Kabanata 3

638 31 1
                                    

[Dennis]

"Tay, alis muna po ako," paalam ko pagkalapag ko sa sako ng mga nakahoy namin. Kadarating lang namin sa bahay pero maaga pa naman para sa tanghalian.

"Saan ka pupunta? Baka maligaw ka."

"Sa bayan po may kailangan lang akong bilhin. Saglit lang po ako pakisabi kay Roxanne baka ma-miss ako agad."

Inismiran ako nito bago ako pumara ng tricycle. Sakto ay kakilala pala ni Tatay Tisoy 'yung driver at binilinan niya pa ito na ingatan ako--joke! Pero kinilig ako ng slight kase binilinan niya nga talaga 'yung driver na ihatid ako sa pupuntahan ko at hintayin na rin ako dahil baka raw mawalan siya ng manugang. Pfft. Pero s'yempre imagination ko lang ulit 'yung last part.

"Manong? May bilihan po ba rito ng bulaklak?" tanong ko sa driver pagkaalis namin.

"Meron sa bayan."

"Ah sige po doon niyo po ako ihatid."

Pagdating namin sa bayan ay nag-iisa lang pala ang flower shop nila rito kaya wala akong choice kundi pagtiyagaan kung anong bulaklak meron sila. Luckily, may roses naman. Kumuha ako ng dalawang bouquet para kay Roxanne at sa Nanay niya. Tangina muntik ko nang makalimutan na kailangan nga pala ng bulaklak kapag nanliligaw! Nasanay kasi ako na ako 'yung inaalayan ng flowers and chocolates since birth.

After namin sa flower shop, nagpahatid ako sa bilihan ng sasakyan. Kaso mga tricycle at single na motor lang pala ang binebenta nila rito kaya wala akong choice. Bumili na rin ako ng isa pansamantala. Paglabas ko ng shop gulat na gulat 'yung sinakyan kong tricycle dahil pareho na kaming may tricycle. Pagkabayad ko sa kanya ay nilipat ko na sa tricycle ko 'yung mga pinamili ko. Nag-grocery na rin ako bago umuwi.

"Nandito na po ako!" sigaw ko pagkaparada ko sa gilid ng bahay nila. Sinalubong ako ni Tatay at namilog agad ang mga mata nito pagkakita sa dala ko.

"A-Ano 'yan?"

"Konting grocery lang po," sabi ko at tiningala 'yong mga kahon na nasa loob hanggang tuktok at likod ng tricycle.

Habang nakanganga si Tatay Tisoy ay ibinaba ko na 'yung mga kahon at saka ko kinuha 'yung dalawang bulaklak. Sakto ay lumabas sina Roxanne at Nanay.

"Bakit ang tagal niyo, Tisoy? Nasa'an na ba si...Dennis...." 

Napatigil si Nanay pagkakita sa mga nagkalat na kahon sa lapag. Gano'n din si Roxanne na inisa-isa pa ng tingin ang mga ito.

"Ano 'yang mga 'yan?"

"Namili lang ako ng konti sa bayan."

"Konti? Paanong naging konti 'yan eh para ka ng magtatayo ng sari-sari store."

"Bakit ba 'yung mga kahon ang pinapansin mo?" nagtatampo kong tanong at saka pa lang siya napatingin sa mga hawak ko.

"A-Ano naman 'yan?"

Tumikhim ako ng konti saka inayos ang tayo ko. Magalang kong inihandog ang mga hawak ko sa kanilang dalawa.

"Bulaklak para sa pinakamagagandang babae sa buhay ko," sabi ko sabay iniabot sa kanilang dalawa ang mga rosas kong dala. 

Nakita ko ang parehong pamumula ng mga pisngi nila at do'n pa lang sa reakysyon nila ay para na 'kong naka-jackpot. Pagtingin ko naman kay Tatay ay 'yong susi ng tricycle ang ibinigay ko. 

"Heto naman po ang para sa inyo."

Nanlaki lalo ang mga mata nitong tinitigan ang susing inilagay ko sa palad nito.

"T-Tricyle?? Para sa akin?!" hindi makapaniwalang sigaw nito.

Tumango ako. "Opo, Tay. Pasensya na at 'yan lang kasi ang nakita ko sa bayan. Wala po palang nagbebenta ng mga sasakyan dito?"

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon