xxvi

60 5 0
                                    


"Anong gagawin natin dito?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa isang itim na SUV. May dalawang bodyguard doon hinihintay kaming dalawa. His men.

"I don't know. Road trip?" aniya at humalakhak. Hindi ko mapigilan na mapairap habang iniipon ang buhok kong nilipad ng hangin. Nakisali ang kamay ni Timothy sa pag kuha ng buhok ko, tinapik pa nga ang kamay ko at siya na ang humawak. I glanced over my shoulder as my eyebrow rose.

What?

"God, I just finished driving that," I said and looked at the bird plane.

Nagkibit balikat lang siya at nginuso ang driver seat ng Mercedes-Benz.

"Tamad." sabi ko. Sumisipol sipol siya nang isara niya ang pinto. Nang makapasok siya sa loob ay ang ganda ng ngiti niya.

Nang masuot ko ang seatbelt, nilingon ko siya. Iyon siya ngayon at patawa tawa habang inaayos ang isang polaroid camera. "Para saan 'yan?"

"Memories," he simply said. "Drive now my alipin."

Wala sa sarili ko siyang kinurot, nang marinig ko ang hiyaw niya doon ako nagsimula na mag maneho.

"Where are we going?" tanong ko habang nagmamaneho.

Kahit na madilim na, marami pa ring tao na gumagala. Ang iba ay parang lasing pa nga. Meron pang mga tao na nagsasayaw sa gilid ng daan.

"Date nga 'di ba po?" he playfully arch his brow. Sanay na ako sa paganito ganito ni Timothy. Paharot harot pa minsan minsan. Hindi ko na lang pinapatulan dahil sa dami ng babae nito, ayoko ng dumagdag pa.

"I like you naman talaga, you're not naniniwala lang. Saka alam ko naman na..." bulong bulong niya sa gilid ko na hindi ko masyado narinig.

Kinurot ko siya, "Ano sabi mo?"

"Aww! Wala! Just follow the maps, Eydra."

Nagtataka kong tiningnan ang Cleveland Museum of Art here in Ohio. Bukas pa iyon na pinagtataka ko dahil alam kong gabi na. Wala namang bukas na museo ng 11:30 p.m.

"Why do you like bringing me to art museums?" I asked him while we were looking at the masterpiece in front of us.

Hilig niya talaga. Hindi ko alam kung ilang beses niya na ako nadala. Madalas naman kasi ay hinihila niya lang ako palabas ng bahay. Sa tingin ko, lahat ng museo sa Washington ay napuntahan na namin.

"You like art." maikling sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. I stopped painting when I'm in Washington. I don't have enough time for that, so I also stopped drawing houses for fun. I focused on designing airplanes.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

First of all, I never thought that Timothy would realize that. At saka, siya? Maiisipan niya ang ganito? Nakakagulat lang.

He smiled while his eyes were still in the masterpiece in front of us. Ang painting na iyon ay may babae na nakatalikod na nakatingin sa langit, habang may lalaki naman sa likod niya na nakatingin sa babae. It looks like an unspoken love.

I looked at the title below, "Love that he can't have."

"And you are also an art." dagdag niya habang nakangiti, napalingon ako sa kanya.

"Bola!" sambit ko kasabay ng pagtawa naming dalawa.

Nag lakad lakad pa kami. Nang makalabas, nagulat ako dahil he's making video na naman. Isa pa ito sa hilig niya, kada naalis kami lagi akong may picture o hindi kaya ay video sa kanya. Marami rin siyang na compile na video ng anak ko habang nalaki ito.

Resting in Blowing Gale (Element #1)Where stories live. Discover now