Chapter 21 - Broken Vow

289 12 1
                                    

🎵 Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go
I need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end🎵

Maagap na naglakad palabas ng eroplano si Aina nang makarating na sila sa Caticlan. Mabilis niyang nilagpasan si Thiago dahil sa kahihiyan at agad na lumapit kay Andra na humihikab pa. Sinakbit niya ang braso sa kaibigan na kung maari niya lang sabunutan ay ginawa niya na.

 
"Bakit nawala ka sa tabi ko?" tanong ni Aina habang pababa sila ng hagdan.

 
"Hm? Nahihilo daw si Millie sa amoy ni Kuya eh. Weird." Nagkibit balikat pa ito.

Hindi na lang nagsalita si Aina dahil baka kung ano pa masabi niya. Alam niya naman kasi kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ni Millie.

Pagbaba sa airport ay may kaniya-kaniyang van ang naghihintay sa mga estudyante bawat year level kaya naghiwa-hiwalay na sina Aina pansamantala. Mula rito ay ihahatid na sila sa may Caticlan port para sumakay ng Bangka na magdadala sakanila sa isla ng Boracay.

Tahimik lang si Aina buong byahe habang nakasaksak ang earphones sakaniyang tenga, Ninanamnam ang bawat liriko ng musika na tila sadya para sakaniya, Habang ang mga kaklase ay nagdidiwang at nagsasaya dahil sa labis na pagkapanabik, siya naman ay nagmumukmok sa gilid.

Hindi niya maiwasang hindi isipin si Theo. Kung sana sa paglayo niya ay naiwan niya na din ang masakit na alaala ngunit hindi. Hindi kailanman. Dahil kung gaano siya nasaktan ni Theo ay ganun din ang sayang naidulot nito sakaniya.

Habang nakapikit ay may tumakas pa ding luha sakaniyang mata. Bumigat ang kaniyang pakiramdam. Bumuntong hininga na lamang siya ay hinawakan ang pendant sa kwintas na bigay ni Theo. 

Naranasan mo na ba iyong may naalala kang masakit na alaala? Iyong alaalang wala ka nang magagawa kundi tanggapin na hanggang ganoon na lamang siya. Alaalang kahit baliktarin mo ay masakit pa din. Matutulog ka na may dinaramdaman at tumutulo na lang ang luha. Gigising ka kinabukasan na mabigat ang dibdib at luluha pa din. Ganon ang nararamdaman ni AIna.

Kahit anong pilit niyang sabihin na ayos lang siya, hindi talaga.

Nang makarating sa port ay parang mga nakawalang alaga ang mga estudyante. Kaniya-kaniyang hanap sa grupo ang ilan. Sa port pa lamang ay bakas na ang kulay asul at malinaw na tubig ng dagat. Paano pa kaya kung sa isla na mismo? Ngayon pa lamang siya nakaramdam ng ginhawa.

Inihip ng malakas na hangin ang kaniyang buhok kaya agad itong sumabog. Nakahigh-waist short siya at black crop top na ipinares sa itim na sneakers. May dala din siyang maliit na maleta sapat lang para sa mga damit at ilang gamit. Tatlong araw lang naman sila rito.

Isa-isa nang nagsi-akyatan ang mga estudyante sa malaking Bangka. May kaniya-kaniyang vest rin na ibinigay sakanila.

"OMG! Nakakaexcite!" maligayang sambit ni Andra na suot na ang kaniyang vest. Abala ito sa pagkuha ng litrato.

"Oo nga eh, ano nga bang pangalan ng hotel?"

"Hennan!" sagot naman ni Andra sabay talikod at naglakad na paakyat sa hagdan pasakay sa Bangka.

Nang pagkakataon na ni Aina ay nahirapan siyang ibalanse ang kaniyang sarili. Muntikan pa siyang mahulog ng hindi niya napansin ang susunod na aapaakan. Sa kagustuhan niyang mailigtas ang gamit ay naout of balance siya. Sasaluhin na sana siya ng bangkero pero naunahan siyang saluhin ni Lance. Hinawakan lang naman nito ang kaniyang palapulsuan at saka marahan na inangat.

Nanlaki ang mata ni Aina. Hindi niya nakita si Lance mula airport hanggang sa makarating sila rito sa port kaya taking-taka siya kung paanong biglang sumulpot ito. Inagaw na ni Lance ang kaniyang bagahe kaya mabilis na niyang nabawi ang balanse.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon