Simula

5.9K 116 60
                                    

Dennis

"William's girlfriend is pregnant! We're having the wedding earlier and kailangan nasa kasal kayong lahat ng Unico Hijo namin, ha!"

Tamad kong itinaas 'yung baso ko at ininom ang laman nito kahit hindi pa sila tapos sa paglilitanya. Kung bakit ba kasi mag-co-congrats lang kailangan pa kapag nakataas na 'yung baso? Pwede namang kapag nakababa na 'di ba? Para 'di nakakangawit!

Tinignan ako ng masama ni mama pagkakitang nauna na 'ko uminom kahit 'di pa sila tapos mag-toast. Susmaryosep! Naibalik ko sa baso 'yung wine na lulunukin ko na sana.

Napaubo ako at napatingin ang lahat sa direksyon ko. Nag-smile naman ako para hindi nila sabihing suplado ako. Kaso mukhang hindi natuwa itong mga kamag-anak kong naiiling na nagbawi ng tingin.

Sus, kala mo namang mga magaganda!

"Can you fix yourself?" ngitngit ni mama habang pinupunasan ko ang damit kong natalsikan ng around 500 droplets of wine.

"I'm fixing myself already, can't you see?"

Pinakita ko sa kanya 'yung table napkin na kulay pula na dahil sa mantsa sa damit ko. Parang biglang nakita kong nilabasan ng usok 'yung mga butas ng ilong niya. Inay ko po.

Dahan-dahan akong tumayo para iligtas ang sarili ko. Lumipat agad ako sa kabilang table para kung sakali man na maisipan niyang batukan ako, hindi n'ya 'ko maaabot.

Nginitian ko siya nang makita kong lalong tumindi ang usok na naaaninag ko sa mga butas ng ilong niya. Buti na lang hindi niya naging kamukha itong mga half-siblings niyang mapapanget.

Alam marahil ng panginoon na ako ang magiging anak ng babaeng 'to kaya siya pinaganda ng husto. Sabagay, nakapagtataka nga naman kung panget ang mama ko tapos lumabas akong sobrang pogi. Matalino talaga si Lord.

Natatawa kong nilabas ang cellphone ko para mag-text. Dapat kasi talaga sinabi ko na lang na nasagasaan ako kanina para hindi na 'ko umattend pa sa gathering na 'to!

To: The Love of My Life

[I think I'm gonna die of missing you. :'(]

Kinilig muna 'ko sa text bago ko sinend sa pinakamaganda kong Irog. Sabi kasi nila kapag ramdam mo raw 'yung sinusulat mo para sa isang tao, doble ang epekto n'on kapag natanggap.

Hala! 'Di kaya ma-double dead sa kilig 'yung love ko?! Shit.

Excited na umikot 'yung pwet ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

From: The Love of My love

[Run free. Rest in paradise, okay?]

Feeling ko na-heartbroken ako ng mga 3 seconds bago ako naka-move on sa reply niya.

Ano ako? Aso? Nakanguso kong ginulo ang buhok ko. Kung bakit ko ba kasi nadala 'yung puso ng girlfriend ko, ayan tuloy, ang lupit niyang magsalita!

Sumubsob ang mukha ko sa lamesa pagkabasa sa sumunod niyang text. 

From: The Love of My Life

[Kumain ka na ba?]

Putek! May mali na yata sa bibig ko. Ngumingiti mag-isa! Kasi naman 'tong love ko hindi pa nga ako nag-re-reply may pahabol na agad!

Gano'n ako ka-miss?! Pucha! Ang hirap kiligin. Alam ko na ngayon ang paghihirap ng mga fans ko noon sa tuwing dadaan ako sa harapan nila.

Tutusok muna sana ako ng prutas sa lamesa para bawasan ang kilig ko kaso napatigil ako sa pag-akbay ni Tita Lei sa gilid ko. Medyo gulat pa 'kong napatingin sa kanya kase kanina lang nando'n siya sa harap at nagsasalita.

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon