Kabanata III

0 0 0
                                    

Magka-pantay ang kanilang tindig at masasabi kong  mas malakas ang lalaking 'to.

Nang hindi na umimik si Dauve ay binitawan na ng lalaki ang kamay nito, inayos ang kaniyang uniporme.

Pa simple siyang lumapit sa akin at sinabing, "Don't cover it, it won't heal your wound." Tukoy niya sa noo kung natuyuan na ng dugo. Tsaka siya naglakad palayo.

Hindi ko na pa pinansin pa si Dauve at dahan-dahan narin akong naglakad.

"Kailangang magamot yan Isha."
Nag-aalalang wika ni Kien bago kami pumunta sa clinic.

Hindi gaanong malayo ang school clinic kaya madali namin itong narating.

"Anong nangyari Isha?" Tanong ni nurse ng makita ang sugat sa aking noo.

"It's nothing."

"Ano kaba, how many times I told you. Hindi mo dapat pinapatagal ang iyong  mga sugat."
Nag-aalalang wika ni nurse.

Matapos niyang kunin ang medications ay diretso niya akong inasikaso.

"Kilala mo yun?"
Lumapit sa akin si Kien matapos akong asikasuhin ni nurse.

"Si Nurse Elle."
Diretso kung sagot sa kaniya.

"Ano ka ba! Hindi si nurse ang tinutukoy ko eh, kilala naman talaga natin yun."

"Sino ba kasi?"

"Yung kanina Isha."
Napahinto siya saglit.

"Yung tumulong sayo."
Seryoso niyang sabi.

Napahinto naman ako sa aking kina-uupuan ng maalala ang lalaki kanina. He was wearing same uniform as ours pero ngayon ko pa lang siya nakita.

"Hindi naman siya tumulong."
Tumayo ako, inayos ang aking neck tie.

"Ngayon ko pa lang siya nakita."
Napa-isip si Kien.

"Sino kaya yun no?"
"Ang bait naman ni Hero."
Dagdag wika niya.

"Hero?"
Takang tanong ko.

"Oo, he saved your life."
Wika niya na tila umaaksiyon pa.

"Arte mo, tara na nga."
Asik ko sa kaniya.

Ilang minuto pa'y napag pasiyahan na naming bumalik na sa klase.

"Mauna napo kami nurse Elle."
Paalam ni Kien kay nurse.

"Sige, basta Isha ha, hindi pa gaanong magaling yang noo mo."
Bilin sa akin ni Nurse.

"Maliit lang 'to." Wika ko bago tuluyang lumabas sa clinic.

May sinabi pa si Nurse Elle pero hindi ko na rinig.

"Masiyado dawng matigas yang ulo mo."
Hirit ni Kien.

"Matagal na."

Dumiretso na kami sa aming mga silid dahil kanina pa tapos ang break time. Wala na ring gaanong estudyante sa labas.

~

"You're not late,  where have you been at nagka sugat kana?" Baliktad na salubong sa akin ni ma'am ng maka pasok ako sa silid.

Naka-upo na ang lahat at nasa akin ang kanilang mga tingin.

Hindi obvious na late.

"Since you're not late, recite the periodic table of elements."
Sumakit lalo ang aking ulo ng marinig ang sinabi ni ma'am.

Sa aking isipan ay napamura ako.

"Only the Noble Gases."
Dagdag niya.

"He helium, Ne neon,  Ar argon, Kr krypton , Xe xenon , Rn radon and.."
Napahinto ako saglit.

"And?" Panggagaya niya sa'kin.

"Og, oganesson."

"Very good that you can still recall it."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Now, you may take a seat."
Anunsiyo niya.

Sino ba namang hindi mapapamura ng ipa-recite ang hindi parte ng lessons niyo, junior high pa ata yun. 

"You can always be late guys kung aktibo kayong sumagot just like her."
Pagmamayabang ni ma'am.

Diretso kong iniyuko ang aking ulo na nalagyan na ng band aid ng maka-upo ako. Ngayon ko pa lang naramdaman ang sakit ng aking ulo. Hindi naman ito gaanong malaki pero maraming dugo ang nabawas.

*
*
*
*
*
*

Nagising ako ng wala ng tao ang silid, tanging ako at ang mga upuang nasa ayos na. Hindi ko namalayang naka-tulog pala ako. Medyo gumaan ang aking pakiramdam at hindi na gaanong masakit ang aking ulo.

Tumayo ako at inayos ang coat sa pagkaka-suot . Kinuha ko ang mga libro at matuling naglakad sa locker.

Sa aking paglalakad ay napaisip ako.

Bakit may libro?
I arrived late and as far as I can remember I never get a book.

I was about to lock my locker ng marinig ko ang bolang dumaan sa aking likuran, hindi ko ito pinansin at ipinag-patuloy ang pag aayos ng mga libro bago ko ito isinara.

Saktong pagtalikod ko ay naramdaman kong tumama sa aking likuran ang bola dahilan upang madamba ang aking dibdib sa harapan ng locker.

"Sh*t!"
Napamura ako sa sakit.

"Oops, my bad."
Rinig kong wika ng boses lalaki sa aking likuran.

Alam kong, sinadya niyang ihagis ang bola sa aking likuran.

Imbes na tumalikod ay tiniis ko ang sakit at hindi pinansin ang taong kulang sa aruga. Tumindig ako ng maayos at matuling naglakad.

"Hindi pa tayo tapos."
Wika niya ng makalayo ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARK ACADEMYWhere stories live. Discover now