CHAPTER - 5

680 60 41
                                    

• LEXIS •

Ngayong gabi ay gusto kong kausapin si Prince, gusto kong malinawan, gusto kong maintindihan yung sitwasyon namin ngayon. Ayoko ko siyang sukuan, kahit masakit at nakakapagod na.  Baka kasi may pinag dadaanan lang siya ito narin siguro yung tamang panahon para ayusin ang hindi namin pagkaka intindihan para maka balik pa kami sa dati bago pa matuluyan mawasak ang pagsasama namin.

Pauwi na ko sa bahay nag grocery ako para ipaghanda siya ng paborito niyang pagkain. Alam ko nasa bahay na to ng ganitong oras at malamang sa malamang nag papahinga to sa kwarto namin.  Sobrang excited ako na bumawi at pag silbihan siya .

Malapit na ko sa tapat ng gate ng bahay namin ng mapansin kong may lalaking nakatayo sa tapat nito. Pagbaba ko ng taxi laking gulat ko ng makita ko si Lester na bitbit yung malaking travelling bag ni Prince.

"Teka lang bakit bitbit mo yung gamit ng asawa ko?" nagtatakang tanong ko dito .

"may biglaang business trip kasi si Prince sa Batangas. Nag volunteer na ko na ang mag aasikaso ng gamit niya at mukang busy ka naman kaya pumayag naman siya.  Actually ako nga ang magdadala nito sa kanya,  susunod ako sa kanya doon. Baka kasi hindi kadin niya minessage o tinawagan 2 days lang yung business meeting niya pero mag extend kami ng isa pang araw. Oh by the way mauna na ko baka mainip nayun kaka antay. " agad naman tong sumakay sa sasakyan niya at umalis na.

Naiwan akong tulalang nakatayo sa tapat ng gate habang naka tingin sa sasakyang palayo saakin. Nanlambot yung tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Nabingi ako at tanging malakas na kabog ng dibdib ko yung naririnig ko.

Naka hawak ako ngayon sa dibdib ko kasabay ang pag hikbi. Yung luhang may kasamang galit at sakit pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang sakit.

"Pagod na ko" 💔

--------------------------------------------------------------

Nadala ako sa maling sitwasyon at bumigay ako sa maling pagkakataon. Tinulak ko si Prince at agad akong lumabas sa malaking cabinet. "Mali to, mali ako sorry." natatarang banggit ko dito. Hindi ko magawang titigan si Prince.  Ang bobo ko. Patakbo na ko palabas sa kwarto nayun ng pigilan ako ni Prince. 

Nagkatitigan kami, at hindi ko gusto yung paraan niya ng pag tingin sakin. Masyadong makahulugan at nangungusap ang mga tingin nito . Hindi ko maintindihan kung para saan basta ang tumatakbo sa utak ko mali tong ginagawa namin pero tang inang puso to masyadong mahina. 

"Saglit lang Lex, ginusto k--" banggit niya sakin na agad ko namang pinigilan.

"Hindi Prince, mali to! Mali yung ginawa natin at hindi   natin dapat gustuhin na gumawa ulit ng isa pang pagkakamali." may diing banggit ko dito.  Tama nayung dati, tama nayung ako nalang at hindi na maulit pa sa ibang tao. Kasi hindi lahat ng tao kakayanin yung sakit na pinagdaan ko ng dahil lang sa pagmamahal. 

Nagulat naman kami ng bumukas ang pinto ng kwarto
"Boom kuya Lexis,  Boom Sir Prince." taya na po kayo pareho. Masayang banggit ni Noah.  Hinila ko naman ang braso ko na hawak nito.  Bago lumapit sa mga bata at inaya ang mga to pabalik sa labasan.

-------------------------------------

Nandito kami ngayon sa mini library ng ampunan.  Uuwi na sana ako kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan. Gusto sana akong isabay ihatid ni Prince, kaso tumanggi ako malamang sa malamang uusok nanaman ang pwet ni Lester pag nalaman niyang magkasama kami ni Prince.  Ayoko ng gulo at gusto ko lang ng payapang buhay.  Kaso ang loko lokong Prince, hindi nalang din daw siya muna uuwi kasi daw delikado daw mag drive kung malakas pa ang ulan.

CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon