Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 2

72.3K 2.3K 1.7K
                                    

Chapter 2

"Bakit ang saya mo ngayon? Kahapon lang para kang namatayan diyan na hindi maipaliwanag ang mukha. Hindi na talaga kita maintindihan, girl."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Maging ako'y hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Bakit sobrang saya ko nang malaman na wala pang girlfriend si Kuya?

At pumayag din siya na huwag mag-Girlfriend. Hindi ko akalain na masunurin pala siya. Inaasahan ko pa naman na susungitan niya ako kasi sino ba naman ako para pagbawalan siya?

Kapatid lang naman ako, ah. Buhay niya naman iyon pero hindi ko talaga akalain na papayag siya sa favor ko

Ayaw ko pa talaga siyang mag-Girlfriend. Hindi na nga namin ito madalas na nakakasama tapos magkakaroon pa siya ng jowa, edi mas lalo siyang nawalan ng oras sa amin.

"Mali ka ng chika, hindi naman sila ng Kuya ko. Sa susunod, galingan mong sumagap ng information, ha? Iyong totoo na... please lang.

I rolled my eyes. Napakamot naman siya sa batok. "Malay ko ba, sa tuwing tinatanong ko naman ang kapatid ko kung anong meron sa kanila ng Kuya mo. Nginingitian niya lang ako, parang timang. Inisip ko tuloy na sila ngang dalawa. Bagay naman sila ni Ate Mich."

"Hindi sila bagay!"

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Wow, kontra agad? Ganiyan ka ba ka-clingy sa Kuya mo?"

"Paanong clingy? Hindi nga ako makalapit sa kaniya. Kahit nga paghatid sa 'kin dito sa school ay hindi niya magawa. Tinatakasan ako. Bwisit," I hissed.

Nagpapadyak pa ako sa inis. Paano ba naman kasi, tinakasan na naman ako ng lalaking iyon kaninang umaga. Ayaw talaga akong makasama.

Isusumbong ko na talaga siya kay Dad.

"Ewan ko sa 'yo, Kayren. Kung hindi ko lang alam na magkapatid kayong dalawa, iisipin ko na talaga na gusto mo ang Kuya mo."

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya. Wala siyang ideya na hindi talaga kami magkadugo ni Kuya Zairus. Wala rin naman akong balak na sabihin sa kaniya ang bagay na iyon.

"Yuck. Bakit naman ako magkakagusto sa kapatid ko? Hindi ako siraulo."

She chuckled. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa. Dumako ang tingin ko sa pwesto ni Frinz. Hindi pa rin ito dumarating hanggang ngayon.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Iniisip ko kung magpapasalamat ba ako sa ginawa niya. Hindi ko naman siya inutusang gawin iyon, ah. Siya mismo ang nagkusa.

I sighed. "Bahala na."

Nagsimula na ang klase. Hindi pa rin dumarating si Frinz. Narito na ang kaibigan niya pero wala pa rin ito.

Bakit ko ba hinahanap iyon? Pakialam ko naman sa kaniya. Hindi porket ginawa niya iyon, magbabago na ang paningin ko sa kaniya.

Isa pa rin siyang bully.

"I hate P.E." I sighed heavily.

Narito kami ngayon sa locker room para magpalit ng pam-P.E. Mukhang maglalaro na naman kami sa gitna ng araw. Iyon pa naman ang ayaw ko kasi mabilis na manakit ang balat ko.

Hindi naman sa maarte ako, masyado lang talagang sensitive ang balat ko. Mabilis pang mamula kahit na ilang saglit lang akong mabilad sa araw.

"Edi huwag kang um-attend para wala ka rin na grade." Malakas niyang sinarado ang locker.

"Joke lang." Agad ko siyang hinabol.

Nagtungo kami sa restroom para magpalit ng P.E. Mabuti na lang wala gaanong tao kaya napabilis kami. Hinahabol pa naman namin ang oras.

Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon