Finale - Home at Last

31.1K 526 107
                                    

FINALE - HOME AT LAST

6 YEARS AFTER

" Anya Cholo's here" tawag ni Ella sa kaibigan

" Coming!" sigaw naman ni Anya mula sa kwarto nya nasa sala si Ella kasama si Cholo.

" Sorry Cholo, mabagal talaga kumilos yun eh" sabi ni Ella nakatayo ito sa may hagdan at sinisilip ang pagbaba ni Anya

Roommate na sila ni Anya sa isang magandang condo unit na up and down para malapit sila sa kani-kanilang mga trabaho

Si Ella ay graduate na ng Business Administration and she's working as a PR Officer sa isang malaking construction firm kasama si Rei at si Anya naman? nag shift sya from Civil Engineering to Architecture kumuha din sya ng Art lesson dahil na-realized nya na hindi nya talaga gusto ang kursong kinuha nya, na ginawa nya lang kunin yun dahil kay Ace pero ang talagang passion nya ay mag-design and to do art ngayon ay freelance Architect sya at sya ang nag-ma manage ng isang Garden Shop na pagmamay-ari ni Cholo na nagki-cater sa mga flower shop at gumagawa ng landscape design sa ibat-ibang lugar, magaling si Anya sa larangang iyon kaya marami na syang solid customer sa katunayan ang huling project nya ay gumawa sya ng isang malaking design para sa isang central park na itinayo mismo sa The Fort.

Bumaba si Anya wearing an elegant white cap sleeve lace dress na 3 inch above the knee at ang hair nya ay nakalugay lang na medyo curl yung dulo na tinernohan nya ng very light makeup, both Ella and Cholo admired her

" Sorry ha nahirapan kasi akong isuot itong damit na binigay mo sakin, tapos nag make up pa ko, so ano okay lang ba ang itsura ko ha?" tanong ni Anya kay Cholo na nakatulala lang sa kanya

" I think nagustuhan ni Cholo ang itsura mo, you look wonderful Bessy" natatawang sabi ni Ella, ang totoo naaaliw sya sa reaksyon ni Cholo

" Thanks Best" hinarap nya si Cholo " Pano lets go?" sabi nya kay Cholo na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya

Pasimple namang siniko ni Ella ang binata para matauhan na ito sa wakas

" Ha. sure lets go"

" Okay bye Ella"

" Okay take care, and have fun"

Dinala si Anya ni Cholo sa isang romantic dinner sa isang sikat na restaurant for couples, sa six years na lumipas ang binata na ang palaging nakakasama nya infact sa lahat ng family gadering palaging ini-invite ni Cholo si Anya kaya kilalang kilala na rin sya ng buong pamilya nito

" Okay" binaba ni Anya ang hawak nyang fork and spoon " Anong sasabihin mo at kailangan mo pa akong bihisan at dalhin sa dinner na ito na obviously for couples only?"

" Ayan ka na naman sa pagiging detective Conan mo eh. hindi ba pweding i-invite ka lang sa dinner dahil lumalago na ang pinuhunan ko sa business natin?"

Lalong naging mapaghinala ang tingin ni Anya sa binata kaya sumuko na ito

" Okay sige na, talo na ako, the truth is may sasabihin ako sayo" sabi ni Cholo

" Ano naman? "

Inilabas ni Cholo ang isang maliit na jewelry box biglang nagulat si Anya ang totoo ay kinakabahan sya sa laman noon

" Cholo... are you..."

Binuksan ni Cholo ang laman ng Box at nagulat si Anya na makita ang isang empty,  walang laman na box

" Cholo ano ba linoloko mo ba ako?"

" No, Anya I'm getting married!" sinabi nya iyon ng malungkot

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon