Chapter 53

135 11 5
                                    

Date

Ate Annika brought me to the rooftop where most artists hide to smoke. Sakto kami lang ang andito. My sister pulled a pack of cigarettes in her purse, lit it and started smoking.

Nakailang buga na ito bago ako nilingon.

"Anong ginagawa mo rito? How did you know I was there?"

"Are you really going to sign a contract with them? I heard nasty rumors about them—"

"And so? If I sign a contract with them I believe it's none of your business. You're married with Brandon but you're back with Thiago. Hindi ba dapat sarili mo ang inaatupag mo ngayon? Mas masahol ka pa sa akin."

"Ate Annika..."

"Pinagtanggol lang kita kanina dahil ayaw ko ng gulo at ayaw kong mapurnada ang trabaho ko. May dalawa kang lalake sa tabi mo at wala kang iniintindi kung may career kang babalikan. Mula bata pa tayo kahit kailan wala ka nang prinoblema. Samantalang ako, palaging may dapat patunayan kung hindi sa mga magulang natin pati sa buong mundo. Kaya pwede ba? Hayaan mo na lang ako at intindihin mo na lang ang sarili mo." tinapon niya ang huling sigarilyo at tinapakan bago ako iniwang mag-isa sa rooftop.

Nilingon ko na lamang si Ate Annika at walang nagawa para pigilan siya.

"Your coffee's getting cold."

Thiago picked me up that afternoon and we decided to have a coffee break in a nearby restaurant. He reached for my pasta and mixed it before putting it back in front of me.

"You're worried about your sister but you have to eat. Nagsusumbong sa akin si Suzy na madalas wala ka raw gana." sunod-sunod na pangaral sa akin nito kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ikaw ba hindi ka nag-aalala kay Ate Annika?" pinaikot ko ang tinidor sa pasta.

"Nag-aalala ako sa ka niya bilang kaibigan. Plus, she's your sister and you worry to death when it comes to her, so..." he defensively shrugged.

"I am not jealous, Thiago." I giggled.

"As if you weren't before." Nilapit nito ang mukha sa akin. "Your eyes were like sharp knives, my love."

I rolled my eyes and took a bite at my food.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang makarinig ng kumosyon sa loob ng café. Napasinghap ang iba habang ang iba naman ay napasigaw dahil sa gulat. Halos lahat ay napansin kong nakatingin na sa aming gawi. Si Thiago naman ay madali akong dinaluhan at hinila patayo sa aking upuan.

"Aina!" natataranta niyang dalo sa akin.

"Sorry po! Sorry po, Maam!" napalingon ako sa waiter tapos ay kay Thiago na pinupunasan ang aking damit.

Natapunan pala ako ng kape? Sa sobrang okupado ko ay hindi ko man lang ito naramdaman.

"Are you okay?" Thiago cupped my face and I nodded, blinking my eyes because of confusion.

Akmang kukwelyuhan ni Thiago ang waiter nang mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"Thiago, don't. I wasn't hurt."

"You nearly got burnt!" bahagya pang nagtaaas ang boses niya pero nginitian ko lamang siya.

Thiago sighed before glancing at the waiter who is scared hugging the tray to his chest.

"Mag-ingat ka sa susunod." mas kalmado namang babala niya sa waiter.

"Hindi ko po talaga sinasadya! Pasensiya na po kayo." Halos maiyak na ang waiter kakahingi ng pasensya.

Turning TablesWhere stories live. Discover now