Kabanata 17

7.3K 163 44
                                    

17 – Safe

Lumipas ang ilang mga araw na ganoon ang nangyayari. Caleb would always go to our room every night after studying. Pareho kaming maraming ginagawa kaya naman halos kaonti lang ang oras naming magkasama, hindi gaya sa Ilocos. He needs to study for the bar exam and I need to comply to my requirements. Mabuti na lang at kahit papano, nakakapagkita kami sa gabi.

Natigilan ako sa pag-aayos ng tie sa uniporme ko nang mayroong rumehistrong tawag sa cellphone ko. Hindi ko muna itinali ang basa kong buhok at sinagot ang tawag.

"Tay? Kumusta kayo?" Salubong ko. "Ang sabi ni nanay noong nakaraang nakausap ko siya ay nalulungkot pa rin kayo. Maayos na ba kayo?"

"Hindi pa gaano, anak. Napamahal kasi sa akin ang kaibigan ng lolo mo. Para ko na rin iyong naging ama."

Bumuntong-hininga ako at tumango. Mabuti at tumawag siya sa akin. Hindi na ako nakapagpa-load pa kaya hindi na ako nakatawag noong nakaraan. Gusto ko pa naman siyang makausap.

"Alam mo namang nawalan ako ng ama sa murang edad. Kaya kahit matanda na ako, hinahanap ko pa rin ang pagmamahal na ganoon. Ang kaibigan lang na iyon ng lolo mo ang nagmalasakit sa akin kahit na mukhang walang patutunguhan ang buhay ko noon."

Tumango ako. "Naiintindihan ko, tay. Alam ko namang mahalaga sa inyo ang taong iyon. Kaya lang, wala naman tayong magagawa sa nangyari."

Kinuha ko ang suklay para ayusin ang buhok ko. Isinuot ko na ang itim kong sapatos at inasikaso ang laman ng bag ko. Mahinang natawa si tatay sa kabilang linya ngunit walang bahid iyon ng saya.

"Mapapaniwalaan mo bang iniwanan niya pa ako ng lupa? Kalahati ng taniman niya ay ibinigay niya sa akin."

"Nasabi nga po sa akin ni nanay."

"Gusto kong maging masaya dahil kung tatrabahuhin ko ang lupaing ito, matutulungan kita sa gastusin sa pag-aaral mo. Pero, buhay naman ng ama-amahan ko ang naging kapalit."

"Tay, kung hindi pa kayo handa ay huwag niyo munang galawin ang lupa. Magpahinga muna kayo. Saka, hindi naman na kailangan ng dagdag na pera para sa pag-aaral ko. Public naman ang unibersidad na pinapasukan ko. Tinutulungan din ako ni kuya.." ani ko. "Hindi ba't nag-iipon ako tuwing umuuwi ako r'yan?"

Isinuot ko ang bag ko sa balikat ko at binuksan ang pinto ng kuwarto. Si Maui ay nauna na dahil mayroon daw duty. Mabilis akong tumungo ng kusina para magtimpla ng kape.

"Salamat at hindi ka nakinig sa akin noong sinabi kong para sa matatalino lamang ang kolehiyo."

Napangiti ako at tumango. "Magpakabuti kayo, tay, ah? Huwag kayong magpapalamon sa lungkot."

"Oo. At saka, nakausap mo ba ang kuya mo r'yan?"

Kumunot ang noo ko. Akala ko ay kakausapin na ni nanay noong nakaraan? Ilag nga sa akin si kuya kaya hindi ko makausap. Nag-aalala na rin ako sa isang iyon.

"Bakit, tay?"

"Hindi kasi sumasagot sa tawag. Tumatawag ang nanay mo noong nakaraan pa kaso ay hindi sinasagot."

"Sige po, tay. Kakausapin ko si kuya."

Sandali siyang nagpaalam sa akin. Nang ibinaba niya ang tawag ay nagtimpla na ako ng kape para kay Caleb. Hindi naman siya nanghingi ngunit gusto ko lang na dalhan siya. Malamang ay puyat na naman iyon dahil sa pag-aaral.

Tahimik kong dinala iyon sa kuwarto niya. Nang pihitin ko ang pinto ay hindi ulit iyon naka-lock. Sumilip ako ro'n at nakitang nakayuko siya sa kaniyang desk. Bumuntong-hininga ako at pumasok.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang