Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 6

64.7K 2.1K 2.1K
                                    

Chapter 6

"Oh, God, Marcus! Tigilan mo 'ko! Baka makita tayo ng mga anak mo!"

Pababa pa lang ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Mom. Namilog pa ang mga mata ko kasi mukhang narito na si Dad. Wala akong ideya na umuwi na pala ito.

"Kiss lang naman ang hinihingi ko, ah. Bakit hindi mo pa 'ko mapagbigyan? Hindi mo na ba ako mahal, honey?" Dad pouted.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa. Nakapatong pa ang isa kong siko sa railings ng hagdan habang nakahalumbaba. Hindi pa rin nila napapansin ang presensiya ko.

Busy sa pagluluto si Mom habang nakayakap sa likuran nito si Dad. Ang sarap nilang pagmasdang dalawa.

"Anong kiss, ha? Hindi mo na nga ako tinigilan kagabi! Hindi ka ba nagsasawa—" Dad cut her off.

"Honey, kahit kailan ay hindi ako nagsawa sa 'yo. Kung malalim na ang pagmamahal ko sa 'yo noon, ano pa kaya ngayon na asawa na kita? Mahal na mahal kita..." He kissed her cheek.

Sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi ni Mom at hinarap si Dad. Para silang teenager na dalawa kung maglambingan.

Sabagay, senior high pa noong nagkakilala sila. Sinubok lang sila ng tadhana pero sa simbahan pa rin talaga ang diretso nilang dalawa.

"Sana all," I sighed.

"Yes, sana all."

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya habang nakamasid din sa dalawa na busy pa rin sa paglalambingan.

Aalis na sana ako nang bigla niyang iharang ang isang braso niya sa daraanan ko. Nakahawak pa ang kamay niya sa railings. Mariin naman akong pumikit.

Hindi na maipaliwanag pa ang bilis ng kabog ng puso ko kasi sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Naamoy ko rin ang pabango niyang humahalimuyak sa ilong ko.

"B-bakit?"

Iminulat ko na ang mga mata ko at pinilit na labanan ang titig niya. Nakatingala pa ako sa sobrang tangkad niya. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib na lumalantad sa harapan ko kasi hindi niya nagawang ikabit ang butones ng kaniyang uniform.

Gusto niya bang ako ang magkabit niyon?

"Galit ka pa rin ba sa 'kin?"

Nag-iwas ako ng tingin. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na mapangiti. Kinikilig ako.

"Paano kung oo? Na galit pa rin ako—" he cut me off.

"Sorry na..."

Yumuko pa siya. Pinigilan ko namang mapatili kasi kinikilig na talaga ako. Hindi ko akalain na ganito siyang manuyo.

Sinabi niya sa 'kin na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ate Mich. Nilalagnat lang ito kahapon at humingi sa kaniya ng favor ang Prof nila na ihatid ito pauwi. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

Tinulungan niya rin ito na gawin ang activities nila. Magkaklase kasi sila sa isang subject.

Hindi ko tuloy mapigilan na magselos kasi siguradong malapit talaga ang loob niya kay Ate Mich. Hindi lang isang beses niyang itong naihatid sa bahay nito.

Malamang na iisipin talaga ni Mari na may relasyon iyong dalawa. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi niya nagawang sabihin sa 'kin na magkasama ang kapatid niya at si Zairus?

Dahil ba natatakot siya na masaktan ako? Ganoon ba? Nagtatampo tuloy ako sa kaniya kasi nagawa niyang maglihim sa 'kin.

"S-saan mo 'ko dadalhin?"

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay isay, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni isay
@MsKindGirl
Do happy endings really exist? Because of her parents, Kayren Melody...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 38 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @MsKindGirl.
Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon