CHAPTER 9

2.1M 42.5K 9.5K
                                    

CHAPTER 9

TRAIN'S mother invited three thousand guests for his wedding. Hindi alam ni Train kung paano niya haharapin ang three thousand guests na iyon sa isang gabi lang. Kahit sa mga charity ball na siya ang host, hindi pa umabot sa ganoong bilang ang guest niya. Isang pagkakamali na ito ang pinahawak niya sa wedding invitation.

And of course, his mother being a religious and traditional woman, itinago nito si Krisz sa lugar na hindi raw niya matatagpuan. At sabi pa nito sa kanya na makikita lang niya ang bride niya kapag nasa simbahan na sila.

What the hell!? He hadn't seen Krisz for five days now! Fuck it! Kaya naman masamang-masama ang mood niya habang naglalakad sa loob ng bahay at hinahanap ang ina para kausapin ito.

Ang mabagal niyang mga hakbang habang naglalakad ay napatigil ng makarinig siya ng isang malakas na tili. Kilalang-kilala niya ang tiling 'yon.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay. "Mother! What happened? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalalang tanong niya ng makalabas ng bahay at kaagad na hinagilap ng mata niya ang ina.

Halos liparin niya ang daan palabas ng bahay sa sobrang pag-aalala. Akala niya kung ano na ang nangyari sa kaniyang mahal na ina pero tumili lang pala ito dahil sa magagandang bulaklak na inorder nito para sa kasal niya sa makalawa.

"Oh, son," anang ina niya na nakangiti. "Tingnan mo ang mga bulaklak. Aren't they beautiful, Train? Magugustuhan ito ng bride mo."

Umasim ang mukha niya ng marinig ang salitang bride. "Mother, leave the flowers alone. At malay ko ba kung magugustuhan 'yan ng mapapangasawa ko. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon, e."

"Kasi naman hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili na kilalanin siya. You have eluded your destiny to marry her, Train," anang ina niya. "Bakit hindi mo kilalaning mabuti si Krisz? Mabuti siyang babae, Train. Magiging mabuti rin siyang asawa sa'yo."

Umingos siya. "Paano ko naman po siya kikilalanin gayong magpapakasal na kami sa makalawa?" Humalukipkip siya. "And I don't want to get to know her. Pakakasalan ko lang siya kasi nakaratay ngayon si papa sa hospital at ang tanging magagawa ko lang para mapabuti ang kalagayan niya ay ang pakasalanan ang babaeng 'yon."

But Train knew deep inside, he was marrying Krisz for a completely different reason.

"Excuse me po," wika ng isang babaeng boses. "Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ilagagay?"

Gulat na gulat na napatingin siya sa delivery girl. "You speak tagalog?"

Tumango ito at magiliw na ngumiti. "Oo. My mother is a Filipina," imporma nito sa kanila.

Bigla na namang tumili ang ina niya. "Oh my God! Ang saya naman ng araw na ito. A Filipina! Matagal-tagal na rin mula ng makauwi ako sa Pilipinas. Since my parent's death, hindi na ako umuwi!" She exclaimed. "Amazing!" Kapagkuwan ay natigilan ito na parang may pumasok na ideya sa isip nito. Alam na alam niya ang ibig sabihin ng kislap ng mga mata nito. "Wait here. May kukunin ako."

Nagmamadaling umalis ang ina niya at parang alam na niya kung ano ang kukunin nito. Napailing-iling nalang siya.

Ibinaling ni Train ang atensiyon sa babae at matamang tinitigan ang babae na nasa harapan niya at sinuring mabuti ang mukha nito. Pamilyar ang mukha sa kaniya ng babaeng 'to. Parang nakita na niya ito pero hindi lang niya matukoy kung saan.

Kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong na sinagot naman ng babae. Akmang sasagot sana siya sa isa sa mga tanong nito ng biglang dumating ang ina niya.

"I'm back." Napakalapad ng ngiti ng ina niya habang ini-aabot sa babae ang imbitasyon para sa kasal nila ni Krisz. "Para ito sayo, hija."

Train groaned in irritation. "Mom, you already invited three thousand guests to my wedding. At ngayon dadagdag ka pa?"

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinWhere stories live. Discover now