Chapter 13

309 20 1
                                    

[Roxanne]

Gusto niya akong magpalipas ng gabi sa condo niya dahil sa sirang electric fan ko. It wasn't an invitation. It's like an order I have to obey.

Nag-drive siya papunta sa condo niya na matagal niya na raw hindi nauuwian. Sa bahay ng lolo niya kasi siya nakatira at sa dami niyang tirahan, kung minsan ay pati ako naguguluhan na kung saan nga ba talaga siya umuuwi.

Pagka-park niya ng sasakyan sa parking ng isang mataas na tower, pumasok na kami. Sobrang daming elevator, hindi ko alam kung alin sa mga ito ang nararapat naming sakyan. Malamang ay kanina pa ako nakanganga, the whole time na nililibot ko ng tingin ang mamahaling paligid ng lobby.

First time ko lang na makapunta rito.

Bumukas ang elevator sa tapat namin at iginiya niya 'ko roon papasok. Bukod sa wala kaming kasabay, napansin ko agad ang napakaraming numero ng mga floor. Sa sobrang taas naman kasi nitong tower sa labas, hindi na 'ko nagtataka na may 60 floors ito.

Then he tapped the card he was holding on the 60th button. Nanlaki ang mga mata kong napatingala sa kanya.

"Sorry, sa dulo pa tayo, Love." He smiled widely as he stepped sidewards to get closer to me.

"Ang... taas."

Napahawak siya sa kanyang batok. "Gusto ko kasing nagsa-sightseeing sa matataas na lugar. May magandang view; tapos kita mo ang lahat ng nasa baba."

"Hindi ka natatakot? I mean, wala ka namang kasama. Tapos ang taas taas mo."

Tumawa siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Matapang ito!" Mayabang na kinabog niya ang dibdib niya kaya napailing ako. Madalas naman din daw na pumupunta rito ang BG kapag nandito siya.

Nang sa wakas ay bumukas na ang elevator na tingin ko ay inabot ng siyam-siyam, inakbayan ako ni Dennis at sabay kaming lumabas.

Kung kanina ay bibig ko lang ang nakaawang, ngayong narito na kami sa floor, pati mga mata ko'y nanlalaki na. Kung may iba lang sigurong nakakakita sa akin ngayon, hindi na ako magtataka kung sasahuran nito ng timba ang ilalim ng bibig ko. Obviously, I'm drooling over everything my eyes see right now.

Pag-aari lang naman niya ang buong floor at wala siyang kapitbahay!

"Tuloy ka, Love. Welcome to my home."

Kumurap-kurap ako pagkasabi niya noon. Doon pa lang yata ako natauhan sa pagsasalita niya.

"Wow," tanging nasambit ko.

"Sorry, Love, medyo magulo. Tagal ko na kasing 'di umuuwi rito."

"Nasaan ang gulo?" literal kong tanong sa kanya. "Mukhang ako yata ang unang magiging kalat dito sa condo mo."

"Grabe ka naman, Love! Di 'yan. Napakaganda mo namang kalat?"

Hindi ko mapigilan ang lubos na paghanga ko nang makarating na kami sa living area niya. Sobrang lawak! Natantsa ko agad na kahit limang sukat ng apartment ko ay kakasya rito!

Hindi ito simpleng condo unit. It's a penthouse actually. Parang tinatawag lang niyang condo ito para patunuging normal na unit, pero hindi ito normal. Alam kong mayaman siya pero hindi ko alam na... ganito pala kayaman.

"Love, dito ang kwarto mo." Iginiya niya ako sa room na katapat ng kanya. "Nandito lang ako sa kabila, pero kung gusto mong dito mag-stay sa aki--"

"Ang lawak nito, Dennis!"

"Ayaw mo roon na lang sa kwarto--"

"Mag-aayos na ako ng gamit!" Excited na inilapag ko sa gilid ng napakalaking kama ang dala kong bag. Pantulog na damit at ang isusuot ko lang bukas ang dala ko. Tapos 'yung isang libro ko para makapag-advance reading ako ng lessons. Siguradong marami-rami na naman ang kailangan aralin pagkatapos ng intrams.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon