CHAPTER - 6

438 30 33
                                    

(A/N): Sorry na sana mapatawad niyo pa ko haha.  Sobrang busy lang po.  Pabasa muna ulit ng previous chapter para ma refresh kayo ng onti sa story.  Love you po. ❤

• LEXIS •

" Mitch sa tingin mo dapat tawagan ko siya ngayon.  Malay mo pag nagka usap kami baka sakaling magbago isip niya.  Hindi niya naman ako siguro ipapagpapalit kay Les--Lester no? " maluha luhang banggit ko dito.  Naka tingin lang si Mitch sakin ramdam ko yung awa at galit sa mga mata niya.

"Siguro trabaho lang naman yun diba?  Wala naman silang gagawing masama? Mahal ako ni Prince diba hindi niya ko sasaktan pangako niya sakin yun." nakatakip na ang dalawang kamay ko sa muka ko.  Parang hinahati ang puso ko nahihirapan akong huminga.  Nanginginig yung buong katawan ko.

"Lexis!" pasigaw na banggit nito saakin ng mapaluhod ako dahil sa sobrang hinang hina ako.  Wala akong kain at tulog kakaisip sa huling tagpo namin ni Lester.  Iniisip ko kung anong ginagawa nila ngayon.  Naghahalikan ba sila? Magkatabi ba sila ngayon sa kama.  Masaya ba sila? Mahal naba ni Prince si Lester? 

"Mitch samahan mo ko gusto ko silang sundan sa Batangas.  Gusto kong maka usap si Prince.  Baka pag nakita niya ko maawa siya sakin, tapos mag so-sorry ako luluhod ako at magmamaka-awa, wag niya lang akong iwan.  Mahal na mahal ko siya di ko kakayanin pag nawala siya sa buhay ko. " humahagulgol na banggit ko dito. 

"shhh tahan na Lexis." niyakap ako nito na ngayon ay umiiyak nadin. 

Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang nag ring ang cellphone ko agad kong sinagot ang tawag  ng makitang si Prince ito. 

"Hello Lab?" banggit nito sa telepono.  Gusto kong magalit na pano nitong nagagawang umarte na parang walang nangyayaring hindi tama pero natatakot akong magalit kasi takot akong iwanan niya ko.  Napaka desperado kong tao na kahit ginagago at sinasaktan ako nito willing padin akong patawarin siya. 

Sasagot na sana ako ng may marinig akong boses sa kabilang linya.  "Prince tapos na ko mag shower. Ikaw naman alam kong napagod ka." natutuwang kinikilig na banggit nito kay Prince. 

Sumunod ko nalang naramdam nandilim nayung paningin ko.  💔

-------------------------------------------------------------------

"Maraming salamat iho at sayo narin Sir.  Prince napasaya niyo ang mga bata. Sana wag kayong mag sawang tumulong dito sa ampunan. " masayang banggit ni Sister saamin.

Nagpasalamat at nagpa alam lang kami ni Prince sa mga bata bago lumabas sa ampunan. 

"ahhmm ano Lex baka ahmm ano kasi. Okay lang bang ihatid na kita?" nahihiyang banggit nito saakin may pa kamot kamot pang nalalaman sa batok niya. Kung sa ibang pagkakataon kikiligin ako sa inaakto niya pero hindi ko dapat bigyan ng kahit maliit na pagkakataon ang lalaking to na pumasok muli sa buhay ko. 

"no need, marami pang taxi ang nadaan dito. Hindi mo kailangan abalahin yung sarili mo para lang saakin. " seryosong banggit ko dito. 

"Hindi ka abala sakin." seryoso ding sagot nito sakin. 

"Prince ano ba to? " sagot ko dito.

"delikado na sa ganitong oras Lex.  Pano kung mapano ka? Pa-pano kung mawala ka ulit sakin." mahinang banggit nito na halos hindi kuna narinig yung huling binanggit nito. 

"hindi na ko bata Prince. Kaya ko na ang sarili ko."  iritableng banggit ko dito.  Ano bang problema ng lalaking to.  Hindi na ko yung dating lampang Lexis na madaling lokohin at saktan! Kayang kaya ko nang ipag laban yung sarili.

"Pano yung kanina?" tanong nito sakin.

"anong kanina?" nagtatakang tanong ko dito.

"Nung hinalikan kita kanina tumugon ka. Ibig sabihin ba may parte padin ako diyan sa pus--"

Hindi ko na siya pinatapos magasalita.  San kaya kumukuha ng kakapalan ng muka ang lalaking to.  Mali yung ginawa ko kanina.  Oo bumigay ako pero nagi-guilty padin ako dahil may karelasyon na siya ngayon at ang dating sakin ako pa ngayon ang dahilan para lokohin niya yung bago niya. 

"Tsk.  Yun ba?  Big deal naba sayo yun?  Kung iniisip mong may epekto sakin yung halik mo sad to say wala na o baka naman guilty ka na yung mga pinag gagawa mo dati ay umuulit ulit ngayon? Para sabihin ko sayo wala kanang epekto sakin kaya please lang Prince tigilan muna ko. " sagot ko dito. 

Sakto namang may padaan na taxi agad kong pinara ito pasakay na ko ng bigla akong pigilan ni Prince. "Tama na Prince.  Pagod na ko pwede ba!" asar na banggit ko dito.

"mag iingat ka pauwi." sagot lang nito sakin.  Naka ngiti ito saakin pero kita sa mga mata niya yung lungkot.  Alam kong apektado ako pero hinding hindi ko ibaba ang depensa ko sa pagkakataon na to. 

------------------------------------------------------

"Kiss? As in nag dikit yung labi niyo laplapan ganun? Nguso sa nguso dila sa dila? Anong kapokpokan to Lexis?" exaggerated na sagot ni Mitch sa kabilang linya. Nandito ako sa office ngayon kasalukuyang breaktime ko kaya kausap ko ang O.A kong kaibigan. 

"wala lang yun Mitch at wala sa kwento ko yung nagdikit yung dila namin ang layo mo na masyado. " sagot ko dito. 

"Hoyyyyy bekla alam ko kung pano umusok yang tumbong mo.  Punyeta ka buti hindi kayo nag espadahan dun jusko patawarin ka ng maawing betlahala." seryosong sagot nito sakin. 

"kadiri ka mag isip Mitch ganyan ba epekto pag ihi lang pahinga niyo ni Rocky hahahahah." sagot ko dito.

"Gaga walang pahinga pahinga saamin no.. Mamatay ka sa inggit hanggang magsara yang kweba mo Hahaha puro ka kalandian ginamit niyo pa ang ampunan para maglandian iba kayo VIP yern?." pang aasar nito sakin. " Pero Lexis seryoso okay kalang ba? " tanong nito saakin.

"alam ko naman na dadating din talaga yung panahon na magtatagpo kami.  Hindi ko lang inaasahan na ganito kaaga.  Wala din naman akong planong guluhin siya at ang relasyon na meron siya ngayon.  Walang dahilan para hindi ako maging okay Mitch.  Maaring hindi pa ngayon malay mamaya o kaya bukas o sa susunod na araw,  na buwan o mga taon basta aantayin ko yung panahong makakalaya din ako sa lahat ng sakit na naranasan ko. " seryosong banggit ko dito. 

Kasalukuyan na kong nagsusulat ng kwento ng may kumatok sa pinto ng opisina ko.  "Sir. Lex may naghahanap po sa inyo sa labas."

"diba kabilin-bilinan ko sa inyo na pag nag susulat ako wala munang istorbo.  Sino ba yan? " seryosong banggit ko dito.

"Pasensya na po sir Lex.  Kaso lasing po ata yung lalaki sabi niya pag hindi niyo daw siya kinausap gagawa daw siya ng eksena sa labas.  Tapos Prince daw po ang pangalan niya. " kinakabahang sagot nito sakin

Si Prince haisstt anong ginagawa ng mokong nayun dito.

End of Chapter - 6
Vote and Comment

Veron So.  ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon