xii

84 7 0
                                    


After a few weeks, ngayon ay weekends. Umpisa na ng finals namin sa darating na Lunes. Kasama ko ngayon si Skyler, nasa kusina at nagluluto.

Sa isang buwan na lumipas, wala kaming pinagaawayan. Kapag may oras, nakain sa labas, pumupunta sa iba't ibang lugar. Kapag wala namang oras, sinasamahan niya ako sa loob ng unit ko kapag libre ang oras niya. Ngayon kasi, medyo busy na siya sa school niya at sa negosyo.

"Pangga, kain na." rinig kong sabi niya habang nagbabasa ako.

"Uh-hm..."

"Uh-hm ka d'yan." naramdaman ko siya sa likuran ko at niyakap ako pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Mangangalay ka d'yan."

"Ayos lang, ang mahalaga nayakap ka." tumawa lang ako sa sinabi niya at bumalik sa pagbabasa. Hindi nagtagal, umalis rin siya sa likuran ko, humalik muna bago tuluyang tumayo.

Sa isang buwan, nasanay na ako sa presensya ni Skyler. Madalas siyang papansin at gusto na laging nakabuntot sa 'kin. Gusto niya araw araw akong nakikita, nakakausap. Alam niya rin na madalas akong hindi nakakatulog. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, 'pag naririnig ko ang boses niya, makakatulog na rin ako. Kahit nga na magkabit bahay kami tumatawag siya hanggang sa makatulog ako.

Clingy boyfriend.

Nasa coffee table ako ngayon at nag aaral. Naramdaman ko siya sa gilid ko.

"Ahh..." napalingon ako sa kanya. Bumungad sa 'kin ang kutsara na nakatutok malapit sa may bibig ko. Dahan dahan kong binuka ang bibig ko. Nakangiti siya habang pinapasok sa bibig ko ang pagkain.

"You're so busy. After your finals gala tayo ah." tumango ako sa sinabi niya.

"Okay..."

Sinusubuan niya ako habang nagbabasa ako sa laptop ko. Pagkatapos kumain may tumapat na straw sa harapan ko.

"Oh my gosh! Coffee jelly!" masaya kong sabi. Ngumiti siya sa 'kin habang hawak pa rin ang cup. "Ako na mag hahawak."

"Ako na, mag aral ka na d'yan." binalik ko ang tingin sa laptop at mga papel na nasa harapan. Ang straw ay hawak niya at nasa gilid ko lang siya. Nilagay niya ang ulo sa balikat ko, sa isang tenga ay may earphones siya at tahimik na nanonood sa cellphone.

After a few minutes, bumigat ang ulo niya na nasa balikat ko. Napalingon ako sa kanya at nakita na nakatulog na siya sa tabi ko. Inalis ko ang ulo niya na nasa balikat ko umurong ako at dahan dahan siyang hiniga sa hita ko. Pilit kong inabot ang throw pillow na nasa likuran ko at nilagay ko sa bandang tiyan niya para may mayakap siya.

Binalik ko ang paningin sa inaaral pagkatapos. Huling exam, pagkatapos ay third year na. Hindi na ako mapakali, gusto ko ng makagraduate. Dahil nga sa UP ako nag aaral, ang hirap rin. Sa dalawang taon ko, ngayon pa ako nahirapan kung kailan naka kalahati na ako. Sabi pa nga ni Toffer last Friday na, 'Studying in UP is free. But you need to sell your soul to the devil to graduate.'

Natawa ako ron. Sa paaralan na 'yon, parang hindi lang sapat na may talino ka. Kailangan may sipag at tiyaga dahil sa dami ng inaaral at ginagawa, kailangan hindi mo sukuan... lalong lalo na kung iyon ang pangarap mo. You can't give up your dreams just because you're tired. You need to sacrifice... sacrifice now, then, like how people say it in this country, 'hayahay' later.

Napatingin ako sa digital clock, mag a-alas cinco na. Ganon ako katagal na nag aral. Ang lalaki naman na nasa hita ko ay tulog na tulog pa rin. Kahit ayaw ko man siya pahigain sa carpet, wala akong choice dahil kailangan ko ng maligo. Nilagyan ko na lang ng unan ang ulo niya. Pagkatapos, dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil papasok na ako.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Where stories live. Discover now