Chapter 34 - Peterpan

64K 709 35
                                    

HI GUYS

THIS BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

-------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 34 - PETERPAN

Pag gising ko nasa ospital na ako and Rei is sitting beside my bed nakangiti sya sa akin.

"What happens?"

"You passed out. Si Asin ang nagdala sayo dito." sagot ni Rei Oo nga pala kasama ko sya kanina at sya ang huling taong kausap ko sa Grave yard

"Asan na sya?"

"Outside, he wanted to come in here pero hindi nya magawa, . . . ."

"Ah Rei"

"Yes?"

"Can I ask you something?"

"Sure, what is it?"

"Pwede mo ba akong tulungang makalabas na dito, gusto ko na umuwi."

"Don't worry inaayos ko na yung discharge paper mo for signature na lang ng attending physician mo."

"Thank you ha." sabi ko at nakita ko syang ngumiti tapos lumakad sya mula sa pagkakatayo nya sa may bintana palapit sa akin, umupo sya sa silya malapit sa kama tapos ay hinawakan nya ang kamay ko at bahagya nya iyong pinisil

"Anya he's worried about you" dinig kong sabi nya at kahit wala syang binanggit na pangalan alam na alam ko na si Ace-sin ang tinutukoy nya

"Wag na Rei, please ayoko syang isipin at ayoko din syang makita ngayon."

"Naiintindihan ko"

After nun hindi na ulit kami nag-usap lumabas na rin sya ng kwarto ko siguro para ayusin ang paglabas ko. Pagdating namin sa labas ng ospital si Rei na ang naghatid sa akin sa bahay ko, inalalayan nya ako hanggang makapasok sa sa kwarto ko at tinulungan nya akong humiga ng maayos sa kama doon ko nga lang napag tanto na maasikaso din pala ito.

"So how do you feel? nahihilo ka pa ba?"

"I'm Okay, thank you talaga sa lahat ng tulong ha."

"Are you sure okay kana? If you want I can stay here para alagaan ka." tanong nya ulit, siguro talagang concern sya sa akin kaya nginitian ko sya para hindi na sya mag-alala

"No! kaya ko na, isa pa sobrang naaabala na kita."

"Wag mo na isipin yun"

"Hindi na Rei, Okay na talaga ako" Pagsisinungaling ko dahil ang totoo masama parin ang pakiramdam ko "salamat sa lahat ng tulong pero kaya ko na talaga. pwede mo na akong iwanan"

Nakita ko syang bumuntong hininga. parang sumuko na rin sya sa katigasan ng utak ko.

"Alright, aalis na ko pero if there is something you need, Anything please call me."

Ngumiti ako sa kanya tapos tumango. "Thank you so much for helping me."

"Ok" sabi nya na halatang napipilitan lang sumang-ayon sa gusto ko. "Aalis na ako."

"Ingat ka." nakangiti parin ako ayokong ipahalata na takot akong mag-isa ngayon.

"Ikaw din" sabi pa nya tapos naglakad na sya pero muling huminto pagdating sa may pinto ng kwarto ko.

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon