Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 3

60.3K 2.1K 2.2K
                                    

Chapter 3

Nakamasid lang ako sa bawat daraanan namin. Kung minsan ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Hindi man lang niya ako mabigyan ng pansin.

I sighed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Inabot pa kami ng traffic. Nabibingi na ako sa katahimikan. Wala kahit isa sa amin ang may gustong umimik.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sinundo niya ako. Hindi ba't ang sabi niya'y mayroon pa siyang exam? Ibig sabihin, iniwan niya iyon para lang sa 'kin?

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko kasi hindi ko mapigilan na mapangiti. Bakit ang saya ko? 'Di ba dapat hindi? Kasi nang dahil sa 'kin ay hindi siya nakakuha ng exam.

Paano kung mahulog siya? Bakit kasi hindi ako nag-iisip? Saka bakit niya pa ako pinuntahan? Puwede namang hindi na, ah. Pero sinundo niya pa rin ako.

"Zai-Kuya..." I bit my lower lip.

Bakit kasi hindi ko napipigilan ang sarili kong banggitin ang pangalan niya? Paano kung maisip niya pa na hindi ko siya tanggap bilang kapatid?

"Hmm..."

Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin. Diretso lang ang tingin niya sa unahan habang hinihintay na umandar ang sasakyang nasa harapan namin.

Dumako ang tingin ko sa kaniyang kamay. Bakit ang gaganda ng mga daliri niya? Parang... parang ang sarap hawakan ng kamay niya.

Mabilis naman akong umiling at iniwas ang tingin sa kaniya. Mabuti na lang hindi niya ako nahuling nakatingin doon.

"A-ayoko pang umuwi..."

Nilingon niya ako, pinigilan ko naman ang sarili kong tingnan siya. "What? Siguradong hinahanap ka na nila."

Umiling ako. "Please, ayoko pang umuwi..."

I looked at him. Nagtama ang tingin naming dalawa. Napansin kong tumaas baba ang adams apple niya kaya hindi ko mapigilan na mapalunok.

School uniform pa rin ang suot niya. Bukas pa ang tatlong butones. Magulo rin ang kaniyang buhok.

Bakit? Bakit ang guwapo niya? Naiinis ako kasi maraming nagkakagusto sa kaniya.

Mabilis akong umiling. Ano bang pakialam ko sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya? Mukhang wala rin naman siyang balak na pumatol sa mga ito.

Pumayag din siya na huwag mag-girlfriend kaya bakit ako nangangamba? Ano ba ang ikinatatakot ko?

Hindi ko na talaga maintindihan pa ang sarili ko lalo na sa tuwing nakikita ko siya.

"Please... punta tayo sa mall?" I pouted.

Pinaglapat ko pa ang dalawang palad ko. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Anong gagawin mo roon?"

Agad akong napaisip sa sinabi niya. Ano nga ba ang gagawin namin sa mall? Dumako ang tingin ko sa sapatos na suot ko.

Bigla kong naalala ang waltz dance namin sa P.E. Mukhang kailangan kong bumili ng heels na magagamit kong pang-practice.

"Kailangan kong bumili ng heels. May waltz dance kami sa P.E."

Napansin kong natigilan siya. Kumunot naman ang noo ko. Muli niyang pinaandar ang sasakyan kasi umusad na ang kotseng nasa harapan namin.

"By pair?"

I nodded. "Yes..."

Bigla siyang napahinto sa pagmamaneho kaya napahawak ako sa dibdib. Tiningnan ko naman ang unahan kung may nabangga kami pero wala naman.

Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon