Chapter 10 - Officially Started

73.7K 568 23
                                    

HI GUYS

THIS  BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

-------------------------------------------------------------------------------------------------


NOTE: NOT EDITED VERSION (SORRY FOR ALL THE ERRORS)

Chapter 10 - Officially Started

ANYA'S POV

ITS SATURDAY WALANG PASOK SA WAKAS. . . School free ako today ibig sabihin walang ESU, so I'm free from prof, free from my classmate at free from Chelsy. YES! at least meron akong peace of mind once a week and Saturday is my favorite day of all time.

Maaga palang gising na ko at sinimulan ko agad ang mga dapat kong gawin isa na doon ang maglinis ng bahay mag isa lang ako sa buhay dahil ang Nanay ko ay DH sa Hong Kong since 3rd year High School pa ako at last year ikinasal na sya sa isang citizen doon. Kung itatanong nyo kung ano ang estado ko sa buhay OK naman ako meron akong maayos na tirahan na naipundar ni Nanay sa pagtratrabaho nya isang two story house na meroon dalawang kwarto at may mga maayos na mga gamit.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay agad kong sinunud ang paglalaba sa totoo lang na e-enjoy ko ang gawaing bahay pero hindi ako marunong magluto wala akong ka talent talent sa bagay na yun, Time check: 9:00am at tapos ko na ang mga dapat kong gawin kaya naisipan kong mag kape sa may garden sa likod ng bahay habang nagpapahinga.

"Hay....This is life I'm Ace-sin Kin free! YES! pahinga pahinga day din" Nasabi ko yun out load.

"You really think so?" Bigla akong nagulat, bakit parang narinig ko ang boses ng lalaking yun?

Lingon sa kanan. .

wala

Linongn sa kaliwa

wala

Wala namang ibang tao dito ha. siguro guni-guni ko lang yun

"Hey you slave!"

Nagulat ulit ako hindi na yun guni-guni totoong narinig ko ang boses nya, pero bakit hindi ko sya makita? multo na ba sya?

"Sige lang ignore your Master lagot ka sakin mamaya."

Alam ko si Ace-sin talaga yun eh, lumingon ako sa likod ko at nakita ko sya na cool na cool na nakasandal sa may pintuan ng bahay namin at ang gwapo nya sa suot nyang grey shirt and casual tie-leg shorts at aaminin ko napatulala ako sa kagwapuhan nya pero agad ko rin ginising ang sarili ko.

"Bakit nandito ka? at pano ka naka pasok dito?"

"How rude" Lumakad ito palapit sa akin

Malapit


Lapit pa


Lapit. . .


Malapit na malapit na

At sa sobrang lapit nya napaatras ako pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko bigla nya agad hinawakan ang dalawang braso ko at inilagay ang mga iyon sa likod ko na naging dahilan lalo pa kaming magkalapit as in magkadikit na ang mga katawan namin naparang magkayakap

"Ano bang ginagawa mo bitiwan mo ko" sabi ko

"Tsk! Tsk! Tsk! you really don't know how to treat your Master do you?"

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon