Chapter 1

3.4K 85 25
                                    

TORY

The bell rang, different voices began to conquer the whole court. Katatapos lang ng practice ng basketball team ng school namin. Excited ang mga taong makalabas para makagala. While me? Gusto ko na lang ibaon ang sarili ko rito mismo sa inuupoan ko ngayon. I want to go home dahil marami pa akong tatapusing requirements pero ayoko siyang makita.

It’s been a week since I signed that contract. Isinama niya ako sa mansion niya at binilhan ng mga gamit. Hindi na nga ako nakauwi para makapagpaalam kay Mama dahil hindi niya ako pinayagan. I didn’t know that he’s protective as hell.

What if takasan ko si Manong driver at puntahan si Mama? I’m sure wala pa ngayon si John sa bahay since gabi na iyon umuuwi.

His ‘Be sure you’ll get home early’ made me frowned.

I think we will going to do ‘that’ tonight. I mean, he’s desperate for him to hire a babymaker kaya naisip kong may mangyayari na nga mamaya.

Kinagat ko ang ibabang labi. What should I do? For 22 years wala pa akong karanasan sa mga ganoong bagay. May mga napapanuod at nababasa ako but I can’t imagine myself doing that thing.

I sighed. Siguro kung buhay pa si Papa hindi ko ito mararanasan. He will take care of me. Ang tangi niya lang gusto ay ang makapagtapos ako at makamit ko ang mga pangarap ko. My father died in an accident 11 years ago. After a year nag-asawa ulit si Mama. Akala ko nga siya na ang papalit kay Papa, but John is an abusive type of man. Lagi niyang binubugbog si Mama kapag galit siya o mainit ang ulo. Pero wala lang iyon kay Mama hanggang sa pati ako binubugbog na rin niya.

Nilabanan ko siya na muntik na niyang ikinimatay. Natamaan kasi niya ang matulis na bagay nang itulak ko siya. I even prayed na natuluyan na lang siya. Unfortunately, hindi nangyari.

My mother blamed me for that. When he recovered, binantaan niya ako na pagbabayaran ko raw ang ginawa ko.

Isang gabi muntik na niya akong gahasain, buti nalang nakatakas ako. That night, lumayas ako at nakitira kina Sandra. Binibisita ko na lamang si Mama kapag alam kong wala si John. Yes, even though my mother defended John instead of me, gusto ko pa rin na masiguro ang kaligtasan niya. She’s my mother after all.

Pero matalino si John. Inabangan niya ako sa gate at pinilit na sumama pabalik sa bahay. Hangga’t hindi ako nag-aasawa, hindi raw ako makakatakas sa kaniya.

“Bruha!”
Hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at hindi nga ako nagkamali. I saw my friends running towards me.

“Bruha ka! Nandito ka lang pala!,” sabay sabunot saakin ni Queen. Hinawakan ko naman ang magkabila niyang kamay at inilayo sa buhok ko.

“Magulo na nga ang buhok ko, mas ginulo mo pa. Gaga ka talaga kahit kailan”

“Eh naiinis na kasi ako sa ‘yo bruha ka. Kanina ka pa namin hinahanap, tingnan mo nga ang beauty ko, haggard na.”

Inirapan ko siya at inilabas ang suklay mula sa bag. Kahit kailan ang arte talaga.

“Since ikaw naman ang gumulo nito, ikaw na rin ang umayos,” sabay hila ko sa kanan niyang kamay at ibinigay ang suklay. My brow rose up when I saw his fingernails. Aba ang bakla, bagong manicure. Siya lang ata ang baklang nagbibihis lalaki pero ang mga kuko ay kulay pink at may tirintas pa sa buhok.

“Girl, saan ka ba kasi galing?”

Binitawan ko ang kamay ni Queen at nilingon si Sandra.

“Dito lang. Kayo ba saan ba kayo galing ha? At bakit bagong manicure kayong lahat?”
Napansin kong lahat sila bagong kulay ang mga kuko. Itong mga ‘to hindi man lang ako isinama.

The Billionaire's Babymaker [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now