Chapter 58

117 6 0
                                    

Blast from the past

(******************)

Paboritong puntahan ng barkada ni Annika ang kanilang mansyon dahil nasa likuran lang nito ang dagat. Para tuloy silang nagkaroon ng instant beach house dahil dito. Kaya naman kapag walang klase o kaya ay maaga ang uwian nila ay dito agad sila nagpupunta.

Nakaupo sila sa loob isang cottage na yari sa kubo habang pinagmamasdan ang halos papalubog na araw at ang maingay na alon ng dagat. Thiago from afar saw a girl who's smiling towards the sunset. Her dress is dancing along with her long black hair.

Akbay niya ang kasintahang si Millie habang umiinom sakaniyang beer ay hindi niya maiwasang mapatingin sa babaeng 'yon.

Napalingon siya sa kapatid na si Theo at napansing nakangiti ito. Sinundan niya ito ng tingin at nakumpirmang iisang babae nga lang ang tinigtignan nilang dalawa. Napailing siya dahil nakakita na naman ng bagong target ang kapatid. Kilala niya ito dahil kilalang chick boy silang dalawa pero siya lang ang may matagal na naging kasintahan.

Napalingon silang lahat kay Aina nang nagsisigaw ito matapos dambahin ni Frankie-- ang alaga nilang golden retriever. Akmang tatayo si Thiago nang maunang tumakbo si Theo palapit kay Aina.

Nilingon naman siya ni Millie.

"You, okay?" hinalikan niya na lamang sa sentido ang kasintahan at hindi na sumagot.

The group was very fond of Aina. She's cute, sweet, and jolly.

But Thiago is a one-man woman. Kaya wala siyang pakialam sa kahit sinong babae kung hindi si Millie lang.

Naramdaman niya ang pagsiko ni Millie sakanya.

Gusto niyang magpakilala din siya kay Aina at alam niyang ayaw niya.

"Thiago." sambit nito na parang walang gana.

Malapad na ngumiti si Millicent at isinakbit ang mga kamay sa braso ng lalake.

Thiago saw how his brother's eyes sparkles while looking at Aina.

Natatawa siya dahil parang tinamaan na ang kapatid.

Sa batang 'to? Imposible. Iba ang tipo ni Theo.

(******************)

"Ganun lang si Ma, hayaan mo na." ani Thiago habang nag-uusap sila sa labas ng bahay nila Millie.

"Hindi man lang niya ako sinayaran ng tingin. Ano sa tingin mong iisipin ko? Hindi ako tanga, Thiago. Alam kong ayaw sa akin ng nanay mo dahil mahirap lang ako." Bahagyang nagtaas ang boses ni Millie.

"That's not true, Mil. Let's just talk tomorrow so you could rest." Umiling lamang si Millie at iniwan roon si Thiago.

Thiago tried introducing her to Donya Emiliana but it did not turned out well. He knows that his mom wants him with someone who's in their level, but he still took the risk. Millie did not like how she was treated and that ended them arguing.

(******************)

"Andra, I have to go inaantay ako ni Aina." Theo said wearing his prince costume.

"I know! Pero may ipapakilala daw sa atin si Mommy and Daddy na relatives from states. Anong gusto mong gawin ko?" nagtatalo si Andra at Theo.

Anong oras na at nasa mansyon padin siya. Nakarating na si Annika at Brandon pero wala pa din si Aina na kailangan niyang sunduin. Papalit-palit ang tingin niya sa wristwatch at sa mga tao sa mansyon nang madaanan ng paningin niya si Thiago.

"Go!" tawag niya sa kapatid. Agad naman itong lumapit.

"What?"

"I have a favor to ask. Can you fetch Aina? For sure she's waiting for me." Agad namang kumunot ang noon i Thiago.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon