CHAPTER - 4

354 27 5
                                    

* LEXIS *

"anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto namin? Sinong nagbigay sayo ng karapatan. "

"hinatid ko lang si Prince dito sa bahay niyo. Lasing kasi siya tsaka baka mapahamak siya sa daan."

TANG IN*ANG EXCUSE YAN. HALOS MAPA PIKIT NALANG AKO SA SOBRANG SAMA NG LOOB. ITO NA SIGURO YUNG PINAKA MATAPANG NA AHAS. YUNG TIPONG SA LOOB MISMO NG PAMAMAHAY AT TERETORYO KO GUMAGAWA NG MILAGRO.

"Pwede ka ng umalis and please next time wag mong inuugali na sinusuot yung damit ng asawa ko. May mga bagay na off limits para sayo." Gusto ko ng bugbugin to sa totoo lang pero nagtitira parin ako ng kaunting respeto sa mga hayop.

Agad naman tong kumilos kinuha niya ang gamit niya at umalis na. Pero kitang kita ng mata ko kung paano ito ngumisi na parang demonyo.

"Lester?" banggit ni Prince.

Ano may mas masakit pa ba sa sitwasyon ko ngayon? Kasi kung meron pa itodo niyo na.

"Lexis ang pangalan ko. Hindi Lester." naluluhang banggit ko dito.

-----------------------------------------------------

Wala akong naka schedule na trabaho. Actually plano kong dumalaw sa ampunan ngayon. Gusto kong maka bonding yung mga bata at maglibang gusto ko din makita kung ano pa yung mga pangangailangan nila na kaya kong tugunan para mapasaya ang mga bata.

Kaso naki usap si Mitch na bisitahin ko sila saglit pati yung inaanak ko kaya nandito ako ngayon sa bahay nila. Oo nagka anak sila ni Rocky di ko alam kung saan nanghingi ng matres ang bakla de joke lang surrogate baby si Ashton 4 years old na to gwapo yung bata mana sa tatay.

"So, nagkita na pala kayo nung gagong yun. Sabi ko naman sayo dati putulin na natin yung junjun nung lalaking yun para mag tino." galit na banggit nito sakin habang ini-imagine sa utak niya si Prince.

"Dada who's Junjun po? " tanong ni Ashton sa Daddy niya. Baklang Mitch kasi kung ano-ano sinasabi.

"Tito Junjun mo yun. Malayong kamag anak natin yun. " tarantang sagot ni betla

"Kailan ko siya makikita" curious na tanong ng bata.

"paglaki mo makaka sama mo siya mag bonding kayo kung gusto mo. Yaya pakuha nga dito ang bata. Jusko yari ako sa tatay mo baka hindi ko maka bonding si Junjun niya. " agad naman kinuha ng katulong yung bata.

"balik tayo sa usapan natin." banggit nito sakin

"diba nga dapat hindi na natin siya pinag uusapan. Tapos naman na kami, okay na naman na siya, tsaka mukang masaya naman nadin siya." sagot ko dito.

"pano kung hindi?" balik nitong tanong sakin.

"labas na ko dun. Buhay na nila yun, bahala silang mag decide kung gusto nilang maging masaya o hindi. " sagot ko dito.

"What I mean Lexis. Pano kung ikaw naman yung hindi pa okay at hindi pa masaya?" nagdududang tanong ulit nito sakin.

"okay na ko. Masaya nadin ako para sa kanya." sagot ko dito.

CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon