaya na ililipat ka sa parehong building ng iyong kaibigan?"
Napayuko ako, sa bagay may punto siya.
"Isa pa, ikaw ang nangunguna sa klase kaya nararapat kang ilipat sa Class A."
Pagpapatuloy niya. Huminto pa muna siya bago nagsalita ulit.
"Nakalimutan mo na ba ang aking sinabi?"

"Matagal ko na itong pinag-isipan kaya, hindi ko nanaising tanggihan mo ang aking desisyon."
Ngumiti pa muna siya bago pinulot ang kaniyang gamit sa mesa at naglakad.

Tumingin siya sa dalwang estudyanteng pinagalitan kanina.
"I hope this will be a lesson sa inyong dalawa."
Dinilatan niya ng mata ang dalawa na ngayo'y takot na takot at aligagang lumabas sa school office.

Huminga ako ng malalim, mahigpit kong hinawakan ang aking libro at bahagyang lumingon sa mesa kung saan naroon ang kahong inilapag ni schoolmistress Yenes.

DARK ACADEMYWhere stories live. Discover now