Kabanata 16

7.8K 179 61
                                    

16 – Wrong

People say everything is preplanned. Na lahat ng mangyayari ay iyon naman talaga ang nakatadhana. Some say that it's not. Ayon sa kanila ay ikaw mismo ang may hawak ng desisyon sa kung ano ang gagawin mo. That is why we have our own freewill.

Ano man ang totoo sa dalawang iyon, wala na rin akong pakialam. Itinadhana man o talagang desisyon ko ang bagay na ito, walang magbabago dahil gusto kong narito ako.

"Leiana.."

I sniffed when someone called my name. Hindi agad ako dumilat dahil sa bigat ng talukap ng mga mata ko. I felt a hand touched my shoulder.

"Hmm?" I responded with my eyes closed.

"The sun is rising."

Nang maging pamilyar sa akin ang malalim na boses na iyon ay dumilat na ako. Caleb's face was the first one I saw. Agad na lumakas ang tibok ng puso ko. I looked away when I realized we were only inches apart.

"Good morning.." he said.

I forced a smile with my heart still beating wildly. Nang bumangon ako at luminga sa paligid ay nagsisimula nang lumiwanag. Bumaling ako sa dagat at nagsisimula na ngang magpakita ang araw. The wind was still cold but the sun is here to bring warmth again.

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin kay Caleb. He was staring at me. Nang bumangon siya ay agad niyang kinuha ang disposable cup at nagsalin ng kape kagabi. He handed it to me with a small smile on his face.

"Did you sleep well?"

"Maayos naman ang tulog ko kahit na sandali lang.." ani ko saka inihipan ang kape. "Ikaw?"

"I didn't sleep."

Kumunot ang noo ko. Nagsalin siya ng panibago sa baso para sa kaniya. Mukha ngang hindi siya natulog dahil nanatili ang hugis ng mga mata niya. Hindi gaya noong tuwing nakikita ko siyang bagong gising sa Maynila.

"Bakit?"

He shrugged. "I was busy admiring you."

Para akong naubo at agad na inilayo ang baso sa bibig ko. He chuckled and shook his head while looking at me. Oo nga pala. We made it official last night. At dito pa kami nanatili buong gabi.

Umirap ako habang nakangiti. "Tigilan mo nga ako, Caleb. Ang aga-aga."

He just nodded and gently pulled me to kiss my forehead. Nag-init ang pisngi ko at hindi na siya tinignan dahil sa hiya. Ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa papasikat na araw.

Hindi nawala ang dagundong ng dibdib ko habang naroon kami. Hindi rin naman nagtagal at kinailangan na rin naming umuwi. Ang mga basa kong damit ay inilagay ko sa plastik at itinago ko sa jacket ko para hindi makita nina nanay. Hindi rin ako nagpahatid sa tapat ng bahay dahil magugulat sila.

"Hanggang dito lang ako?"

Tumango ako. "Oo. Akin na ang damit ko."

Nang tumigil ang van ay iniabot niya ang plastik ng damit ko. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko dahil sa kaba ngayong uuwi na ako. I know we made it official last night but I feel tensed now that I am with him. Ang awkward ng pakiramdam ko sa kaniya.

Ngumiti na lang ako at binuksan na ang pinto. Bago pa ako makababa ay hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Umawang ang labi ko at bumaling sa kaniya.

"Bakit?"

Nanatili ang kamay niya sa kamay ko. He caressed it with his thumb slowly. He pursed his lips and gently shook his head.

"Wala.." he sighed. "I'll see you later?"

"Baka hindi muna, Caleb. Magtataka na kasi sina nanay, e. Sa bahay na muna ako."

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora