Chapter 2

2.5K 73 11
                                    

TORY

“Anong kalokohan ‘to?”
I frowned when I saw a black lingerie on my bed. Nakangiwi ko itong pinulot at chineck. Papaano nakarating ang ganitong bagay sa kuwarto ko!? Damit pa ba ito? Parang kapag sinuot ko ‘to kakabagin ako ah.

Akmang tatawagin ko si Manang Lourdes para itanong kung kanino ‘to galing at kung bakit ‘to napunta rito pero napansin ko ang maliit na papel sa kama kung saan nakalapag ang damit kanina.

'Wear this for tonight'

Are you freaking serious, Alas!?
Mabilis ko itong hinagis pabalik sa kama. There’s no way I’m gonna wear that thing!
Wala naman sa rules na magsusuot ako nang ganiyan.

Napabuntong ako nang maalala ang unang rule ni Alas.

'Obey Me'

Daig pa ang Presidente kung makapag-utos. Siya kaya ang pasuotin ko nito tapos ako ang magba-boxer?
Kidding, baka sipain ako nun palabas ng mansion.

Alright. Pinasukan ko ‘to kaya dapat panindigan ko ‘di ba?

Ito ang gusto mo, Alas? Sige pagbibigyan kita. Tingnan natin kung hindi ka mabigla.
Pero anyway mamaya na, tutulungan ko munang magluto si Manang para may makain si Alas pagdating niya.
I’m sure gutom iyon pag-uwi.

I smirked. Para akong asawa kung mag-isip.

Victoria Evangeline Jones Taylor.
Aba bagay din naman.

Kidding, hindi si Alas ang tipo kong lalaki. He’s too perfect, not my type at all.

Napadaing ako nang mahalikan ko ang matigas na mesa. Inaantok na ako dahil kanina pa ako naghihintay kay Alas pero hanggang ngayon wala pa rin. Pinatulog ko na ang mga maids kanina pa. Sa tingin ko malamig na rin ang mga hinain kong pagkain na niluto namin ni Manang.

Asan na ba kasi si Alas?
Pinauwi niya ako nang maaga tapos siya naman pala ang late.

Napatili ako when I saw my own reflection from the glass door. Yeah, sinuot ko ang lingerie na binigay niya. Pero binago ko konti ang style. Sana naman hindi niya mahalata.

Akmang tatayo na ako para tingnan kung nasa labas na ba siya nang bigla siyang pumasok sa kitchen. Dahan-dahan kong tinungo ang switch ng ilaw at binuksan ito.

“Hi, love—wtf!” tili ko at agad na napaatras nang bumungad siya sa harapan ko. I gulped. He’s looking at me seriously.
His eyes are weak, his cheeks are burning red.

“May sakit ka ba?” lumapit ako konti sa kaniya at inilagay ang likod ng palad ko sa noo niya. Hindi naman siya mainit pero bakit siya namumula? He looked at my face then down to my body.

I gulped again when his eyebrows met.

“What are you wearing?”

“Ito ‘yung iniwan mo sa kuwarto ko ‘di ba?” taka kong tanong. Nagtataka ako sa reaksyon niya nang makita ang suot ko. Like hello? Wala man lang bang tulo laway diyan? Kahit malalaking paglulunon ganurn?

Sa reaksyon niya parang hindi niya gusto ang suot ko, e.

“Wala akong iniwan sa kuwarto mo,” nakasimangot niyang sabi.

My jaw dropped. Okay? Well, sinong nag-iwan nito? Multo?
“Seryoso ka?”

He nodded.
“I’m not that kind of man who will left something to turn myself on,” aniya saka naglakad patungo sa ref. Lumingon pa siya sa akin at hinagod ako ng tingin

“And that won’t turn me on. It looks like a pajama”

Pa-pajama!?
Maka-pajama naman ‘to!
Pinahaba ko lang naman nang konti ang bawat side ng damit.

“Eh ang ikli, e! At halos kita na ang kaluluwa ko! Kapag isinuot ko ‘to na walang pagbabago, tiyak babangon si Papa mula sa hukay,”  giit ko naman at sinundan siya. Kinuha niya ang isang pitsel ng malamig na tubig at isinalin sa isang baso saka uminom.

He looks like a thirsty dog.

“Kumain ka na? May inihanda na ako baka lang kasi gutom ka”

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pag-inom.

“Saan ka galing? Tumawag ang lola mo kanina at sinabi niya na gusto ka raw niyang makita bukas—hoy!”

Napaawang ang bibig ko nang mabuhosan ako ng malamig na tubig. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko.

“S-Sorry”
Nanlaki ang mga mata ko nang inilabas niya ang panyo at pinunasan ang dibdib ko.

“T-Teka—”
Our eyes met habang ang kamay niya ay nasa dibdib ko pa rin. Namumula na ako sa hiya pero siya seryoso pa rin habang nakatingin sa akin. Buong buhay ko wala pang nakakahawak sa dibdib ko kundi ang mga kamay ko rin. Ngayon, parang wala lang sa kanya habang pinupunasan ang dibdib ko.

Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko. His hands stopped pero mas lalo pa niyang inilapit ang katawan habang nakatingin sa labi ko. Naduduling na ako sa lapit ng mukha niya. Hindi ako mahilig sa gwapo pero bakit parang umiilaw yata ang paligid? Ito na ba?

Shit! Anong gagawin ko? Hindi ako makakilos para akong naging yelo sa kinatatayuan ko ngayon.

My jaw literally dropped when he took something from my back at nagsimulang maglakad paalis. My heart skipped a beat as I felt the butterflies stopped moving in my stomach.

W-What the heck happened?

“Hoy!” sigaw ko sa kaniya.
Huminto naman siya at kunot-noong lumingon sa ’kin

“What?”

“Akala ko ba ano...” teka hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko ba gagawin na namin ‘yun.

B-Bakit...

Napatingin ako sa bagay na kinuha niya mula sa likuran ko kanina. Car keys. Hindi ko nakita na inilapag niya iyon kanina ah.

“S-Susunod ba ako sa k-kuwarto mo?” nauutal kong tanong. Baka hindi lang siya komportable rito sa kusina. Ang kapal talaga ng mukha ko.

Nawala ang kunot sa noo niya, he pursed his lips at iniwas ang paningin mula sa ’kin.

“Matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas,” aniya at nagpatuloy sa paglalakad palabas sa kusina.

Seryoso!?
Don’t I look attractive tonight?
Ano ba naman ‘yan...

Akala ko pa naman mangyayari na ‘yun, e.
Wait, what the f?

Why do I sound disappointed?
Napahawak ako sa magkabila kong dibdib.
Para akong binuhosan nang malamig na tubig nang ma-digest ko na ang nangyari.

Nahawakan nang isang bilyonaryo ang dibdib ko. Nahawakan niya ang dibdib ko!
Nahawakan na niya pero bakit hanggang doon lang!?

Humarap ako sa glass door at tiningnan ang sarili ko. I frowned when I saw myself. Ngayon ko lang na-realized ang manang ko pala tingnan. Maybe that’s why hindi siya na turn-on.

Hinahamon talaga ni Alas ang pagkababae ko ah. Humanda ka Zachary Ace Taylor.

“Operation! Sedyusin si Alas!”

“Hija?”

“Ay Kabayo!" napaigtad ako nang makita ko si Manang. “Manang naman, akala ko tulog ka na?”

Mahina naman siyang tumawa at lumapit sa mesa. “Mukhang pagod siya kaya hindi na kumain. Ililigpit ko na lang ‘to, matulog ka na”

Padabog na nilapitan ko si Manang.
“Manang, don’t I look attractive tonight?"

Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

“Konti, hija”

Mas lalo akong napasimangot.
Konti...

“Salamat po ha. Supportive niyo po grabe. Matutulog na ako, Manang. Good night”

Mahina ulit siyang tumawa.
“Good night, Iha. Huwag kang mag-alala hindi naman mahilig sa sexy si Zach"

Ows? Talaga ba?
Eh bakit hindi niya ako pinatulan kanina?
Bukas ko na lang sisimulang sedyusin si Alas.

The Billionaire's Babymaker [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now