Kabanata 39

13.3K 299 129
                                    

39 – Freedom

I had high hopes since I was young. I didn't let anyone tell me what do to. I always had my own decisions, and I stood firm with it, even if it means angering everyone around me.

Kahit ano ay wala akong hinayaang maging hadlang para makamit ko ang pangarap ko. Mahirap ako at hindi matalino, kaya naman kahit mga magulang ko ay iniisip na hindi na dapat ako mag-aral pa dahil iyon ay para lamang sa mahuhusay na estudyante. Wala man akong gaanong alam noon, ngunit sigurado akong mali sila. Education should not be exclusive to the rich and smart. Knowledge and wisdom can be acquired by those who thirst for it.

Ginawa ko ang lahat para patunayang mali sila. Na kaya kong magtagumpay kahit mahirap ako at hindi matalino. I proved that. Pero ngayon, nawawala na naman ako. I gained love from the people I am working for. My co-workers care for me. Pero ang kulang ay ang pamilya ko. Iyon ang gulong hindi ko na kaya pang harapin sa ngayon.

I inhaled deeply as I struggle to pull my luggage through the hill. Na sa cellphone ko ang address na ibinigay ni tita kung nasaan ang resthouse niya. Maaga pa at mayroong hamog kaya naman hindi gaanong madali ang makita kung nasaan iyon.

The grass on the hill was pure green. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Mayroong iilang mga simpleng cabin sa burol ngunit magkakalayo ang mga iyon. Kinutuban lamang ako nang makita ang isang mas malaking bahay. Iyon na kaya ang resthouse ni tita?

Nang lalong makalapit at nakita ko ang isang matandang lalaki na nagsisibak ng kahoy sa tabi ng bahay. He was wearing a jacket and a bonet just like me. Iniayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko at bumati.

"Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin, hija.." agad niya akong tiningala at tumayo. "Ikaw ba si Malia?"

Tumango ako. "Opo, ako nga."

He smiled and stretched his arm. Nakipagkamay ako nang nakangiti sa kaniya. Pagak siyang natawa at sandaling iniligpit ang mga kahoy na sinibak na.

"Ako si Mameng. Caretaker ng resthouse na ito." pakilala niya.

"Nabanggit nga po kayo ni Tita Camila sa akin."

He nodded and continued organizing his woods. Huminga siya nang malalim at muling ngumiti sa akin bago siya mismo ang humila sa maleta ko papasok ng bahay.

"O, s'ya. Halika at pumasok ka na sa loob.."

"Salamat po."

Mayroong veranda ang bahay. Gawa ito sa kahoy ngunit halata namang alaga kaya hindi nasisira. Ang pinto ay kahoy rin ngunit mayroong salamin sa gitna kaya kita ang loob. Lalo kong nasilip ang loob ng bahay nang mabuksan ang pinto. Every footstep is heard because the flooring is still woods. Dark ang tema no'n at mayroong chandelier sa kisame. The sofa was colored light. Sa mga cabinet ay nakatago ang mga babasaging kagamitan. Some familiar vases were here. Ilan yata ang mga ito sa nakita ko na noon sa bahay ng mga Ponce de Leon.

"Nag-agahan ka na ba, hija?"

Tumango ako. "Uminom po ako ng kape sa airport kanina."

"Hindi sapat ang kape lang.. Nagluto ako sa bahay ko. Sandali at dadalhan kita."

"Hindi naman na po kailangan. Ayos lang po ako."

Ibinaba niya ang maleta sa sala at binuksan ang lahat ng ilaw sa unang palapag. Luminga pa ako sa paligid at nakitang mayroong hagdan paakyat ngunit tago iyon.

"Mas mabuting kumain ka ng kanin sa umaga. Mahalaga iyon."

"Sige po.. " tumango ako at hindi na umalma. "Hihintayin ko kayo."

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang